(3) False Statements

106 8 0
                                    

Third Person’s POV

 

June 16th , Monday

 

Nagkakagulo sa Room 24 nang biglang nakaramdam ang lahat ng isang presensya ng taong hindi nila alam kung sino.

“Kamusta ang isang linggo niyo?” 

Tumahimik ang lahat.

Walang balak umimik.

“Bakit yata ang tatahimik ninyo?”

Ganun parin. Walang naglakas loob mag-ingay manlang.

“Kilala niyo na ba ang bawat isa?”

Tila ba may dumaang demonyo sa harapan nila at bigla nalang silang nag-ingay.

Mukhang nakalimutan nila ang bilin ng taong ito isang linggo  lang ang nakalilipas.

“Oo nga pala!”

“3 linggo na lang!”

“Baka naman personality test yan?”

“Kilala mo na ba silang lahat?”

 

Muli siyang nagsalita.

“Makatutulong ang pagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa. Kung susundin ninyo ang utos ko, makaliligtas ka.”

At bigla na namang nawala ang presensya nito.

Nagsimula ang pangamba ng bawat isa.

May isang lalaking estudyanteng niyugyog ang speaker sa inis. Kinausap niya ang bagay na iyon na parang tao.

“Hoy! Baliw ka ba? Ha? Ano na naman ba ‘to?”

 

May isa namang balak sirain ang kung anumang wire ang nagdudugtong sa speaker at sa taong nananakot sa kanila.

“Pesteng speaker yan! May sumpa yata to e!”

 

May isang babae naman ang tumayo sa harap. Ngumiti siya habang tinitingnan ang kanyang mga kaklaseng takot na takot. Parang kasiyahan sa kaniya ang makitang nagkakagulo ang klase.

“Room 24, Class A.”

Sa sandaling iyon, tumigil ang lahat.

“Goodluck! This is what our game be like,” pagpapatuloy niya.

“Ano? Kayo ang may pasimuno neto? Tangina mo pala e! Kahit babae ka, papatulan talaga kita!”

Galit na galit ang estudyanteng ito. Parang kanina lang, niyuyugyog niya ang speaker at ngayon nama’y isang babae ang kaharap niya. Parang gusto niya itong patayin sa mga titig palang.

“Ooooopppppsssss! Anong kulay ang natanggap mo?”

“Anong kulay na naman ba ang pinagsasabi mo? Baliw ka rin e no! Magsama kayo ng speaker na yan! Sa’yo yata yan e! Parehas kayong may sapak!”

Sa pagkakataong iyon, pumagitna na sa kanila ang isang babae.

“Jayson tama na! Hayaan mo na yang babaeng yan!” sigaw nito na tila galit na galit din sa babaeng kaharap ni Jayson ngayon.

“There you are, Abi.  Kamusta ang sampal ko sa’yo last week? Namaga ba? Oh. Looks like mas malaki na yung kaliwang pisngi mo. Come here, kabila naman para pantay. By the way, I’m Aubrey.”

Kasabay nito ang pagtawa niya ng malakas.

Hindi napansin ni Aubrey na habang tumatawa siya, oras naman ito para lapitan siya ni Abi at sampalin.

“Aw!”

“Haha.”

“Buti nga sa’yo! May pa ‘come here’ ‘come here’ ka pang nalalaman dyan ah.”

“I’m Aubrey pala ha.”

Sumigaw ang buong klase.

Hindi alam ng tatlong estudyante na pinapanood na pala sila ng mga kaklase nila.

“Did you enjoy the show guys?” tanong ni Jayson na tuwang-tuwa sa mga naging kaganapan ngayon.

“Oo naman! Live show e.” Tawanan naman ang lahat.

“Oh my god! Hairfall guys!”

Naagaw ang atensyon ng lahat at tumingin sa babaeng sumigaw.

“Hairfall?” tanong nila.

“Dun oh!” At itinuro ng babaeng ito ang lugar kung saan nagsasabunutan na pala ang dalawa. Si Aubrey at Abi.

 

“Hhahaha!”

“Taena. May cancer yata kayong dalawa!” hirit pa ng isa.

“Tama na nga yan!”

“Aubrey tama na. Halika na.” umawat ang isa.

Napatigil naman nito ang dalawa.

Agad namang sumunod si Aubrey sa kaibigan.

“Humanda sakin yang mga yan, Jerome.”

Galit na galit ang aura nito. Pwede siyang makapatay sa sandaling iyon.

“Gantihan mo nalang sila.” –Jerome

“Gustung-gusto ko nang gawin yun. Kanina pa. Iniisip ko lang ang sinabi nung boses na yun. Ayokong makasira ng plano lalo na kung tungkol sa klaseng ito yun. May alam ka ba kung sino sa ating pito ang pasimuno nun?”

 

“Wala nga e. Bakit?”

 

“Ayoko sa isang buwan pa mangyari ang laro. Gusto ko, ngayon na.”

 

Sa kabilang banda naman, sinamahan ng isa si Abi papuntang clinic.

 

“Ang sarap patayin nung Aubrey na yun! Bakit di mo ko tinulungan kanina?” pagmamaktol ng dalaga.

“Ayokong makigulo sa inyo. Saka isa pa, may iniisip din ako.”

 

“Tungkol na naman ba sa boses yun?”

Isang iling lang ang naibigay ng binata.

“Tungkol san?”

 

“Kanina pa tayo pasikot sikot, pero walang clinic dito. Walang tao. Tayo lang talagang 3-A ang nandito.”

Multiple ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon