Chapter 24 - Unique&FUNtastico

44 2 2
                                    

(PRECIOUS' POV)

Waaah! Nakakahiya talaga!! Di ako maka.get over kanina! Di ako makapaniwala na magpinsan pala si Shawn at Jorjie, hay nako. At ang mas malala pa ay alam na ni Prince Alex na crush ko ang kapatid niya, si Shawn. Waah! Nakakahiya talaga! Oh lupa lamunin mo na ako, pero idura mo ulit sayang beauty ko!

~let it go, let it go, can't hold it back anymore~

Ang cute ng ringtone ko! Hihi kinapa ko ang cp ko sa bag, pero may napansin akong kakaiba, ano to? Bottle? Ah tama eto yung bottle galing sa secret admirer ni Jorjie! Hahaha kanino kaya galing to? Binasa ko ulit yung letter, walang nakasulat na pangalan, tanging Mr. Anonymous lang ang nakalagay, wow pa.thrill pa talaga hah? Hmm . . Kinilatis kong mabuti ang bottle, in all fairness ang ganda ng pagkakagawa. Teka may label. . .

Unique&FUNtastico

Isang napakagandang ngiti ang nabuo sa aking mga labi, aalamin ko kung sino itong misteryosong Mr. Anonymous na to. Nakakaintriga kasi talaga, sa apat na taong naging classmate ko si Jorjie ngayon lang ako nakaramdam na may nagkakagusto sa kanya, syempre maliban kay Beshpren Hiro :P

Di ko alam anong kakulitang pumasok sa isip ko basta nakita ko nalang ang sarili ko na nakatayo sa harap ng isang napakagandang store, ang Unique&FUNtastico. Pano ko naman kaya malalaman kung sino yung Mr. Anonymous na yun? Buti kung maaalala pa ng mga cashiers dito ang mga naging customers nila, hindi ko nga alam kung kelan binili to eh. Baka last year pa to binili, wow hanep ng memory ng cashier pag naalala niya, mega mind! Mwahaha pero tutal andito narin lang ako, papasok na ako. Wala namang masama kung susubukan ko diba?

Kaya pumasok ako sa loob at inikot ang buong store na sobrang lawak pala, pero wala talaga akong nakitang kapareho ng bottle na galing kay Mr. Anonymous. Kaya naglakas loob na akong isa-isahin ang cashiers dito, baka sakaling naaalala nila kung sino ang bumili sa bottle na ito. Sinimulan ko na sa cashier 1. Kumuha ako ng isang pirasong bookmark yung tagpipiso para naman kahit papano may bibilhin ako diba nakakahiya naman na magtatanong ako sa cashier tapos wala man lang bibilhin, to think of hindi lang ako ang customer dito, at dahil hindi lang ako ang customer dito pila-pila din pag may time, ang haba ng pila andami palang customers ng store na ito buti walang sumisingit :P

Sa wakas, sa limang minutong paghihintay ako na talaga!

Scene #1: Cashier 1

Cashier: san po yung item mo ma'am?

Me: ah ito po (sabay abot ng bookmark at piso)

Cashier: ok po, thanks for buying! (ngumiti sya, ayos mukhang mabait!)

Me: ah miss, pwede magtanong?

Cashier: ok po, basta wag masyadong marami, kasi marami pa pong customers na nakapila :)

Me: ah promise saglit lang to (kinuha ko sa bag ko yung bottle at pinakita sa cashier) may naaalala ka bang bumili sayo nito?

Cashier: haha nagbibiro ka ba Maam? Sa dinami-rami po ng customers dito imposibleng maalala ko pa kung sino ang bumili niyan. Try nyo pong tanungin yung ibang cashiers baka maalala nila haha

Me: ok, salamat po.

At umalis na ako sa pila at binilang kung ilang cashiers pa ang pagtatanungan ko. At sobrang nalaglag ang panga ko sa kinatatayuan ko, 20 cashiers ang nandito at siguradong ubos ang barya ko kabibili ng tagpipisong bookmarks at mauubos ang oras ko kapipila sa mga cashiers na ito at ang tanging makukuha kong sagot ay "imposibleng maalala ko pa kung sino ang bumili ng bottle na yan sa dinami-rami ng customers namin dito"

Ms. No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon