Chapter 2

39 1 0
                                    




Snow (POV)

6:30 am

kriiiiiinnnggg~ Kriiiinnggggg~

Ahhhhh...ang sakit ng katawan ko. Hinilot hilot ko yung likod ko. May bukol.. Aaaaargh! eto yung hinampas nung lalaki eh. Badtrip!

kaya ayokong kumain sa Cafeteria eh lagi nalang ako napapagulo.

    Tinignan ko yung cellphone ko. Sh*t  6:32 na napasarap tulog ko. Napabalikwas ako ng higa sa kama ko. Kinuha ko yung tuwalya at pumasok nako sa Cr at naligo. Ilang minutes lang ang tinagal ko at nag hanap nako ng isusuot. Kinuha ko yung fit black pantalon partner sa  baby pink t-shirt ko. Napasulyap ako sa tatak ng damit ko, "HAVE A GOOD DAY" sana nga maganda araw ko ngayon.

  Pag katapos kong mag bihis at suklayin yung buhok ko, umalis nako.
Di nako nag abalang kumain kasi 15 minutes nalang late nako.Inistart ko na ang aking mio sporty. sorry wala kong sasakyan eh.



"Welcome to Hell" tanging naisatinig ko bago makapasok sa malaking paaralan nato. Sa totoo lang hindi ko naman gustong mag aral dito. Nakapasa lang talaga ako sa Exam kaya nag kascholar ako, mas mbuti narin yon. Makakapag ipon nako.

"Sya ba yon?"

" Yes, she is.. grabe ang kapal talaga ng muka pumasok pa talaga"

"Tignan mo nga yung muka, patapon, ang daming pasa hahahahahaha"

"sssh, shut up girl baka bugbugin tayo nyan"

Ganda ng bungad ah. Nag lakad nalang ako na parang ako lang yung tao sa mundo.Ganto naman lagi ginagawa ko kaya sanay nako. Walang lingon-lingon, walang ngiti-ngiti, ni tignan nga sila wala kong pakeelam.
Aakyat na sana ako ng--

"bogsh"


Aray! aaaah! shit! Napahawak ako sa mata kong natamaan.Ang hapdi ng mata ko. Medyo nag eecho echo pa sa tenga ko yung sound leche!

Dahan dahan akong tumayo ng masiguro kong ayos na yung pandinig ko. Ang hapdi padin ng sintido ko.

"Ayos ba?"

Napatingin ako sa nag salita sa likod ko. Dahan dahan kumunot yung noo ko ng mapag tanto ko kung anong nangyayari. Binato lang naman ako ng soccer ball sa sintido ko nang lalakeng nasa harap ko. Saglit ko syang tinitigan, nakipag labanan din sya ng tingin sakin habang ngingisi-ngisi.
Ako na ang unang umiwas ng tingin at sumuko . Hindi ko sya kilala. Malamang isa nanaman to sa mga studyanteng walang magawa.
Tatalikod na sana ako ng--

"Aray!" Napahawak ako sa batok ko. Malakas nayon ah! tss. Napapikit ako sa inis. kalma lang! Binato nanaman nya ko. Ano bang problema ng isang to. Napipikon nako ah.

"Para sa tropa ko hahahahha"

kinuha nya yung bola. Nang-akma nyang ihahagis ulit sakin, napayuko ako, hinihintay na may tatamang bola sa ulo ko.

At hindi nga ako nag kakamali, Napapikit ako ng tumama yung bola sa ulo ko. Nauubusan na talaga ako ng pasensya kaya pasensyahan nalang tayo.

SONREÍR FOR SNOW VEIGHNWhere stories live. Discover now