Special Chapter

21 1 0
                                    

   RINA FRANCISCO'S POV

"Baby pagod na ko!"

"Ha? Teka wala pa sa gitna yan!"

"Teka! Sagad na sagad na kaya!"

"Ano ba yan! Ang bilis mo naman mapagod!"

"Ikaw kaya sa pwesto ko!"

"No thanks! Mas komportable ako dito!"

"Ugh! Ayan na malapit na!"

"Ayan konti nalang! Tsk. Bilisan mo kaya!"

"Napaka demanding! Eto na eto! Ikaw lalaki ikaw dapat nandito sa taas e!"

"Ako masusunod dito ha! Kaya bilisan mo na!"

"Eto na nga. Eto-----Waaaaaahhhh"

"Xavier! Rina! What's happening there----Oh my God!" at sabay kami napalingon ni Baby Sir sa door. Nakita namin si Mommy na nakatakip sa bibig at bigla sa nakita niya.

Tinulak ako palayo ni Baby kaya naptayo na ko. Nakapatong kasi ako sakanya. Oops! Bwahahahahaha!

"Mom. Its not what you think. Its just that she's----"

"Relax Baby." Hinawakan ko siya sa balikat at nilingon niya ko like saying What the hell nanaman ba?! Pero nginitian ko lang siya ng pagkatamis tamis.

"Mommy. Kinakabit ko po kasi yung ilaw. Pinapalitan po ni Baby e pinagmamadali niya pa ako. Kaya ayun. Alam niyo naman po, ang clumsy ko." I added. Ano bang iniisip niyo people? -,-'

"Ano connect nung magkapatong kayo anak?" Mommy smiled sheepishly.

"Ma!---"

"Shhh. Quiet." Patatahimik ko kay Baby Sir. "At dahil nga po kasi sa ka-clumsy-han ko. Mali ang tapak ko sa ladder e nahulog po ako." She nodded but still smiling at us.

"Ang anak niyo naman po na Baby ko e nagmala Superman at pinilit na saluhin ako---"

"Pero dahil sa katabaan mo natumba tayo." he murmured.

Hmp! I rolled my eyes on him. Narinig namin ang tawa ni Mommy Dean kaya napalingon kami sakanya.

"Akala ko kung ano nang nangyari sainyo. Akala ko na din kung anong ginagawa niyo." She said.

I gestured my hand like saying No at umiling "Nako Mommy. Dadating din po kaming dalawa diyan." I said like its a matter of fact.

"Rina Francisco!" Baby Sir shouted.

"Hoy ikaw nakakarami ka na ha. Magmula kanina paakyat baba akyat baba na ko dahil sa mga utos mo. Kahit nakakapagod ha! At isa pa assistant ako dito ni Mommy pero ikaw tong utos ng utos!" I exclaimed.

He crossed his arms at nilingon ako. Ngayon ko lang napansin. Hindi niya pala suot yung salamin niya. Aw. Mas gwapo siya. Mas kinikilig ako sobra.

Naka white shirt at black jeans lang siya. Ang gwapo niya kahit ang simple lang ng suot. He even look hotter with his outfit.

Pinatawag niya kasi ako sa office niya diba? Dati. Basta. Weeks ago. Lagi na kami magkasama. Lagi ko din siyang binibigyan ng rose. Di naman siya nag iinarte e. Tsaka kahit maginarte siya wala aong pake. Obvious din naman na natutuwa siya. Ang ganda ko kaya.

At ito nga ang natanggap kong kaparusahan. Utusan niya. But well pabor naman ako dun.

Tumikhim siya kaya nabalik ako sa wisyo at napatingin ako ulit sakanya. Nakakunoot ang noo niya "At sino ba kasi may sabi na um-oo ka lang at magsabi ng Okay na Okay lang lahat ng ipapagawa ko." And he smirked.

My "A" SyndromeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon