Continuation (2)

40 3 0
                                    

I'm back! hahaha. Kahit wala akong kausap ngayon, at walang may balak basahin 'to dahil nakalimutan na. Hahaha. Hindi pwedeng hindi ko tapusin to. Anyways, recap lang tayo sa nangyari.

Nagsimula na ang laro. Hindi nakasama sa Example si Hannah dahil sa nangyari sa kanya; Nilagyan ng barbed wire ang kanyang bibig kaya ayun. Si Jayson naman ay nakabalik na, matapos nung ginawa sa kanya ni Jomari; pinalo ng metal dustpan. Tapos, aww. :(( Si Joy, wala na siya. Siya lang kasi ang hindi nakasagot ng tama sa tanong ni Mr. D. Nalaman din ng barkada ni Aubrey na hindi sila ang may pakana ng laro. And there's Mikko, Abi and Claire na nagtatry intindihin lahat ng nangyayari.

Okay na? Game.

***
Still on Third Person's POV

Matapos sabihin ni Jayson iyon, lahat nanahimik.Pursigidong mag-isip at masolusyonan ang lahat bago pa lumala.

"Hindi ko alam kung makakatulong 'to pero.." Nakuha ni Sophia ang atensyon ng klase at hinintay ang susunod niyang sasabihin. "Gumraduate akong valedictorian noong grade school ako." Pagkatapos niyang sabihin iyon, lumapit muli siya sa kanyang matalik na kaibigan.

Naging isang bala ang sinabi ng dalaga sa lahat. "Valedictorian din ako," pagsang-ayon ni Mikko sa pinroklama nito. "Kayo ba?" pagpapatuloy niya.

Gulat man, lahat sila tumango.

"Wow! Kayo din? Ang galing! Di ko naisip yon! Hahaha. Spell WOW," patalun-talong sambit ni Paeng.

Pati ang barkada nila Aubrey ay di makapaniwala sa pagkakapare-pareho nila.

"May ganito rin pala kayong tinatago." Tiningnan ni Aubrey isa-isa ang mga kasama."Hindi ko pa nga talaga kayo kilala." Ngumisi ito na naghahamon sa kaniyang mga kaibigan. Lumayo ito sa kanila at lumapit sa may CCTV camera.

Sumigaw ito. Halatang pinaparinig sa lahat ang gusto niyang sabihin. "Thanks to you, Mr. Dazer. Sa uulitin, sabihan mo ko ha? Handa akong maging kasabwat mo, malaman ko lang ang baho ng mga kaklase ko."

Muli, nagpakawala ito ng nakakarinding tawa. "Edi wow!" sabay pose ng pamatay na WOW si Angelo.

"Kung mayroon man kaming tinatagong baho, sisiguraduhin kong patay ka na bago mo pa malaman yun," pangiti-ngiting sabi ni Abi at ginaya rin ang nakakainis na tawa nito.

Sa sulok naman ng silid-aralan ay makikitang nag-uusap sila Xyrus at Mikko.

"So in short, lahat tayong valedictorian, pinagsama-sama dito. Magtetest tayo, multiple choice. Survival game tama ba ako?" Tumango naman si Mikko ngunit may nagpapabagabag sa kanyang isip. Pinili niya na lamang hindi muna sabihin sa kausap.

Multiple ChoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon