CHAPTER 19 - ME IS KINIKILIG

15 1 0
                                    

CHAPTER 19 - ME IS KINIKILIG

(PRECIOUS' POV)

Andito ako sa Reserved Area na exclusive sa Section namin. Kanina ko pa inaantay sina BESHPREN JORJIE and BESHPREN HIRO. Malamang magkasama ang dalwang yun kasi may inutos si Maam sa kanila kahapon eh, pero ang nakakapagtaka lang, di pa nakakabalik si Jorjie sa V.I.P ROOM namin simula pa kagabi.

Di kaya magdamag silang magkasama ni Hiro??

Eh san natulog si Jorjie?? Sa room kaya ni Hiro?

Magkatabi kaya sila?? Erase. Erase. Wag naman sana ..

Speaking of the two.. Papalapit na sa akin ang dalawa ..

At. . .

HOLDING HANDS PA SILA?? Anyare?!

"Hep! Hep! Kayong dalawa, ANDRAMA?" - pagbati ko sa kanila

"huh??" nagkatinginan naman silang dalawa at nag-duet pa hah!

"sabi ko ANDRAMA ng H SQUARED W SQUARED na yan ?!" -sabay turo ko sa magkahawak nilang kamay.

"you mean holding hands while walking?" - painosenteng tanong ni HIRO.

"Y-E-S! yes!" - sagot ko at biglang nanlaki ang mga mata ni Beshpren Jorjie at pataboy na binitawan ang kamay ni Hiro.

"H-hindi yun holding hands noh!! Hinila ko sya papunta dito ang bagal kasing maglakad ni EF!" namumulang sabi ni Jorjie, uyy! Nahihiya.

"pwede namang hindi kamay ang hilahin mo eh, asesss!" - panghuhuli ko sa kanya.

"eh kung hilahin kita gamit ang 'yong paa, matutuwa ka??" -napipikon na sabi ni Jorjie. Haha Guilty..

"haha ito naman pikon, nga pala san ba kayo nanggaling kagabi? at bakit di nakabalik si Jorjie sa V.I.P. room namin?? Magkasama ba kayong dalawa??" -sunod-sunod kong tanong sa kanila. .

"nag.date kami. ^___^" sagot ni Beshpren Hiro na ngiting-ngiti pa kaya isang masaganang BATOK lang naman ang inabot niya kay Jorjie. .

"wag kang maniwala jan BESHPREN NC. Walang kabuluhan ang mga pinagsasabi niyan!" -hirit naman ni Beshpren Jorjie.

 ("-_-) ang gulo naman ng dalwang to!

"alam niyo ba pareho kayong magulo kausap, halina nga kayo sa dining area, kumain nalang tayo. Tss."

Tapos dumeretso na kami sa dining table. Habang kumakain kami ikinuwento naman ni Hiro ang lahat ng mga nangyari, simula sa pagiging instant MOM and DAD nila na nauwi sa kasal-kasalan, umabot din sa nagpakabayani si Hiro para iligtas ang nalulunod na si Jorjie. Natulog sila sa iisang kwarto, pero ang totoo sa sahig natulog si HIRO. Hanggang dun lang naman ang ikinuwento ni HIRO kasi pinigilan na sya ni Jorjie, na kanina pa tahimik at nakikinig sa kadaldalan ni Hiro.

Ano kayang sumunod na nangyari? Eto kasing si Jorjie KJ Ayaw pang i-share >3<

"Class prepare yourselves mag-s-swimming na tayo!" -sabi ni Maam Estrella

"yohoo! Fartey! Fartey!" -sabi ni Shawn yung class president namin (^///^)

"hay nako! Mr. President ikaw pa tong nangunguna sa kakulitan, anyway di makukumpleto ang enjoyment kung walang games kaya find your partners! Diretso agad sa SWIMMING POOL after 5 minutes." -tapos umalis na si Ma'am Estrella, agad kong nilingon si Jorjie pero mukhang partner na sila ni Hiro. . Okay?? Sino partner ko? Gusto ko pa naman sumali sa mga games T__T

Palingon-lingon ako sa paligid. . Wala talga ! May partners na sila !

Nakita ko namang tumatakbo palapit sa akin si Beshpren Jorjie.

Ms. No OneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon