#3

475 20 1
                                    

"Umupo ka lang dyan!" ma-awtoridad niyang sabi sabay turo pa saken.

"OPO, Sir."

"Tch.."

Tapos pumasok na siya sa kitchen ng McDo. Oo! McDo. Hihi, pinagbigyan niya ako sa gusto ko. Marunong ba yun magluto? Baka sumakit pa tiyan ko sa niluto niya. Laki sa yaman eh! Wala pa kasing tao sa mall diba? Kaya siya na muna magluluto. Nasabi narin niya na pamilya niya may-ari ng mall nato.  :"> Ayos naman pala tong boss ko eh. Hehehe.

PAGKALIPAS ng ilang minuto, bumalik na si Drake.

"O, yan! Nilagyan ko ng lason yan."

"Psh! Kung hindi lang kita boss!" bulong ko.

"May sinabi ka yata?" aniya.

"W-Wala! Kain na tayo, siiirr?~"  I faked a smile. Nagsmirk lang si Drake bilang tugon. Kumain na kami tapos umalis nadin dun sa McDo. Wow, iba talaga kapag walang tao sa mall. :)) Ano kaya sunod pupuntahan namin?

"Saan tayo pupunta ngayon, sir?" tanong ko. Patuloy lang siya sa paglalakad. Hindi man lang kumibo. Ngumuso lang ako. Psh.. Sinundan ko siya kung saan siya pumupunta. Halos isang oras na ata kami paikot-ikot dito sa mall. Ano ba talagang ginagawa namin dito?! Masakit na mga paa ko. Huhubells.

Pansin ko namang hindi mapakali si Drake. Kanina pa siya nakatingin sa phone niya. Tapos lalakad na naman sa kung saan. Syempre, sinundan ko eh baka mawala pa ako dito eh.

Biglang may lumapit sa amin na guard. Sabi niya, "Sir Drake. Bubuksan na po ang mall. Wala parin ho ba yung hinihintay niyo?"

So may hinihintay pala siya? Sino kaya yun? Girlfriend niya?

"Girlfriend mo, sir?" tanong ko bigla.

No Response. (-_-) Hilig mangdeadma neto. Sapakin ko toh eh!

"Wag niyo munang papasukin mga tao.. I'll wait for her.."

Eh "her" daw eh. So girlfriend talaga niya?

Umupo siya dun sa mga couch na pa-circle at umupo din naman ako sa tabi niya. Omo! I can smell his fragrance. Shems, ang bango niya! Naligo siguro toh ng pabango? Ilang inches lang yung pagitan samin. Nakatitig parin siya sa phone niya at paminsan-minsan ay tumitingin sa main entrance ng mall. Naku! Dumadami na mga tao. Di pa ba siya susuko? Hayyss..

"Fvck. Where's that girl?" he cussed. Tumayo na siya at tumungo palabas. Agad ko siyang sinundan. Lumabas na kami ng mall at lahat ng tao nakatingin sa amin. Galit siguro dahil ang tagal sumuko ng asong toh.. But I feel sorry for him tho.. Hindi siya sinipot ng "girlfriend" niya.

Pumasok   na kami ng kotse niya na walang imikan. Gusto ko sanang tanongin siya kung okay lang siya.. Pero wala akong lakas ng loob. Derecho lang ang tingin niya sa daan at maya-maya'y nakabalik na kami sa mansyon.

"Omo.. Where have you been? Nagbreakfast na ba kayo bago umalis?" salubong ni Mdm. R.

Hindi man lang sumagot si Drake sa sinasabi ng mama niya. He went straight upstairs without saying a word. Badtrip sguro yun pero Grabe, wala talagang modo!

"Ah, Madam. Nagpasama lang po si Sir sa mall.. May ka-meet po yata?" sabi ko nalang kay madam.

"Sino yung kameet niya? Dumating ba?Bakit nakabusangot ang mukha nun?" siya.

"Hindi po dumating eh.." sagot ko at napakamot sa batok.

"Naku. Heartbroken na naman siguro yun.."

Falling for the Gangster [On-Hold]Where stories live. Discover now