Chapter 5-It's Fortunate

27 4 0
                                    

5

 

Akala ko mauudlot ang plano naming ni Riel na pamamalengke, pero hindi pala—mukhang nagbago na ang panahon. Mukhang nagkaroon na ulit ako ng lakas ng loob.

“Ate pabili nga po ng 6 na kilong manok, tsaka po nitong isda at baboy”, sabi ko sa tinder

“Sige suki!”, ngiti sa akin ng tinder lagi kasi akong bumibili sa kanya, “Ito tignan mo o magagandang klase ang ibibigay ko sayo”, pagkabigay niya sa akin ng plastic napatingin siya sa katabi ko.

“Suki, boyfriend mo? Ngayon ko lang siya nakita”, malaking ngiti ng tinder sa akin.

“Nako hindi po! Bagong kasama ko siya sa Inn, Riel ang pangalan niya”, ngiti ko sa tindera.

“Ah. Hello po, Ako po si Riel”, ngumiti siya at inaabot na niya ang plastic at nilagyan sa bayong namin.

“Nako, sayang naman suki ang gwapo o, di ba wala ka pa namang boyfriend!”, mukhang hindi pa rin ako tinitigilan ng tinderang ito sa pangangantsaw.

“Hahahaha, sikreto ko yon, malay mo meron po pala hahaha”, ngumiti ako at inabot ang bayad. “Alis na po kami!”

“O sige bye suki! Bye pogi! Balik kayo”, masayang sabi ng tindera.

Parehas kaming napachuckle dahil sa encounter naming sa tindera.

“Ang kulit pala niya. Nakakatawa siyang kausap”, sabi ni Riel sa akin.

“Oo kaya, marami siyang tanong, pero mabait siya”, sagot ko naman sa kanya.

Napatahimik kami at nagtuloy sa paglalakad, at bigla siyang nagsalita—

“Meron ka na ba?”, tanong niya sa akin.

“Anong meron na?”, medyo naconscious ako dahil baka parehas kami ng iniisip. Nakakahiya pa naman ang daming tao!

“Sabi mo don sa tindera, may boyfriend ganon”, sabi niya sa akin.

Napahinga ako ng malalim, “Akala ko naman kung anong meron!”, hinampas ko siya sa braso, “Ano ka ba?! Wala na kong oras don no. Masyadong mahirap yung dalawang taon para sa akin na hindi ko naisipang magdagdag pa ng problema at iisipin.”

Tumigil siya sa paglalakad, “Pasensya ka na a. Nabanggit ko pa yon, tsaka baka…”, nagbuntong-hininga siya, “baka nahihirapan ka dahil sa akin”

“Alam mo ba, sa totoo lang nag-aalinlangan akong papuntahin ka sa Inn”, tumingin ako sa kanya, “Pero naisip ko, na kung wala ka nung panahon na yon, wala na rin ako, wala ng nangyaring maganda sa buhay ko. Naisip ko rin na hindi pala pang-shut-in ng tao ang solusyon, kundi ang open-up ng point of view”, ngumiti ako sa kanya, “Tara na, bibili pa tayo ng pansahog!”

“Sige! Kaya ko yan!”, masaya na ulit na sabi ni Riel.

Totoo naman  ang sinabi ko kay Riel kanina. Para talagang roller coaster ang buhay ko. Kung pwede lang na sana itong pagtaas na ito ang pagiging katapusan—sana ito nalang, pero alam kong hindi, masyado pang madaming pwedeng mangyari…

Journey to HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon