Chapter 3

42 4 2
                                    

Patapos na ang klase namin sa Accounting subject, oo nagklase agad yung professor namin kahit unang pa lang namemeet. Katwiran niya, major subject daw kaya bawat meetings mahalaga.

"Pare, mall tayo pagtapos." Bulong ni Jake sakin na nasa kanan ko.

"Ayoko." Sabi ko.

"Aiissh. KJ mo. Bibili ako ng regalo kay Ericka. Alam mo na magmomonthsary kami."

"Ikaw na lang."

"Gusto mo ko isama?." Singit ni Jasmine.

Nasa unahan siya ni Jake kaya siguro narinig niya pinaguusapan namin.

"Ay cge. Cge. Dahil babae ka, matutulungan mo ko sa pagpili." Tuwang tuwa naman tong si Jake.

"Pero sasama ako pag sasama si Bry."

Bry yung tawag niya sakin. Ewan ko, siya lang tumatawag nun sakin pero di ko na lang pinapansin. Di naman nakakadagdag ng bigas namin yun. Kaya hinahayaan ko na lang.

"Ayoko" pag tanggi ko ulit.

"Cge na Pare. Parang awa mo na. Hindi ko kayang bumili mag isa, baka mamaya di magustuhan ni Ericka, ibreak niya pa ako."

Sa totoo lang hindi naman sa ayaw ko pero medyo tinatamad talaga ako. So ayaw ko nga.

"Libre mo ko pamasahe aa." Kondisyon ko sa kanya.

"YES!!!" Sigaw ni Jake, kaya nadistract niya si Maam sa pag didiscuss ng lesson.

Natawa lang ang buong klase sa kanya.

------

Sa mall.

Kaya tinatamad akong sumama ay dahil alam kong mapapatagal ito. Alam ko kasing pag babae, matagal pumili. Tapos wala kang magagawa kundi ang sumunod ng sumunod sa kanya. -______-

Kaya eto kami ni Jake, sunod ng sunod kay Jasmine dito sa Department Store ng Mall.

"Pare, sigurado ako magugustuhan ni Ericka regalo ko sa kanya." - Jake

"Paano mo naman nasabi? Eh, di pa nga nakakapili si Jasmine?" -Jake

"Pag mas matagal ang pagpili, mas maganda." -Jake

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi niya. -______- Ayos logic niya ee.

Mayamaya lang ay nakapili na si Jasmine. Sa wakas. Isa yung silver necklace na may heart sa gitna. Yung heart ay katamtaman lang ang laki.

Tuwang tuwa si Jake sa napili ni Jasmine. Dahil mukhang mapapatagal pa sila sa pagbabayad. Naisipan kong maglakad lakad muna sandali. Sa kabilang banda ng department store may napansin akong pamilyar na babae, ay hindi lang pamilyar dahil sa ngayon, sigurado na ako na siya yun. Mahabang buhok na uniform ng isang kalapit na unibersidad. Nagtitingin tingin siya ng mga damit. Lalapit sana ako para tawagin siya kaso naisip ko, bakit ko ba siya tatawagin? Hindi naman kami close. Hindi ko nga siya masyado kilala. Hindi ko rin alam pangalan niya.

"Tara na Bry. Kain daw tayo sabi ni Jake."

Sabi ni Jasmine sabay kapit sa braso ko. Hindi ko na rin pinansin ang pagkakapit niya sa braso ko. Palagi naman siyamg ganyan sakin. Atsaka ganun lang ata siguro siya.

Pagtapos namin kumain sa Mang Inasal, nagaya na ako umuwi. Busog na busog nga si Jake e, makalimang extra rice ba naman e, UnliRice daw kaya dapat sulitin sayang daw bayad. Logic ulit niya. -___-

Pagkadating kong bahay, naginternet ako saglit, Facebook ba. At nag advance study para sa mga subjects kinabukasan. For sure kasing may Prof na. Mahirap na baka tawagin pa ako pag nagrecitation. Swerte pa naman ako sa ganun.

Nang patapos na ako sa pagbabasa, narinig kong may tumatawag sakin. Akala ko nung una, guni guni ko lang o baka iba kaso nung naisip ko kung sino ang tumatawag, napagtanto kong ako nga ang tinatawag.

"Bryan. Nandyan ka na ba?"

"Bryan"

"YUHOOO. Bryan."

Nilabas ko na siya. Ang ingay na kasi ee.

"O bakit?" Singhal ko sa babaeng nasa kabilang terrace.

"Badtrip?" -Siya.

"Hindi naman." Sagot ko ng malumanay makabawi man lang sa pagsusungit ko.

"Hmmm ano. Ayun, tingnan mo oh. Ang ganda ng langit. Kitang kita ang mga bituin."

Napatingin ako sa langit. Oo nga, lumitaw na ang mga bituin ngayong gabi, hindi katulad nung mga nakaraang gabi, kundi umuulan, maulap naman.

"Girlfriend mo ba yung kanina?" -Siya

"Hah?"

"Nakita kita sa mall kanina. Tatawagin sana kita kaso may nakakapit sa braso mo. Sino yun?"

"Ahh. Si Jasmine, classmate ko lang yun." -Ako

Nakita niya din pala ako. Sasabihin ko sanang nakita ko rin siya kaso, what's the point?

"Ang cute natin no? Gabi-gabi tayong nag-uusap dito sa terrace. Gusto ko talaga yung mga ganitong setup ee. Haha." -siya.

"Tssss. -____- Hindi naman gabi-gabi, nagkakataon lang." -Ako

"Pareho lang yun." - Siya

"Hindi parehon yun." -Ako

"Ikaw lang ba mag-isa dyan sa apartment mo." -Siya.

"Oo."- Ako

"Weh? Buti hindi ka natatakot." -Siya.

"Bakit naman ako matatakot? Eh ikaw? May kasama ka ba dyan?"-Ako

"Wala. Ako lang din. Kaya nga natatakot ako ee."-Siya.

"Wala namang dapat katakutan ee." -Ako

"Meron. Sabi nung bata sa 1st floor nito, may multo daw sa 3rd floor nitong building at yung building nyo."-Siya.

Napapokerface lang ako sa sinabi niya. Siryoso? Ang laki na niya, naniniwala pa siya sa multo at sa sinasabi ng bata. -______-

"Kaya nga di ako nagpapatay ng ilaw pag gabi. Nakakatakot kasi." -Siya.

"Nagaaksaya ka lang ng kuryente." -Ako.

"Okay lang. Atleast, panatag ako." -Siya.

Napansin kong andami ko na palang nasasabi sa kanya. Kaya nagpaalam.na ako.

"Oy. Cge na matutulog na ako." - ako

"Ay ganun. :( Ocge good night bryan. Bukas ulit aa, dito sa terrce. Bye."

Sinarado ko na ang pinto at muling nagbasa. Kaso mukhang di ko na rin naiintindihan binabasa ko kaya natulog na rin ako. Bago ako pumikit, naalala ko, hindi ko pa pala natatanong ang pangalan niya. Hmm, sabagay magkikita naman kami bukas. Tatanong ko na lang.

———

Author's Note:

I'll appreciate every vote and comment. Maraming salamat po. :D

That Girl in the NeighborhoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon