Chrisia

42 0 0
                                    

Chapter 2 - Chrisia

* FLASHBACK *

- CHRISIA'S POV -

Nagmamadali na akong magbihis at mag-asikaso. Male-late na kase ako sa Orientation ko sa school. Kabisado ko naman na yung mga sinasabi kada Orientation. Magpapakilala tapos idi-discuss yung classroom rules and regulations.

Pero chance ko na 'to na makilala agad yung mga bago kong classmates, syempre, kasama na din yung long-time friends ko.

Sa sobrang excitement at dahil late na ako, dali-dali na ang pagkain ko para maakalis na ako. Pagkakaen ko ay naglakad na ako palabas ng subdivision at naghintay ng jeep na sasakyan ko papunta sa school.

Sari-saring kwento ang pumapasok sa isip ko. Iniisip ko na agad kung sino ang unang makikita ko dun, kung ano yung una kong ikukwento pag nagkausap na kami ng mga kabarkada ko.

May mga bago kaya akong classmates? Sus. Yan naman lagi ang tanong ko eh. Gwapo kaya sila? Haha! Gwapo agad? Or kaya, merong bagong girl classmates na pwede kong maging ka-close.

Maya-maya pa eh nakadating na ako sa school. Saglit na saglit lang. Tila byaheng langit.

Haaaaay. Andito na ako sa tapat ng school. Nakakapagod maglakad ng mabilis papasok sa subdivision ha. Tumawid ako sa kabilang side kase andun yung building na pupuntahan ko. Saglit kong inikot ang paningin ko sa bagong environment na haharapin ko. 1st year High school lang ako kaya naninibago. Maya-maya pa ay pumasok na ako sa gate ng school. Medyo maraming estudyante pa ang pakalat-kalat kasi di pa pala nagsisimula yung orientation. Napansin kong may maliit na tindahan. Tinandaan ko agad yun. Pagkaen eh.

Puro pagkaen at tindahan ako eh hindi ko pa alam kung nasaan yung room ko! Okay. May dalawang hagdan sa magkabilang side. Tapos may isa pa sa gitna na papunta sa kung saan man. Hay buhay! Nasan na ba yung room ko?! Tumingin ako sa malaking orasan sa 1st floor at di ko namalayan na 7:25 na pala! 7:30 simula ng orientation ko! Lalo akong na-pressure na bilisan yung paghahanap sa room. Hinanap ko yung lady guard na nakita ko kanina sa may gate.

"Excuse me po, Ms. Guard.", bungad ko sa kanya. Matagal ko ng kilala ang guard na 'to kase since Kinder, dito na ako nag-aaral sa Mayfair College at matagal na din siyang guard dito kaya kilala niya ako.

"Oh Chrisia, ano yun?"

"Saan po yung room ng section Cumenius?"

"Ah. Dun sa kanang hagdan, unang pinto."

"Salamat po!"

Tumango lang siya sa'kin at nagmadali na ako sa direksyon na tinuro niya. Pagkadating ko sa tapat ng unang pinto ay napansin ko na andun na yung teacher/class adviser. Dahan-dahan akong pumasok sa pinto at napangiti sa teacher. Dahil likas na mahiyain ako, yumuko nalang ako. Di ko alam kung saan ako uupo plus late pa ako. Kung makatingin yung mga tao sa room parang murderer ako eh. Teka, sino ba yung mga 'to? New students?! Mga mukhang anghel oh. At least sa unang week. Sa susunod kaya? :p

Nasaan kaya sina Aidan at Jesselyn? Sila na nga lang yung mga kabarkada kong natira ngayon eh.

Nagdecide akong umupo sa hilera na walang katao-tao. Saka ko naman napansin na yung dalawang mokong na hinahanap ko, eh nasa unahan pala. Tumayo ulit ako at umupo sa tabi nila.

"Ang tagal mo namang dumating..", bulong ni Jesselyn sa'kin. "OP na OP ako kanina! Isa pa 'tong si Aidan na pa-late eh!"

"Sorry naman! Saka na ako mage-explain. Makinig na tayo."

Tahimik kaming nakinig sa discussions na kinailangan banggitin sa'min ng adviser namin. Mr. Victor Pasco pala ang name ng adviser namin. Pagkatapos ng discussions ay dumating na ang pinaka ayaw kong part.. Ang tinatawag na "INTRODUCE YOURSELF". Nagsimula sa likod yung teacher namin at di na ako nagrereklamo kase hindi ako handa sa sasabihin ko. Dahil nahihiya pa yung iba, mabilis na nakarating sa part namin nina Aidan yung pagpapakilala. Matapos nilang mag-intro, it's my turn. Tinuro ako nung Sir at tumayo ako.

"I'm Chrisia Jamielyn Leanzares. 13 years of age."

"And what do you expect from me as your adviser and your Math teacher?"

What?! Siya din pala Math teacher ko?! Halatang di ako nakikinig ah. >.<

"Uhmm.. S-sana po maayos niyo po maidi-discuss yung lessons at maintindihan niyo po kung minsan di ko masasagot yung questions. Hindi po kase Math ang strongest subject ko. No offense po."

"None taken. You may sit down now. Oh, and di ko napansin si kuya na naka-white shirt sa likod. Sorry. Please stand and introduce yourself.", sabi pa ni Sir Victor. Umupo na ako at pinakinggan ang pagpapakilala ng kuya na sinasabi niya.

"Ako po si Emerson de Vera"

Nakatingin lahat ng classmates ko sa kanya. Average lang siya. Pero lakas ng appeal ni kuya! Then again, "mukhang" mabait.

Isang oras pa ang dumaan at natapos din ang orientation. Naglabasan na kami sa room.

"Ano ba yan! Wala man lang gwapo!", banat ni Jesselyn. "Kala ko pa naman eh..", panghihinayang pa niya.

"Tumigil ka nga Jesse! Sagwa pakinggan! Nasa school tayo para mag-aral.", pagpigil at pang-aasar niya. "Buti pa si Chrisia oh".

"Che! Pakielamero ka?", sabay hampas niya kay Aidan. "Pero CJ, si Eme- Eme-something, may appeal!"

"Si Emerson? Ewan ko. No comment.", sagot ko sa kanya.

"Mukhang may gusto siya sayo. Yiieeee! Makatingin sa'yo wagas!", asar niya sa'kin.

"Inggit ka naman?", sabi pa ni Aidan.

"Stop it! Oh siya CJ, una na kami nitong si Aidan."

"Sige, bye!", paalam ko.

Habang pauwi, nakita ko ulit si Emerson. Binaling ko ang tingin ko at naglakad papunta sa sakayan.

* AFTER 5 MONTHS *

Na-manage ko na maka-meet ng bagong circle of friends. Sina Jesselyn at Aidan, sa bagong friends na sumasama. Hay, nakakamiss din sila. Kasabay ng bagong school year ay ang bagong LOVE TEAMS sa room. Sa ngayon, nali-link ako kay Emerson pero di ko naman sineseryoso.

Napansin ko na natulala pala ako. Kinawayan ako ng isang classmate ko na si TJ at kinausap ako.

"CJ, tulala ka ah. Pahingi daw ng number mo sabi ni Emerson."

"Ano? Wala! Ayoko kamo!"

"Oh sige, ako nalang hihingi."

"Bibigay mo lang kay Emerson eh!"

Makapagtaray ako wagas! To be honest, crush ko 'tong si TJ. Athletic na mabait pa. Saka nakakatuwang kasama at ka-kwentuhan.

"CJ sige na? Promise! Di ko ibibigay. Gusto ko kase magkaroon ng best friend na babae. Napansin ko na mukhang pwede ka eh."

Naawa ako. Gusto ko din siyang maka-close. Hindi naman sa malanding way. Hindi naman ako ganun. In the end, binigay ko cellphone number ko sa kanya.

"Magagalit ako sa'yo pag nalaman kong binigay mo kay Emerson yan ha!"

"Hindi nga po. A promise is a promise."

Umalis siya at nakita kong nagkatinginan sila ni Emerson. Nilapitan niya si TJ at sa tingin ko, sinabi ni TJ sa kanya na magagalit ako pag binigay niya yung number ko. Walang nagawa si Emerson kung di bumalik sa kinauupuan niya at mangalumbaba.

- AUTHOR'S NOTE -

Sorry kung medyo matagal ang update. Pero sana ma-enjoy niyo 'to :)))

I'll try to make my updates as soon as possible~ Thank you for reading!

Kwentong MartyrWhere stories live. Discover now