Chapter 1: Mia

50 2 1
                                    

A/N: (Mahilig talaga ako sa A/N -_- ) Ang titles po ng chapters ko ay song titles, parang sa Grey's Anatomy lang. hehe. Ang title ng chapter na 'to ay from the Aerosmith's song. Title lang ang binabase ko, walang kinalaman yung lyrics ng song sa story ng chapter pero minsan oo. hehe. :) Kahit na flashback ang mga chapters gagawin ko pong present tense, ang hirap kasi eh. T__T

__________________________________________________________________________

FLASHBACK

MIA IN HIGHSCHOOL

Hello! Ako si Mia Jane Martinez, never call me MJ or else I'll haunt you and kill you! hohohoho (take note: that's the evil laugh not the santa claus laugh).

Nah, I'm just kidding. I just don't like to be called that name. Mia suits me better. Sa National Academy of the Philippines ako pumapasok. Bakit ako napadpad dito?Simple lang, Gusto kong takasan si Mommy.

When I was 5 years old my mom and dad divorced. It was because my dad had an affair with another woman and he had a child with her. Sobrang nasaktan kami ni Mommy sa ginawa ni Daddy. Saktong magmamasteral noon si Mommy sa States, so we went there to get away from my Dad, heal the pain and start fresh. Pinilit ni Mommy na hindi ko makalimutan magTagalog kasi Pilipino naman daw talaga ako, although madaming nagsasabi hindi daw ako mukhang Pinay.

Naging maayos ang buhay namin sa States until may nakilalang bagong lalaki si Mommy. Nagkunwari akong tanggap ko ang lahat para hindi na rin kami mag-away ni Mommy pero I wanted to get away from her and her husband-to-be. Pinayagan ako ni Mommy na lumipat dito sa Pilipinas kasama si Lola sa isang kundisyon: ang makapasok ako sa top highschool in the Philippines, ang National Academy of the Philippines.

National Academy of the Philippines. Elite school iyan ng bansa. Ang top 100 students na kumuha ng national exam ang eligible na makapasok sa school na ito. Pero hindi sapat na matalino ka, dapat may kaya ka din. Napakaganda din kasi ng facilities ng school na ito kaya mahal din ang tuition. 10 scholarship grants lang ang ipinamimigay kada taon. Ito ay para sa top 10 na nakapasa na hindi kayang magbayad ng tuition. Kung nasa top 10 ka at may kaya ang pamilya mo, sa susunod sa rank mo pwedeng ibigay ang scholarship mo. Kahit na top 100 students ang pwedeng pumasok usually 65-70 students lang ang nag-eenroll every year.

Mga anak ng pulitiko at businessmen kadalasan ang pumapasok dito sa NAP kaya 'di maiiwasan na may kaaway ang mga pamilyang ito. Ang mga anak ng mga kaaway ng mga pamilyang ito ay usually nakaenroll sa Hilton Academy, ang kaaway naming school. Mga rich kids din at ilan na kasama sa top 100 highschool students ang pumapasok doon. Honestly, mas magaganda ang facilities nila at mas susyal ang school nila.

Hindi lamang ang Hilton Academy ang kalaban naming school. Kung ang Hilton Academy ang private, ang NAP ang semi-private, ang Philippine Highschool (PHS) naman ang public. Syempre magagaling lang din ang nakakapasok dun yung nga lang hindi sobrang ganda ang facilities nila. Hindi aircon ang classrooms tapos ang liit pa ng canteen nila.

Ang tatlong bigating school na ito ay nasa Hilton City, kung saan din ako nakatira kasama ni Lola.

NORMAL POV

(1st Day, Fourth Year Highschool)

"Mia! bilisan mo na dyan! Ang bagal bagal mo. Kanina pa naghihintay si Manong driver. First day na first day malalate ka pa" Sigaw ng Lola ni Mia.

"Yeah, La! I'm coming!"

dali daling bumababa si Mia sa hagdan nila. Kumuha ng sandwich sa lamesa at tumakbo na papunta sa Van nila.

"bye La! See you later!"

"Okay, take care!"

Umalis na ang Van nina Mia sa Village nila. Binilisan na rin ni Manong driver ang pagdridrive dahil alam niya na late na si Mia. Pero, pagdating nila sa tapat ng Hilton Academy-- TRAFFIC bigla.

My Destiny or My Dream? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon