#7

356 18 7
                                    

Janna's POV

"I love you, Xandra.. Please, can you give me a chance?"

</3

Ouch.. Parang may kumirot ata dito sa..puso ko. Hindi pa ako nakarating sa building namin may narinig na akong may sinuntok daw si Drake, agad akong bumalik sa room niya at ayun nga. May sinuntok siyang lalaki. Kawawa na yung mukha ni guy. Duguan narin ang mga kamay ni Drake. Nakakatakot yung aura niya ngayon. Shocks! Marami naring nakapaligid sa kanila...And then, he suddenly kissed the girl.. Yung Xandra na matagal ko nang gusto makita. Ewan ko pero...Parang nasasaktan ako.. Gusto ko na ba tong si Drake?

"Janna.."  may tumawag saken mula sa likod. Lumingon ako dito at nakita ko si Joshua. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para yakapin siya.

"E-Err. Janna okay ka lang?"  tanong niya at kumalas na ako sa kakayakap sa kanya.

"Why are you crying?"  tanong niya.. Hindi ko narin pala namalayan na may tumulong luha na sa pisngi ko. Agad ko itong pinunasan at pilit na ngumiti.

''A-Ah, hindi. Napuwing lang ako.. Hehe." palusot ko pa at tumingin sa dako nina Drake at Xandra.

"Siya ba si Xandra?"  tanong ko kay Josh. Nagsi-alisan narin ang mga taong nakichismis kanina.

"Yeah."  he looked disappointed.

*RIIIIIIINGGGGG!!!

"Mamaya ko nalang ikukwento sa'yo. Magsisimula na exams. Text kita, okay?"  tapos umalis narin ako..

Makakapagconcentrate pa ba ako neto? :"(

Drake's POV

Dinala ko muna si Xandra sa hideout ng gang. Bahala na yung exam.  Tch . Sigurado naman akong makakatake pa ako ng exam.

After kong halikan si Xandra, hinila ko siya kaagad dito sa hideout. Which is sa rooftop ng school.

May sasabihin daw siya saken..

"So, ano yung sasabihin mo?"  panimula ko.

"A-ARAY!"

Tangna, hinampas ba naman ako? Eh may taglay itong lalaking lakas eh.

"Ikaw ha? Ninakawan mo ko ng halik. Psh!"  *pout

"Eh di ko na pigilan eh.. Sorry na.. Ano nga yung sasabihin mo? Na gwapo ako? Alam ko na yun noon pa."

"ARAAAY!"

Ano bang problema ng babaeng toh? Naging sadista yata toh pagkatapos ko siyang halikan ah? Sa tenga ko na naman ngayon.

"Aishhh.. Pwede ba, tigilan mo na yang pagkasadista mo? Kinilig ka siguro noh? Ayiii "  panunukso ko. Inirapan lang niya ako at biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Drake..."  tawag niya saken. I was just staring at her. Nag-aantay na sabihin yung sasabihin ng pinakamamahal kong babae.

Falling for the Gangster [On-Hold]Where stories live. Discover now