Chapter 13 ----------->>> "D.M.K"

8.4K 147 18
                                    

* R E A L I Z A T I O N *

"ICE?" nagtaas ng tingin si Ice nang narinig na may tumawag sa kanya at nakita si Peachy na nakatayo sa kanyang tabi. Ngumiti ito at umupo sa bakanteng stool na katabi ng inuupuan niya sa bar.

"Margarita, please!" Sabi nito sa barista.

"Umiinom ka?" manghang tanong niya. Somehow, drinking doesn't fit Peachy's image.

"Occasionally, kapag bothered."

"At bothered ka ngayon?" ilang segundo bago ito sumagot.

"Pumunta ako sa office ni River kanina." mabilis na nag bago Ang expression ng mukha ng binata.

"That bothered you?" Nilagok niya ang scotch mula sa kanyang baso.

"Well, yeah."

"Bakit? May ginawa na naman bang masama si River ?" Hindi na siya magugulat kung sasabihin nitong oo.

Umiling si Peachy.

"No, it's nothing like that. Bothered lang ako kadi I really hoped everything will be okay between the two of us...pero hindi rin pala. Tapos na lahat yun, we should all move on." Napailing ang lalaki.

"Masyado ka talagang mabait, pero wag kang mag-alala; tingin ko okay na si River. Nakita ko siya kanina she looks really happy." He laughed sarcastically. Ini-serve ng bartender ang margarita kay Peachy.

"Eh Ikaw? Okay ka na ba?" Siya naman ngayon ang hindi nakasagot.

"Ikaw? Okay ka na ba?" Balik niya dito. Tumawa ito.

"Ang days ako ang unang nagtanong." Nakangiti na rin si Ice."Naalala mo nung nakita tayo Sa music store noon?"

"Nung ilang beses na sabay tayong kumuha ng music sheet?" Kunot-noo niyang tanong. Tumango ito. "What about it?"

"Wala lang, naisip ko lang we always meet coincidentally, kagaya ngayon." Sumimsim ito ng alak. Ilang segundo rin silang di nag-imikan.

"Dahil Mahal Kita..."(SPG) [COMPLETE]Where stories live. Discover now