Chapter 5: Back to December (Part 2)

11 0 0
                                    

Kailan mo nga ba nalalaman na mahal mo na ang isang tao? Para ba itong isang marathon na kailangan mong magbilang at isigaw ang "start" bago tumakbo?

 

Siguro, bago pa ang acquaintance party na iyon, mahal ko na si Carlo. Pero sa sweet dance namin na iyon saka ko lang talaga nalaman na mahal ko siya...

 

3rd year Highschool Acquaintance Party

 

Masayang pumunta sa party sina Mia, Zyrene, Chesca, Giselle at Steven. They were really having fun. Pulos party songs kasi ang pinelay ni Kuyang DJ. Pero syempre 'di mawawala ang sweet dance sa acquaintance party.

Nagsimula na magplay ng mellow na song si kuyang DJ. MYMP song ang inuna niya. It Only Reminds me of you ang unang kanta para sa sweet dance ng gabing iyon. Importante sa estudyante ng NAP ang first dance, kasi usually yung crush nila ang lagi nilang unang isinasayaw.

Ang mga kabarkada ni Mia ay agad tinanong ng kaniyang mga schoolmates na makipagsayaw. At naiwan na siya doon, mag-isa nakaupo. Medyo nainggit siya sa mga friends niya.

Sumilip siya sa paligid. Nagulat siya sa kaniyang sarili dahil hinahanap niya si Carlo. Simula ng nagsimula ang acquaintance party ay hindi na niya nakita si Carlo. Nalungkot siya. Chorus na ng kanta ay wala pa rin ang nagyaya sa kanya na makipagsayaw....

Tapos nakita niya si Carlo, hingal na hingal. Todo ngiti si Mia. Nakatitig sila sa isa't isa. At 'di nila mapigilan na ngumiti sa isa't isa. Habang papalapit ng papalapit si Carlo kay Mia ay lalong bumilis ang tibok ng puso ni Mia.

ng...

biglang may humarang na tao sa view niya. Isang sophomore, niyaya si Mia na makipagsayaw. Natawa na lang sina Mia at Carlo. Binulong na lang ni Mia kay Carlo mula malayo "Ang bagal mo kasi" at natawa na lang si Carlo.

Matapos makipagsayaw ni Mia. Hindi na niya nakita si Carlo. Lumingon siya sa paligid pero di na nya talaga makita ang lalaki. Pabalik na siya sa upuan niya ng may humawak sa kamay niya at hinila siya.

Next thing she knew, she was in the arms of Carlo. Ang lapit nga katawan nila sa isat' isa. Magkayakap silang nagsayaw. Sobrang bilis ng tibok ng puso ni Mia. First time niya maranasan iyon, never pa siyang nakipagsayaw ng ganoon kaclose.

"Sayang, 'di ako ang first ang first dance mo. "

"Bagal mo kasi."

...

...

...

"Sana hinitay mo ako."

"Hinintay naman kita, kaso naunahan ka. Alam mo naman na hindi akong rude na tao. Syempre 'di ko tatanggihanan ang nagyaya sa akin"

...

...

...

"I did my best to be here..."

...

...

...

"I'm glad that you're here."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 10, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Destiny or My Dream? (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon