Chapter 7: Selosan Blues

25.5K 523 258
                                    

10am sa coffee shop

Mas maaga shift sakin ni Zander ngayon. For a few days hindi na siya pala-text pero wala pa rin namang lumilipas na araw na hindi siya nagpaparamdam. Gumising ako kanina na walang good morning message from him. Ewan ko ba. Hindi ko maintindihan ‘tong nararamdaman ko. Namimiss ko siya pero pag iniisip ko yung mga posibleng rason kung bakit siya biglang naging cold, naiinis ako. Dahil ba ‘to kay Ira? May feelings ba siya dun at ngayon nakoconfuse na? O baka naman umaandar nanaman pagka-playboy niya at nagsasawa na kasi hindi niya ako makuha? So does this mean na all along tama ako na pigilan sarili ko mainlove sakanya? Ito na sinasabi ko. ZANDER!!!! I want to punch you really hard in the face but I don’t know if it’s because you’re confusing the hell out of me or because I miss you terribly.

Nakita ko si Zander sa counter na may ineentertain na customers. Mukhang busy day ngayon kasi mahaba yung pila at marami nakatambay sa coffee shop. Hindi na nakapag-hi sakin si Zander, ni hindi ako matingnan. Hindi ko alam kung part ba ‘to ng cold treatment niya sakin o baka dahil di lang siya magkandamayaw sa dami ng customers. Dumiretso ako sa staff room para iwan yung gamit ko sa locker at para mag-ayos before ng shift ko. Binilisan ko kasi mukhang kailangan ni Zander at ng isa pa naming katrabaho ng tulong. Habang nagseserve kami sa mga customers hindi ko maiwasang mapasulyap kay Zander once in a while at nanibago ako dahil ito yung unang beses na hindi ko siya nahuling nakatingin sakin. Gusto ko nalang isipin na dahil lang ‘to sa dami ng customers ngayon at hindi dahil… UGH!!!! Ano bang problema nito bakit hindi ako pinapansin?!!!!

Sa loob loob ko…

(self-talk)

“Ayan! Pakipot ka kasi.”

Hindi ko napansin na ang tagal ko na palang nag-iisip ng kung ano-ano. Sa gitna ng pagtatalo ng loob ko at pagseself-talk bigla akong may narinig…

“Jill… Hey!”

Hindi pa rin ako lumingon. Leche biglang may bumatok sa ulo ko habang nagpupunas ako ng table.

Jill: (napahawak sa ulo niya) Aray!! (lumingon sa nambatok)

Zander: Bingi lang? Kanina pa kita tinatawag ah.

Jill: (humarap kay Zander at sinuntok ng mahina sa sikmura, napaself talk muna) Bakit ngayon mo lang ako pinansin ungas ka!!?? (Yan sana gusto niya sabihin pero ang lumabas sa bibig niya…) Ano bang problema mo?!

Zander: Lunch break na. Halika na. (hinawakan si Jill sa kamay, naramdaman nalang ni Jill na yung normal na hawak sana sa taong hihilahin papunta kung saan man biglang naging holding hands na tipong naka-intertwine na yung daliri nila sa isa’t isa.)

Di na ko nakareact. Dinala ako ni Zander sa staff room.

Zander: (dinala si Jill sa harap ng locker niya, binitawan pagkakahawak sa kamay ni Jill) Get your things. Sa labas na tayo maglunch.

Jill: Ha? Nagpaalam ka na ba kay boss?

Zander: He’s not around. Nagpaalam naman ako kay Ann na babalik tayo agad. Medyo kumonti naman na yung customers. I think she can handle it.

Jill: Ok. (tumalikod kay Zander, binuksan yung locker niya, di na napigil ngumiti)

Pagkatapos ko kunin wallet at phone ko sa locker, kinalabit ko si Zander para senyasan na labas na kami. Pero sakto nung palabas na kami ng staff room, nakita ko si Kyle. Mukhang kakarating lang niya kasi may dala siyang file case at isang paperbag. Papalapit siya samin ni Zander.

Kyle: Buti naabutan kita Jill. Can we talk? Follow me. Usap tayo sa office.

Jill: Umm… Kyle ok lang ba pag balik ko na? Lunch break na kasi namin.

Project WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon