Chapter 10: Wedding Party

1.9K 19 5
                                    

KHALIL

"Tara na?" Tanong ko sa kanya. Tumango siya sa akin sabay ngiti.

Ilang araw na kami ganito. Hatid sundo ko siya. Nagsimula ito nang makasalubong ko siya sa tapat ng building namin naglalakad. Buti nalang agad ako lumabas para makasalubong siya. Hindi ko na pinalampas ang pagkakataon na yun. Kinuha ko ang kanyang number at tinext siya. Dun ako nagtanong kung pwede ba gawin ang mga gusto ko gawin sa kanya at pumayag naman siya kaya wala na naging problema pa sa akin iyon. Simula din ng malaman nila Daniel kung sino ang gusto ko naging mas close na kami. Siguro mas lalo lang din ako naging showy kasi alam ko wala na ko dapat pa itago. At itong magandang babae sa tabi ko? Dapat hindi tinatago. Kung ako mapapangasawa niya, magiging proud ako pagsigawan na ako ang asawa niya.

"Kath!" Napalingon kami sa sumigaw. Naaninag namin ang isang babaeng tumatakbo palapit sa amin.

Maliit lang siya pero maputi. Maiksi ang buhok hanggang shoulder at wavy ito. Mejo chubby cheeks siya pero bumagay naman sa kanya. Maganda din ang kanyang malaking mata at manipis na namumulang labi. She's pretty but I more attracted with simple girls. Siya kasi may kaunti pang pagkasosyal. Mula sa mga damit niya maporma, mga nails niyang may kulay, nakaayos na kilay at may eyeliner pa sa mata.

"Oh Aria?" Ani Kath. Ningitian niya ito. Ibang-iba ang babaeng ito kay Kath.

Si Kath walang kaayos ayos sa sarili. Walang paki kung magulo nakatali ang kanyang buhok pero bagay parin sa kanya. Ang kanyang mukha na walang gaanong make-up. Ang pinagparehas lang nilang dalawa ay parehas sila maporma. Siguro parehas sila deigner dito kaya ganun.

"Pwede ba sumabay sa inyo?" Tumigil si Aria nang maabutan na niya kami. Tinignan niya si Kath na nakangiti.

"Sure why not!" Sinuklian naman siya ni Kath ng ngiti. Sunod siya tumingin sa akin at naghihintay ng sagot ko.

Ngumiti ako sa kanya. "Sure. The more the merrier nga dba?"

Nakita ko mas lalong lumapad ang kanya mga ngiti. Para siya bata na napagbigyan ng magulang na maglaro sa playground. Kahit na ba gusto ko solohin si Kath, okay lang din naman na may kasama. Atleast, kasama ko parin naman ang taong gusto ko makasama.

Si Kath. Siya ang lagi ko nakakasama. Siya yung lagi kong hinahatid at sinusundo. Maghihigit isang buwan na din kami ganito, laging magkasama. Naalala ko, naging magclose kami dahil kay Daniel. Nung nalaman niya na si Kath yung gusto ko agad naman siya gumawa ng kilos para lang paglapitin kami. Kapag nauuna na ko umalis sa kanila, hinahayaan lang nila ako. Minsan pa nga, pinagtutulakan naa niya ako mapadali lang ang paglapit ko kay Kath. Nagbibigay pa siya sa akin kung  ano-ano mga playboy moves niya. Sinasabi niya mas malaki daw ang posibilidad na makuha ko agad si Kath kapag ginawa ko yun mga yun. Napa-iling nalang ako dito. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko ba siya o hindi. Mejo naguguluhan na din ako sa kinikilos niya. Parang atat na atat siya maging kami ni Kath eh hindi naman ako nagmamadali, hindi pa nga ako nagtatanong kung pwede manligaw.

Natigilan ako sa pag-iisip nang biglang may narinig ako malakas na kalambog.

"Oh, Aria ok ka lang ba?" Napalingon ako kay Kath na tinutulungan tumayo si Aria ngayon, nadapa ata.

"Ayan kasi ang lampayatot mo!" Tumawa ako. "Sa susunod nga uminom ka ng gamot at kumain ka ng madami ng magkalaman ka naman!"

Humalakhak ako. Lagi ko inaasar si Aria. Wala lang, ang pikon niya kasi atska parang bata kung kumilos. Madali lang din siya masugatan, payat pa naman din. Kaya inaasar ko ng lampayatot. Ang cute lang din niya kapag naasar na, napapangiti ako.

"Tumigil ka na nga Khalil." Hinampas ako ni Kath. "Ang aga aga inaasar mo na kaagad si Aria."

"Ang lampayatot kasi eh." Hindi ako nagpaawat. Hindi nabubuo ang araw ko nang hindi siya inaasar. Hindi ko nga alam kung bakit ang hilig parin niya sumama sa amin, napipikon lang naman siya sa akin!

Stuck With Each Other [KathNiel On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon