Kabanata 1

8 2 0
                                    

"Abby sabi sakin ni Jasmine ang sama daw ng ugali mo." Tumawa ako.

Nasa canteen kami ngayon dahil lunch naman. Konti nalang ang tao dito sa canteen, siguro mga nasa labas yung iba. Kumakain sa mamahaling restaurant.

"Sino nag sabi?" Kunot noong tanong nito.

"Si jasmine chinichika ka kanina sa mga new friends niya sa CR naririnig ko."

"Ako masama ang ugali? What the fuck. Masama talaga ugali ko pagdating sa mga plastic na katulad niya!" Sabi nito kaya 'di ko maiwasang matawa.

"Bad."

"Yeah I Know. Masyado naman kasing solid.  Solidang plastika ang chaka!"

Nagtawanan nalang kami. Matapos kumain ay hindi na kami nagtagal sa canteen kahit may isang oras pa bago ang susunod naming subject.Sa paglalakad namin nasalubong namin ang dating kaibigan ni Abby.

"Hi Abby." Bati ni Jasmine. "Balita ko ikaw yung makakalaban ko sa darating na pangeant here in SLU."

Tinignan ako ni Abby. "Did you hear something?"

Tinaasan ko lamang siya nang aking kilay kasi hindi ko magets ang punto niya.

"The fuck friend sabi ko sayo huwag mo nang kausapin yan. Ipinapahiya ka lang oh." Bulong ni Ricel pero narinig naman ng lahat.

"I dont care about that. Gusto ko lang naman sabihin na siya ang makakalaban ko para naman may pagkakataon pa siyang mag backout." Ani Jasmine.

"OMG! May naririnig talaga ako, Liana." Ani Abby.

"Ano yun?" Pagkukunwari ko.

"Backout? Sino ang mag babackout? Walang mag babackout dahil kung ako man yun..hm..hindi uso sakin ang salitang backout."

"Talaga ba? Eh baka nga hindi ka pa makapasok sa 18 eh," Wika ni Jasmine na nakakibit balikat.

"Who says?" Hinarap naman ni Abby si Jasmine. While me? Nakatingin sa papadaan na si Connor.

As usuall he's wearing again his black earphone pairing with his nobel. Babatiin ko sana kaya lang napatingin na ako kay Jasmine na sumisigaw.

"Dont shout you freckin' shrimp. Ang sakit sa tenga ng boses mo." Sabay irap ni Abby.

Napatingin uli ako kay Connor, wala na siya. Nakadaan na siya sakin. Nakadaan siya nang hindi man lang ako tinignan saglit.

"Alam mo abby ang ganda mo sana kung wala kang tigyawat. Nagtataka nga ako kung bakit pinayagan ka ni Sir Sherwin na makasali eh kung tutuusin ang kinukuha lang doon ay ang maganda at sikat." Ani Jasmine na namumula na sa galit but still relax kung titignan.

Si abby naman ay relax na relax lang. That's why i like her. Hindi siya kabado, lahat hinaharap niya. Alam niya din ang limitasyon niya.

"Ikaw nga wala kang tigyawat pero hindi ka maganda. For your information talented is different from pupolar and beauty." Ani Abby kaya pinalakpakan ko siya.

"The fuck!" Bulong ko.

"Kasi ikaw ganda lang ang meron ka while me full of a precious talent na wala ka!"

Hindi ko alam kung dahil ba sa bell kaya nag walkout si Jasmine o dahil alam niyang sa sarili niya talo na siya.

-------------

Maagang natapos ang araw na 'to para sakin. Wala kasi ang prof namin sa last subject nanganak daw kasi ang kanyang asawa at walang papalit sa kanya kaya maaga kaming pinalabas.

Hindi ko makakasabay si Abby dahil hindi naman kami mag kaklase at iba ang sched naming dalawa. Nagkakasama lang kami every lunch, iba din kasi yung time ng recess niya.

Part of Your World Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin