-the BITTER SWEET-

28 1 0
                                    


Ang bitter na si Tris at ang sweetb*tch na si Carren. Ayun na nga, ewan ko ba ba't pinagtagpo at nagkasundo ang dalawang ito. Si tris kilala ko to, ayaw nya ng pabebe girls (hahaha) gusto nya yung mga babaeng RAK (Rock)! Si Carren naman (alam ko) gusto nya rin yung tipong-Tris. Yung wala lang, hindi mahigpit at maginoo pero medyo bastos.

Pero mabanggit ko lang, minsan nang nagkaroon ng seryosong relasyon si Tris. Seryoso in the sense na nakaya nyang kalimutan ang sarili nya, yung Bisyo at pati Barkada para sa babae. Kaya ayaw din namin dun kasi pati barkada na-aapektohan at pinagbabawal.

Punta na tayo sa tambalang bitter at sweet.

SCENE # 1 theTROWBACK (bitter days)-----------------------------------------

Tris: tol, wala talagang kwenta mga babae anu? Lahat naman gagawin mo pero ganun parin, IIWAN ka.

Ako: parang linya ko yan ah.

Tris: mahal ko sya. Lahat naman ginawa ko at gagawin ko nman kahit anu!! Tsk!

Ako: eh baka kunting tiis pa. sabi nya naman maghintay ka di bah?

Tris: Oo, pero ngayon ayaw na nyang maghintay pa ako.

Ako: (tahimik)

Chit: oh akala ko ba magsasaya tayo? Bat puro drama to? HAHA

Mark: parang di ka nakaranas nyan Chit. Ikaw nga magbibigti pa dati ng iniwan ka ni Aicy. Sabagay 5 years ba naman na panunuyo tapos iiwan ka lang. haha

Chit: oh bat nabaling ang usapan sa akin? Matagal na yun. At naka move-on na ako. Cge na nga tulungan nlg natin tong mukong na to.

Mark: sabi ko na nga ba Chit, mahal mo pa yung EX mo. Hanggang ngayon nasasaktan ka parin. :p

Chit: mark! Isa ka nalang!

Mark: Okay tama na. HAHA . . alam mu Tris, ang babae parang manok lang yan na pang-sabong. Hindi puro patuka lang, himasin mo rin minsan. Haha

Ako: ayan na naman. Nagsimula na na naman kayo sa kalukohan nyu. Tris, ito lang masasabi ko. . ang pag-ibig kasi parang sugal lang yan. Kung ayaw mong matalo wag kang tumaya.

Chit: ito pa isang bitter. Palibhasa walang nakakatagal na babae sayo kasi puro ka kalukuhan. Manhid ka.

Ako: tama naman di ba? Tris, Pwede namang laro laro lang yun. Sineryoso mo eh.Kaya ayan.Nasaktan ka.

Jimmy: ayan! iinum pa ba kayo? Kanina pa naiinip ang baso oh.

Mark: oy Bots? Clark? Bat parang ang tahimik nyu? Porno na naman pinapanood nyu anu?

Jun: anu pa bah. "Share it" nyu rin sa kin yan Bots. hahaha

Tris: wala talaga kayong kwenta. Tangina nyu. Inum na nga lang tayo. Wala talaga matinong mangyayari pag ganyan usapan. Hahaha

Ako: oh tumawa na ang gago. Inum na. lipat pa tayo mamaya sa kabila. Maraming chikass dun. Tyak! Malilimutan mu yang Kathleen na yan. Haha

SCENE # 2 The TROWBACK ( sa kabilang bar )------------------------------------

Chit: Oyyy. Bat parang antahimik? Mukhang fail plano natin ah.

Mark: tanga. Eh mag-aalas sais pa lang nga hapon eh panu magkakatao dito. Kakabukas pa nga lang. haha

Ako: nga naman. Eh ang aga natin nagsimula kanina. Absent pa tayo sa dalawang subjects natin.

Tris: mas okay na absent. Kisa naman makita ko sya sa room. Di ko kaya.

Ako: ayan na nga. At lahat pa tayo absent.Nandamay ka pa.

Chit: pasa tayo excuse letter bukas.

Mark: anu? Lahat tayo?Tapos anu sasabihin natin?Sumakit ulo nating lahat?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

-THE BITTER SWEET-Where stories live. Discover now