He's Got the Number.

14 0 0
                                    

*FLASHBACK*

- CHRISIA'S POV -

Ilang weeks na yung nakalipas simula nung sinubukan ni Emerson na kuhain yung number ko. Desidido yata talaga siya at halos lahat ng pwedeng paraan eh ginagawa niya. Kung sino-sino sa mga kaklase ko ang pinagtatanungan niya ng number ko, nagbabakasakali na may magbibigay sa kanya pero wala talaga. Natatawa lang ako sa kanya eh. Sayang lang effort niya.

Sa kakaisip ko, di ko na naman namalayan na lumapit pala yung isa kong kabarkada na si Leslie.

“Oh Leslie, bakit?

“Bakit ka dyan? Halika nga, upo ka ditto sa tabi ko!. Nga pala, best of friends na tayo di’ba? Sulat ka naman ditto sa slumbook ko.”

“Ah..eh.. Di ba pwedeng pass muna? Tinatamad ako magsagot nga ganyan. Ang dami kayang tanong!”

“Sige na CJ, please?”, tapos nag-puppy eyes siya. Alam niyang hindi ko siya matitiis eh.

“Okay, sige. Akin na nga yan para masimulan ko na.”

“Thank you! Bigay mo lang sa’kin pagkatapos ah?”

Tumango ako at umupo sa armchair. Serious na serious akong nagsasagot sa slumbook ni Leslie. Dumating na ako sa part na..

“Your mobile number:______”

Isusulat ko na sana yung cellphone number ko pero may tao akong napansin sa peripheral vision ko. Instinct na lang kaya llumingon ako sa bandang kanan.

At ang nakita ko? Sino pa ba!

Walang iba kundi si MR. EMERSON DE VERA na titig na titig dun sa slumbook na sinasagutan ko!

Nung tumingin ako sa kanya ng masama ay napatingin din siya sa’kin, Siguro na-awkwardan siya kaya lumayo ng kaunti at tumawa.

“Oh, ba’t tumigil ka?”, tanong niya.

“Nakatingin ka kase!”

“Ano naman?”

“Nakakainis ka. Umalis ka nga dito!”

“Dito kaya ako nakaupo.”, dahilan pa niya.

Natahimik ako sa sinabi niya pero sadyang makatwiran ako.

“Hindi ba pwedeng sa ibang upuan ka muna pumwesto?”

“Magsulat ka na. Hindi ako titingin. Bakit ba kasi ang init ng dugo mo sa’kin eh.”

Inirapan ko siya at tinuloy ang pagsusulat. Nanahimik na din siya at saw akas eh natapos ko na din ang pagsasagot. Tumayo ako at inabot kay Leslie yung slumbook.

“Leslie, tapos na ako magsagot oh.”

“Ganun ba, salamat!”

 

Nginitian ko siya at bumalik na ako sa upuan ko. Tiningnan ko si Leslia. Mukhang naghahanap pa ng pwedeng pagsagutin sa kabago-bago niyang slumbook. Nakita kong inabot niya ito kay Dara na siyang kabarkada din naming. Tinanggihan nga lang siya nito kaya naghanap ulit siya. Pagkalapit niya sa pagbibigyan niya ng slumbook ay napatayo ako at napatakbo papunta kay Leslie. Yun nga lang, huli na ang lahat. Hinawakan ko si Leslie sa braso at hinila sa isang tabi.

“Leslie.. bakit m okay Emerson binigay?!”

“Ayaw kasi ni Dara eh. Kaya siya nalang. Unang lalaki pati siya na susulat!”, excited na pagkakasabi ni Leslie. Napa-facepalm nalang ako, medyo naiinis kasi ang OA ko na mag-react pagdating kay Emerson at sa mga attempts niya na kuhain ang number ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 26, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kwentong MartyrWhere stories live. Discover now