Chapter III

16 1 0
                                    

Pagkatapos ng ilang minutong pakikipag-chikahan kay insan ay agad na rin akong bumalik ng booth at ipinagpatuloy ang paghahain ng mga tracks para sa mga nakikinig.

I love my job. Ito ang pinangarap kong maging trabaho mula pa noon. Kahit naman may pagka-man-hater ako eh masaya naman akong makatulong sa may mga problema sa kung anu-ano, lalo na pagdating sa Lovelife. Di ko naman pinipersonal ang mga payo ko para sa  kanila. Iniisip ko lagi yung 'what if'. What if ako ang nasa lugar niya?

Sabi nga ni Usher, "Learn from other's mistake. You cannot do all of them."

Ohh! Ohh!

For you I’d write a symphony

I’d tell the violin

It’s time to sink or swim

Watch him play for ya

For you I'd be (Whoah)

Runnin a thousand miles

Just get you where you are

Step to the beat of my heart.

I don’t need a whole lot

But for you I admit I

Rather give you the world

Or we can share mine

I know that I won’t be the first one

Given you all this attention

But baby listen

Napapa-headbang pa ko sa tugtog habang nakapikit ang mga mata. I love this song kahit sabi nila corny daw. Bakit ba? Eh, Justin Bieber fan din ako 'no? Pambagets lang ba yun? Sorry naman! Masyado bang late ang maturity ko?

I just need somebody to love.

"You're still tuned in to Sunshine Radio and this is DJ Timmy." Nagpasalamat ako sa mga sponsors ng programa... yada yada... Basta binabasa ko lang sa script eh? May 45 minutes pa bago matapos ang A Night With Timmy which means may oras pa para sa isa pang caller.

"Good morning!" Masigla kong bati. Nanatiling tahimik ang nasa kabilang linya.

"Hello?" Sabi ko pang muli. I was about to hang up when someone answers. "Hello." Tugon nito in a deep, husky, and somewhat melodic, voice. Isa iyong lalaki.

 "Uhm, Hi, good morning! Caller on the line, may I know your name and where you from?" I asked.

"I'm...Elija." he replied. I got a feeling na nakainom ito."From Makati." He added. Tumango ako.

"So, Elija from Makati, how may I help you?"

"Jerks ba talaga ang mga babae?" sarkastiko nitong tugon. Teka, ex ba kita? Gusto ko sanang itanong. "They'll pretend they're in love with you. Eventually, you'll fall. Pag naghulog ka na, bigla ka nalang nilang iwanan. She left me when I needed her the most. Handa na kong ibigay sa kanya ang lahat at isakripisyo ang carreer ko.. Anything for her pero... binalewala niya yun."

Marahas akong napalunok pero di naman siguro rinig sa radyo iyon. Teka, Ex nga ba kita? Yung totoo?

"Ano ba ang nangyari? I can't help you kung di mo sasabihin sa akin ang problema." Seriously, I need to know. Langya! Baka nabiktima ko rin kasi tong taong to.

I heard him sob. Natahimik ako.

"Di ko na alam kung panu magsimula. I don't even know who I am anymore. I feel so...down right now. Mahal na mahal ko talaga siya...."

And that reminds me how awful a relationship is  kapag nagkasira. Grr! 

"Ayun na eh? One step away and she'll be mine forever pero biglang nawala. I don't know what happened. It happened so fast. All I know is that I've been waiting for almost 24 hours there, standing.... wishing na sana hindi totoo ang lahat ng ito. Sana panaginip lang..." Patuloy pa ang pagluha nito. Niyakap ko ang aking sarili habang nakikinig ako sa kanya. I suddenly felt cold.

"...Pero kung panaginip lang 'to, bakit ang sakit-sakit ng nararamdaman ko?" He sobs. "I wanted to hurt her. Gusto kong magalit... But I can't... Mahal na mahal ko talaga siya eh?" At nagpatuloy siya sa pag-iyak habang tahimik lang akong nakikinig. 

"Elija... I wish I could wrap you around my arms to ease the pain. But I can't. All I can do is to listen. Sige na. Tell me everything. Ibuhos mo ng lahat para kahit papaano ay mabawasan ang iyong nararamdaman. May message ka ba for her? Tell her anything. Lahat ng nararamdaman mo."

He paused then I heard him sigh. 

"I don't know where to start anymore. I don't know how to live my life without her. Kaunting-kaunti nalang at di ko na makakaya. I almost wanted to die." He's stutthering. Halos pumiyok na ito sa sobrang pag-iyak. He sounds so helpless... and hopeless...

"Nahihirapan na ako. It wasn't suppose to be this way. Masaya naman kami eh? Tapos biglang ganito... All I want is an explaination from her." He sobs. "What should I do? I built my world around her.  We built our dream together. What went wrong?" 

"What went wrong? Di ko iyon masasagot. Alam kong mahirap magsimulang muli lalo na kung ganitong parang sobrang lalim na talaga ng pinagsamahan ninyo." Huminga na rin ako ng malalim. "I wanted you to cry... Umiyak ka! Magwala ka! Magsisisigaw ka!... Tumambling ka! Lahat na. Gawin mo 'tong lahat. Huwag na huwag ka lang magpapakamatay, ok? Wag ka ring mananakit ng ibang tao. Lalo namang wag mong sasaktan ang sarili mo. Pwede ka namang magwala ng di nakakasakit di ba? Basta! Sumigaw ka at umiyak ka. Basta, promise me! Wag kang magpapakamatay , alright. Kung sa tingin mo wala ka ng makakapitan, isipin mong nakausap mo ko. Which means, may pwede ka pang malapitan. Kung no choice ka na, isipin mo nandito lang ako."

He chuckles.

Ayos! Epektib! 

Pero seryoso ako sa mga sinabi ko. Sayang ang buhay.

"Gasgas na 'tong linyang 'to pero malay mo baka di siya ang nakalaan for you. Baka may darating pa. Ang mahalaga, di ka naubos. May natira ka pa para sa sarili mo kaya I know, you'll be ok.... In time. But for now, pwede kang umiyak hangat gusto mo.  And I know, someday, pagtatawanan mo lang 'tong lahat. Someday, you'll be alright. And when that day comes, you're stronger and braver.  "

Di umimik si Elija. Tama ako. May point ako at di naman biro ang mga sinabi ko. I mean it.

Nilingon ko si Winston na nasa kabilang booth kasama ang assistang nito. Akala ko eh Overtime na eh? Di pa pala. Ngumiti ako ng makita silang umiiyak. Napailing ako habang nakangiti. 

Elija sighed.

"Should I cut my hair?" he finally asked. Toinks! Sabay ganun?

I chuckled.  "Ikaw ang bahala. Kung yun yung first step ng new beginning para sayo." At least, mukhang nakabawi na 'to mula sa kalasingan at pag-iyak.

"Alright...Uhm, can I ask one last favor from you?" sabi pa nito. Hihirit pa eh?

The Day We MetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon