Match 04: Girl like you

28 0 0
                                    

L O U I G I

"Loui!"

agad kumurba ang akong labi ng makita ang mala-anghel na mukha ni Kris.

"Good Morning!" masayang bati ko sa kanya.

"Magandang umaga rin!" nakangiti niyang sagot.

gusto kong pisilin ang pisngi niya kasi ang cute niya sa hair pin na suot niya.

"nakatulog ka ba ng maayos kagabi? ano nga pala ang nangyari sa bahay niyo?"

bigla niyang iniwas ang tingin niya at malutong na bumuntong hininga.

"masyadong magulo eh, akala mo naging okay na pero yun pala hays--ayoko munang sabihin nakakainis kapag pinagusapan 'yan"

kumunot na naman ang kanyang noo napangiti na naman ako dahil nagmumukha siyang baboy habang nakanguso.

"okay"

"sabay tayo maglunch mamaya ah?"

"mamaya? O sige"

at ngayon ngumiti na na naman siya, ang bilis niya talagang magpalit ng mood pambihira!

"ge una na ako!"

hindi niya naman ulit narinig ang sagot ko, hays ibang klase talaga siya.

hindi ko namalayang nasa labas na pala ako ng classroom.

Sobrang lakas ng ulan nitong hapon at dahil isa ako sa mga Cadets ng CATs boung hapon kaming nakababad sa field dahil nga rain or shine.

pasalamat nalang ako't mabilis ding natapos.

nasa locker room ako ng makita ang nakasabit na cellophane sa handle ng locker ko.

pagkuha ko nito ay may laman. tubig at cup noodles tapos may napansin akong note kaya kinuha ko ito at binasa.

"paki inom naman ng tubig tsaka paki-kain ng cup noodles para maiwasan ang lagnat, sorry di muna ako makakasabay kasi may biglaang tawag sa bahay namin bawi nalang ako next time bye. "
-Kris


kinuha ko ang tubig at deritsong ininom tapos napangiti akong napakain ng cup noodles.

"Uy pare, ano yan?" napangiwi ako sa lakas ng tapik ng kaibigan kong si Jerome.

"sa tingin mo ano?"

"noodles 'yan diba?" taka pang tanong niya.

"hindi, pancit 'to"

"di nga?"

hay bobo


"di'ka naman kumakain niyan ah? hindi kaya, may nagbigay sa'yo?"

"wala ka na 'dun"

"ay alam kong mga ngiting 'yan, sabihin mo nga sakin, may special someone ka na 'no?"

"wala uy, chismoso mo masyado"

Mix 'n matchHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin