Chapter 1

199 8 2
                                    

Author's Note: Dahil first story ko to. Good Luck sakin.

June 13, 2013

Ika-walo ng gabi dito sa inuupahan kong maliit na apartment sa Maynila. Naisipan kong umupa na lang ng apartment upang malapit sa unibersidad na aking pinapasukan. 2nd year college na ako na kumukuha ng kursong Bachelor of Science in Accountancy sa isa sa mga maganda ngunit hindi kamahalang unibersidad dito sa Pilipinas. Yes! 2nd year na!

Maaga pa lamang pero nakahiga na ako at handa na sa pagtulog. Pagod na ako sa maghapon dahil nagayos at namili pa ako ng aking mga gagamitin para unang araw ng pasukan bukas. Ngayon lang din ako nakauwi sa apartment na ito simula nung huling araw ng pasukan dahil umuwi ako sa aking mga magulang sa Taytay, Rizal.

Kahit pagod na ako ay parang ayoko pang matulog, siguro dahil maaga pa. Kaya naisipan ko munang lumabas sa may terrace. Ang apartment ko ay nasa 5th floor nitong building. Parang ako na rin ang nasa pinaka tuktok dahil ang rooftop na ang nasa taas ko. 

Mas pinili ko talaga dito sa taas dahil mas tahimik at talagang makikita mo ang lahat. Nakatayo lang ako at nakapatong ng dalawang kamay sa mismong terrace habang nakatanaw sa malayo. Kita ko ang mga ilaw na mistulang kapalit ng bituin sa kalangitan. Malamig din ang simoy ng hangin dahil medyo nagbabadya ang ulan. Dahil hunyo ng taong ito, opisyal nang pumasok ang tag-ulan.

Bigla akong nainis, sana hindi umulan bukas. Nakakabadtrip namang umulan at baka malate sa unang araw ng pasukan. 

Bahagya akong napatingin sa bandang kanan ko, may nangungupahan na rin pala sa apartment na ito, ang balita ko iisa lang ang may-ari nitong inuupahan ko. Halos parehas lang din nitong building na ito, mayroon lamang katamtamang iskinita na naghihiwalay dito.

Sa terrace ng katapat kong panglimang palapag, merong isang babae, siguro 18 years old lang din katulad ko o mas bata pa. Nakatayo din siya habang nakatanaw sa malayo, hindi ko masyado namukhaan yung babae dahil bahagya iyong natatakpan ng kanyang mahabang buhok.

Hindi ko na lamang siya pinansin at tumingin sa langit, halatang maulap at mukha ngang uulan. Mayamaya pa ay: 

         "Pweeeeeeew!!!"

May narinig ako, sa sobrang lakas, pinagdudahan ko pa ang sarili ko kung ako ba yun. Nang masiguro kong hindi ako iyon, biglang sumama ang mukha ko at napatakip sa ilong, ang kaninang malamig na simoy ng hangin ay napalitan ng mapinsalang amoy. Napatingin ako sa babaeng nasa kabilang terrace na naghihihiyaw na sa tuwa.

        "Yes!!! Success!!!"

Napalingon siya sa direksyon ko, napansin niya na siguro na may ibang tao.

        "HAHAHAHAHAHA!!!! Naamoy mo ba yun kuya? Sorry aa. Kanina ko pa talaga gustong ilabas yun ee. Buti na lang nakaraos na ako."

Hindi ko mawari kung anong irereact ko, hanggang ngayon kasi nakatakip pa rin ako sa ilong ko. Mga ilang segundo na ang nakalipas, hindi pa rin ako nakakagalaw, gulat pa din sa nangyari. 

        "Grabe ka kuya. Hindi naman nakakamatay yun ee. OA mo, parang hindi umuutot!" Sabi niya.

Tama siya, umuutot naman ako, pero yung ganun? San bang galing yung pwersang yun, bakit ganun na lang kalakas. Natauhan na lang ako ng nagsimula nang pumatak ang ulan. dali dali na akong pumasok sa kwarto ko at baka mabasa pa ako. Ngunit narinig ko siyang tumatawag. 

        "Kuya. Kuya. Wait lang. Anong Pangalan mo? Psst." Sigaw niya.

Hindi ko siya pinansin at sinarado na ang pinto, tumahimik na siya, siguro pumasok na rin siya sa loob. Pinatay ko na rin ang ilaw, at humiga na sa kama. Haayy. Grabe, may ganun bang babae? Sa tatay ko lang ako nakarinig ng ganun. 

That Girl in the NeighborhoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon