Hashtag: Childhood Throwback

16.7K 228 10
                                    

Grade 3, ako at siya at ang natatandaan ko ay:

Mga nagliliparan na libro sa loob ng classroom namin at ang isa sa mga natamaan ay mortal kong kaaway na si Lucifer. Hehehe. Lucifer ang tawag ko sa kanya dahil siya ang pinuno ng kasamaan sa loob ng classroom namin. Ngumisi ako ng matamaan siya habang nakikipag-usap sa babae naming kaklase

"Boom Panes!" tumawa pa ako ng malakas. Nakita kong natakot ang tingin ng mga kaklase ko sa akin. Babae ako pero para akong lalaki. Kahit ang Ate ko na 1st year High School ay hindi ako mapipigilan dahil ako ang batas. 

"Maria Sinukuan Diaz!"

Napalingon kaming lahat sa pintuan ng classroom ng pumasok si Teacher K, ang isa sa pinakamaganda naming teacher at pinakamatalino. 

Lumingon ako agad-agad kay Lucifer at nakita kong nakatingin pa din siya sa akin. 

"Bakit mo binato si Theseus?"

"Lucifer po!"

"Ano?"

"Ay sorry po" 

"Kayong dalawa, Sinukuan at Theseus, sumama kayo sa Office" naunang lumabas si teacher. Sumunod ako pero nakaramdam ako ng pagbato sa braso ko at nakita kong tumama ang eraser ng black board sa braso ko. Tumingin ako sa mga kaklase ko at tinanong kung sino ang nambato, agad nilang tinuro si Theseus

Sumama ang tingin ko sa kanya "Demonyo ka talaga!" hinablot ko ang notebook ng naharap ko at akmang ibabato sa kanya nang may kamay na humawak sa akin--si Kenneth

"Bad yan, Anne"

Napanganga ako at binaba ko ang kamay ko.Ultimate crush ko siya at talagang tahimik lang din siya at gwapo. Naramdaman ko na lang ang pagbangga sa akin ng isang demonyo at nakita ko ng palabas si Lucifer sa loob ng room. Agad akong tumakbo at sumunod sa kanya. Hindi pa diyan nagtatapos ang lahat ng ito. 

Grade 4

Nahuli kaming naghahabulan ng stick sa corridor at ako ang sinisi ng demonyo kaya ang ginawa ko ay nilock ko siya sa CR noong mag-excuse siya. Tawa ako ng tawa pagbalik ko sa loob ng room at ako agad ang sinisi dahil nakulong si Lucifer doon. Ang ending ay--Guidance Office.

Grade 5

Bida na ako sa G.O lagi dahil sa kalokohan ko. Uwian at nakatulog si Lucifer, itinali ko ang strap ng bag niya sa upuan kaya nang dumating ang teacher ay bumagsak siya dahil kasama niya ang upuan. Ako agad ang itinuro. Ngumisi na lang ako. Gumanti din naman siya dahil noong ako naman ang makatulog ay nilagyan niya ng bubble gum ang buhok kaya galit na galit si Ate Maki nang makita ako ng ganoon. Makakaganti din ako sa demonyong yan. 

Grade 6

Graduating na ako at huling taon ko na makikita ang Demonyo dahil gagraduate na din si Ate at lilipat na kami sa Maynila. Ako pa dina ng panalo. Pero isang araw, nakita kong basang-basa ang gamit ko dahil sa tubig at ang demonyo ang may kasalanan, hindi pa natatapos  naglalakad ako sa corridor nang tapunan ako ng juice mula sa itaas. Nakita kong nagtatakbo ang alagad ng demonyo after nun. At dahil kailangan ko maging mabait, itinago ko ang mga gamit niya sa kung saan-saang panig ng school. Ang ending, helllo G.O ulit. 

1st year to 4th year

Akala ko tahimik na ang mundo ko,mali pala dahil kung saan ako lumipat ay lumipat din doon ang Lucifer at classmates pa kami. Seatmates pa, tuwing assignment at wala akong assignment ay papakopyahin niya ako pero lahat mali! Mali!  Sa bahay ay pumupunta siya dahil ang Kuya Persues niya ay nililigawan ang Ate Maki ko at nauuwi sa basagan ng gamit kapag nakikita ko siya doon. Wala ng ginawang tama ang demonyong ito kaya ang ginawa ko noong 4th year ay hinamon ko siya ng suntukan sa bakanteng lote malayo sa school namin.  Pero ilang suntok na ang ginawa ko sa kanya ay hindi na siya gumaganti, imbes ay hinila niya ako at pinatikim niya ang unang halik na hindi ko makakalimutan. 

Peste! Halik ng demoyo!

Unang halik ko ay sa Demonyo pa! Por Favor!

Truth or DareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon