Kabanata 2

6 2 0
                                    

Kabanata 2

Hindi ko alam kung anong gagawin ko: kung babatiin ko ba siya, maiinis kasi pakiramdam ko inaakit niya ako o hahawakan ko yung pandesal niya. Hindi ko alam kaya mabilis akong tumalikod para tumakbo.

"Are you tripping me out Liana?!" Napatigil ako sa pagtakbo. Ramdam ko yung inis sa boses niya kaya dahan dahan akong humarap.

"Nope," Ramdan ko yung boses niyang naiinis. Halatang kakagising lang nito.

"Bakit tinalikuran mo ako?" Tanong niya.

Dahan dahan naman akong humarap. "I just want to give this to y-you."

"Ako ba dapat ang lumapit?" Sabi niya sakin kaya idinilat ko ang isa kong mata para tignan siya. Nagbibihis na siya ngayon.

"Sunget.." bulong ko.

Lumapit ako sa kanya. "Oh, My mom told me na ibigay ko sayo to." Sabi ko sa kanya.

"What is that?" Tanong niya.

"I think.. envelope." Pang pilosopo ko at ngumiti pa ako.

Tinignan niya ako ng mata sa mata kaya dahan dahan akong nagiwas ng tingin. Ramdam ko din yung pagtulo ng butil butil kong pawis sa noo.

"Tss. Okay you may go." Padabog niyang  kinuha yung envelope at pinagsaraduhan ako ng pinto.

Wala akong nagawa kundi ambahan siya ng suntok which is hindi naman niya makikita kasi sarado na ang pinto.

"Sunget akala mo gwapo.. pasalamat ka gwapo ka kundi nasapak na kita" Inis kong sabi.

Nakasimangot akong bumalik sa bahay. Nababadtrip ako kay Connor. Nakakainis siya, sobra pa sa sobra.

"Bakit ganyan itsura mo?" Tanong sakin ni Dad habang inaayos ni Mom ang necktie niya.

"Nothing Dad." Sabi ko at kumuha ng tinapay para kainin.

"Ang tagal mo Lian may nangyari ba? Nag away na naman ba kayo ni Connor?" Tanong ni Mom.

"Hindi po."

"Bakit ganyan face mo? Hindi masabi kung napagbagsakan ng langit at lupa o malalim ang iniisip." Si Mama.

"Mom Dad, bakit kaya may mga taong nagagawang mag like sa nakakatawang post sa facebook? Hindi ba nila alam kung paano mag react ng HAHA?" Pang iiba ko. Ayoko kasing sabihin na si Connor ang dahilan kung bakit ganito itsura ko.

"Mga kulang yan sa aruga ng magulang." Napatingin ako sa likod ko.

"Bakit hindi niyo ako ginising?" Tanong ni Kuya Darren.

"May sinabi kaba?" Tanong ko sa kanya.

"Im not talking to you Lian." Sabi ni Kuya Darren. Inirapan ko nalang siya.

"Whatever!" Inis kong sabi.

----

Balak sana akong ihatid ni Daddy bago siya pumasok sa Work kaya lang sabi ko huwag na. Malalate na kasi siya at traffic pa kung ihahatid niya ako. Si kuya naman ayas akong ihatid kesyo malaki na daw ako at kaya ko nang mag comute mag isa.

Bakit kasi ayaw akong bilhan ni Dad ng kotse puro nalang si Kuya! Nakakainis.

Natatanaw ko ang maitim na mga ulap. Ibig sabihin uulan ng malakas at sa kamalas malasan wala akong dalang payong at hindi ako hinihintuan ng mga taxi.

May humintong kotse sa harap ko. Kulay Pula ito at kilala ko na agad kung sino ang may ari.

"Liana." Tawag sakin ni Blake. "Sabay kana sakin."

Part of Your World Where stories live. Discover now