Chapter 10 ----------->>> "D.M.K"

8.2K 151 20
                                    

A/N: Bumilis ang update ng konte nasa draft ko lang siya and ngayon ko lang naisipang i-publish. Anyway this was my serious story for now. Haha so hope you'll gonna enjoy it!

************************************************************"***

C H A P T E R   10 

D A H I L  M A H A L  K I T A

*C O N F R O N T A T I O N *

Nagkaroon ng di inaasahang bisita si River sa kanyang opisina isang araw. Subalit alam niyang mangyayari ito.

Nagkatitigan sila ni Peachy nang pumasok ito roon.

"Take a seat."

"It's good to see na mukhang okay ka na. Nabalitaan ko kasi naaksidente ka raw." Maaliwalas ang mukha nito nang magbukas ng usapan.

"Yun lang ba ang gusto mong sabihin?" Kahit noon pa ay straightforward na siya at hindi Mahilig magpaliguy-ligoy. Peachy uncomfortably averted her gaze. River smiled sarcastically."Gusto mo bang mag-sorry Ako? Gusto mo ba akong sumbatan? Gusto mo bang mag eskandalo dito at ipahiya ako? Go ahead, hindi ako tatawag ng security, I won't sue you either."

"What's wrong with you?" Her former classmate looked indignant, may hinanakit sa boses nito.

"Di ba yun naman ang ipinunta mo rito?"walang expression ang mukha niya. Sa mga oras na iyon, wala na siyang nararamdaman. Matuto na ang lahat ng guilt, anger, shame and bitterness niya noong nakaraang sampung taon. Kinain na ng mga ito ang pagkatao niya at ngayon, wala na siyang laman.

" Bakit ba parang ikaw pa ang biktima kung umarte ka? Di ba dapat kami ang magalit?" Napabuntong-hininga siya.

"Narinig ko ba yan, wala ka na bang bagong sasabihin?" Lalong napuno ang hinanakit ang magandang mukha nito.

"Hindi ko akalain na ganito ka kasama. You're way beyond horrible! You're despicable! Kamuhi-muhi ka!" Umiiyak na ito."But...but...I... I.. can't hate you.." Pakiramdam niya ay may humawak sa puso niya at piniga iyon.

"I wish I can hate you....but .... But... I just can't.." Patuloy ito sa pag iyak." Ikaw ang unang kaibigan ko sa school na yun. Ikaw ang tumulong sa akin, you made me stronger. Sa tuwing nalulungkot ako at pakiramdam ko hindi ko na kaya, naririnig ko lagi ang mga sinabi mo sa akin." Pununasan nito ang luhang binasa sa mga pisngi nito."Sinabi mo basta gusto kong baguhin ang sarili ko, magagawa ko. Kayo ni Ice, you're were so close. Ni walang espasyo sa pagitan nyo para sa ibang tao, pero... pero..." Napahikbi ito."Pero pinapasok mo Ako Sa mundo nyo when nobody wanted me... You smilingly and encouragingly let me in your friendship... I ... I ... was so happy.." Isinubsob nito ang mukha sa kamay."I was really happy."

River looked away. Ilang segundo rin itong umiyak., pagkuwan ay tumayo ito at muling pununasan ang luha.

"I'm sorry I got emotional. Aalis na ako." Mabilis at tila nahihiya itong lumabas ng office niya.

River swallowed hard. Nanginginig ang mga kamay, binuksan niya ang laptop at nag-open ng mga files soon. She needed to do something, kailangan niyang mag isip ng ibang bagay.

Nang hindi siya makontento sa pagkalikot sa laptop, tumayo siya at lumapit sa bookcase na nakadikit sa pader. Binuksan niya iyon, kumuha siya ng libro then she flipped and read through the pages, pero wala siyang nakikita roon.Her mind refused to understand the letter's in the book. Padaskol niyang ibinalik ang libro, then something fell from it. Nanginginig ang kamay na pinulot niya ito. Nang makita kung ano ang nahulog, lahat ng pagpipigil niya ay gumuho; she broke down----completely, miserably.

Mula sa picture, masayang nakangiti ang tatlong teenagers sa kamay, siya si Ice at si Peachy. It was taken on those days when everything was still beautiful. Noong mga panahon kung kailan arogante at very genuine pa ang ngiti ng lalaki, mga araw na sweet at hindi pa nata-trauma Si Peachy, mga araw na hindi pa nababahiran ng lason ang puso ni River.

She covered her mouth to stifle her sobs.

God, ano ang nangyari sa kanya? Paano siya nagkaganito? Paanong ang River who was smiling brightly and always ready to help others sank into the dark murky waters of bitterness, hate and jealousy.

She cried hard. Niyakap niya nang mahigpit ang sarili at napaupo sa sahig, her nails dug painfully into her flesh hanggang sa magsugat at magdugo.

It would have been so much better kung magalit sa kanya si Peachy, kung sinampal siya nito at minura subalit hindi. Inunawa siya nito at pinatawad. Hindi niya gustong patawarin  siya nito! Hindi niya kailangan ng kapatawaran nito! She wanted Peachy to hate her! She wanted Peachy yo do that para magkaroon siya ng reason ang patuloy ring magalit dito, upang patuloy na mamuhi. Sa ganoong paraan, magiging madali sa kanya na patuloy na i-justify ang mga ginawa niya at patawarin ang sarili.

Ngayon, paano pa niya mapapatawad ang sarili niya? Lalo siyang napahagulgol.

"River!?River!!" Hindi niya napansin ang pagpasok ni Dave sa kanyang opisina. Tumakbo ito sa tabi niya nang makita siyang umiiyak.

"Hey, anong nangyari?" Usisa nito, may panic sa boses."River, you're bleeding.!" Kinuha nito ang panyo sa bulsa at idiniin iyon sa sugat niya sa braso.

"I'm ugly!! I'm so ugly!! "Niyakap siya nito.

" Shhhh.... Hindi ko alam kung anong nangyari, but you're not ugly, you're beautiful. Yan ang sasabihin ng lahat ng mga nakakakilala sayo."mahigpit siyang niyakap nito.

Lalo lamang siyang napahagulgil sa mga sinabi nito.

"Those are lies!! Lies! Hindi ako mabait! I'm horrible! I'm ugly! Marami akong ginawa ng Hindi kapatawad-tawad---" isinubsob nito ang ulo niya sa dibdib nito.

"Kahit ano pa ang ginawa mong masama, hindi nun magbabago o mabubura ang mga nagawa mong mabuti. You're beautiful, River, you're beautiful" humigpit ang yakap nito. River clung tightly to Dave.


*******************************************************************
A/N:

Hello guys!! If you where in the situation of River what would you do?

Need your answers!! Vomment will make me happy!! And helps me to pursue this little story!

"Dahil Mahal Kita..."(SPG) [COMPLETE]Where stories live. Discover now