Chapter XII

12 0 0
                                    

Busy si Chase ngayon.

Nami-miss ko na nga eh?

Inilabas na kasi ang bago nilang album right after their tour. Pagkatapos ay muli silang magto-tour para magpromote ng bago nilang album. And endless gigs here and there. Tapos may TV appearances pa. Tapos nominee rin ang Tremolo sa isang category sa international Music Festival.

Ayt!

Busy na talaga siya.

Pero Ok lang. Hindi ko aagawin ang oras niya para sa first love niya... Ang musika.

Di ko siya naaalala pag may ginagawa ako, pag nasa trabaho ako. Pero sa mga bakanteng oras, siya lang ang laman ng isip ko. Good thing is, he manage to spend time with me during his break from his work. Mas madalas ngang kami ang magkasama kesa sa kanyang pamilya at kaibigan. He stays at home with me and mama.

Pero kahit pa ganun, nami-miss ko pa rin siya. Lalo na ngayong 6th Monthsary namin.

Sigh.

Kung anu-anong ka-echosan ang nalalaman ko ngayon. Badtrip!

"Saab, are you ok? Tulala ka na naman diyan." Puna ni mama saken. Sabay kaming nag-agahan. Kagagaling ko lang ng trabaho habang siya naman ay naghahanda ng pumasok sa trabaho.

"Oo naman, mama."

"MIss mo lang si Chase eh?"

Di ako kumibo.

"Why don't you call him?"

"He's busy."

"'Nak, what if ayain ka niyang pakasal, papayag ka ba?"

Di ako kumibo.

Papayag nga ba ako?

"Papayagan mo ba ako?"

"Oo naman, you're of age na. Pwede ka ng mag-asawa. Natulungan mo na ako at sobra-sobra pa. Syempre, kung si Chase talaga ang lalaking makakapagpaligaya sayo, masaya rin akong tanggapin siya bilang anak ko na rin."

"Mama, ang drama mo!" Irap ko sa kanya. Binalingan ko nalang ang kape ko.

"In denial ka pa rin ba?"

"Saan?"

"Sa feelings mo para sa kanya. Ay naku! Alam kong mahal na mahal mo na si Chase. Nire-restrain mo lang ang sarili mong damdamin." sabi niya habang nag-a-apply ng make-up.

"Ang dami mong alam, mama."

"Of course, I know you. You're my daughter."

She said. Di na ako sumagot.

Pagkatapos niyang mag-ayos ay agad na siyang lumabas ng bahay.

"Babush!" Paalam niya bago tuluyang isara ang screen door.

"Nga pala, don't wait for me. May dinner ako mamaya." She added pagkatapos ay muli niyang sinara ang pinto.

Habang naiwan akong mag-isa sa hapag at nakatulala.

I know she's seeing someone. Pero di ko pa nakikilala eh? Ewan ko ba sa nanay ko. At least, she's happy.

I turned on the TV. Ang tahimik kasi sa bahay, baka mabaliw ako sa kaiisip kay Chase.

I was surfing the channels when I heard a familiar name in a Showbiz Talk Show.

"Kagabi dumating sa Pilipinas ang France-based Supermodel na si Elaine Ricafort." Bungad ng isang babaeng host doon.

"Elaine Ricafort? The very controversial, Elaine Ricafort?" Tanong ng co-host nitong bading.

"Yup, that's right. After her break-up with Tremolo's frontman, Chase Benedicto, muli siyang nagbabalik."

The Day We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon