Prologue

52.7K 742 31
                                    

Kararating ko lang sa coffee shop. Mid shift ako ngayon. Habang ang iba ay nag-eenjoy ng kakahilata sa bahay na walang ginagawa, ako, andito nagtatrabaho. Siyempre hindi ako pwede huminto kundi poproblemahin ko nanaman mga gastusin ko sa pasukan. Medyo sanay na din naman ako dahil last year ganito na din ang summer ko. Ang naiba lang… mas naging exciting ang buhay ko. Kung noon buong araw paulit ulit lang na pagpunch ng order, pagkuha ng bayad at pag-abot ng sukli, paggawa ng kape at pagseserve sa mga customers, ngayon nagkakakulay na ang lovelife ng lola mo. :)

Hindi ko pa nakikita si Zander ngayong araw pero siguradong mamaya susulpot nanaman mukha nun sa harap ko dahil araw araw naman na nagpapakita sakin yung ungas na yun. Pumasok ako sa staff room para iwan yung gamit ko at nagsuot na din ako ng apron. Saktong paglabas ko ng staff room, nasulyapan ko si Paolo na kausap yung kasamahan ko sa coffee shop. Lalapitan ko sana para tanungin kung anong ginagawa niya dito pero may dumating na customer.

Jill: Good afternoon Mam. May I take your order?

Customer: (tumitingin sa menu) Wait lang Miss ah. Di pa ko makapagdecide.

Jill: Sure Mam. Take your time. (napatingin sa kasamahan niyang barista na pumasok sa staff room)

Customer: Miss one slice of chocolate cake. I’ll order a drink nalang pagdating ng kasama ko. (after 10 seconds, tumaas ng konti ang boses) MISS!! Narinig mo ba yung order ko?

Jill: (napalingon sa customer) Ah yes Mam. I’m sorry. Pakiulit po yung order niyo.

Customer: One slice of chocolate cake.

Nadistract ako panandalian nung pumasok sa staff room yung kasamahan ko na kausap ni Paolo kanina. Muntik na tuloy ako mapagalitan ng customer. Pinunch ko yung order niya at kinuha yung bayad.

Jill: Mam here’s your change (inabot yung sukli). Ihahatid ko nalang po yung order niyo.

Customer: (kinuha yung sukli) Ok. Thank you.

Kumuha ako ng isang slice ng chocolate cake at binigay na kay customer. Pagbalik ko ng counter, saka ko lang napansin na… shet yan nakatsinelas ako!! Iniiwan ko kasi sapatos ko sa locker sa may staff room at nagtsitsinelas lang ako pagpapasok at pauwi para kumportable. Buti nalang bumalik na kasamahan ko sa may counter kaya nakisuyo ako na siya na muna doon habang nagpapalit ako. Nakasalubong ko si Kyle. Nanggaling yata siya sa office ng manager namin na katapat lang ng staff room. Nagkatinginan kami. Magha-hi sana ako pero bigla siyang tumungo at dumiretso na sa labas.

Sa may staff room…

Nakayuko ako bago ko buksan yung locker dahil sinusulyapan ko yung tsinelas ko. Pagbukas ko ng locker, may nahulog na papel. Hindi ko agad napansin dahil preoccupied ako. Kinuha ko yung sapatos ko. Nung paupo na ko para sana magpalit, hindi ko maiwasang mapuna yung parang card na nasa sahig. Pinulot ko dahil may nakalagay na “Jill” sa harapan. Binuksan ko yung card sa pagkakafold dahil umm… may pangalan ko at ako lang naman ang Jill dito, malamang para sakin ‘to.

Find your true love…

West Ridge University soccer field, June 17, 11:30pm

Ang daming tanong na naglaro sa isip ko…

True love?! Huh?!

Bakit ako sinulatan ng ganito?

Of all places, bakit sa soccer field ng West Ridge?

Bakit June 17??

At naman… tulog na katawang lupa ko sa oras na sinet nitong si mystery letter sender.

Bakit 11:30 ng gabi??

ANAK NG TINAPAY!!! KANINO GALING ‘TO?!

Project WhyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon