Prologue

19.6K 257 26
                                    

Ramdam niya ang pangamba at takot na nararamdaman ng taong nasa loob ng kwartong iyon. Dahan dahan niyang binuksan ang sedura ng pintuan at kasabay nun ay ang paglanghap niya sa isang nakakaliyong amoy..

NAKAKAUHAW

NAKAKAGIGIL

NAKAKATAKAM

Bumulaga sakanya ang isang babaeng nakasuot ng roba na nakaharap sa pintuang salamin ng kanyang kwarto.

Dahan dahan niyang isinara ang pintuan at tumingin ulit sa direksyon ng babaeng nakatalikod sakanya. Hindi niya mapigilan na mapapikit at makagat ang kanyang pang ibabang labi. Nakakaliyo ang amoy na nanggagaling sa babae, parang gusto niya tuloy itong..

KAININ

Iminulat niya ang kanyang mga mata, mukhang hindi pa rin nito nararamdaman ang kanyang presensya. Maya maya ay napagdesisyunan niya nang lapitan ito, at wala pang isang segundo ay natawid na nito ang espasyong pumapagitna sa kanila.

Naramdaman niyang napasinghap ito sa ginawa niyang pagyakap mula sa likuran nito.

"Lourd Marcus.."

Mahinang sambit ng babae. Ramdam niya ang biglang pag bilis ng tibok ng puso nito, maging ang hindi pantay na paghinga nito ay pansin niya rin marahil ay dala ito ng takot at kaba na nararamdaman nito ngayon.

"Huwag kang matakot."

Bulong niya sakanyang asawa. Binaon niya pa ang kanyang mukha sa leeg nito. Parang awtomatikong napahigpit ang pagyakap niya sa bewang nito na para bang nakakaramdam siya ng sobrang panggigigil dito habang mariing inaamoy niya ang leeg nito.

"Lourd Marcus, anong gagawin natin?"

Naramdaman niya ang biglang pagkabuhay ng kuryusidad ng kanyang asawa. Napangiti siya nang maisip niya na walang kaalam alam ang kanyang asawa sa mangyayari sakanila ngayon.

Kakakasal lang nila kanina, hinintay lang nilang sumapit ang ika-labing walo na kaarawan ng dalaga para tuluyan nang maikasal sakanya. Napaka bata pa nito para gawin ang bagay na ito pero wala silang magagawa dahil ang mangyayari ngayong gabi ay matagal nang nakatakda.

Niluwagan niya ang pagkakayakap dito at iniharap niya ito sakanya saka niya ulit ito ikinulong sa mga bisig niya.

Naramdaman niya ang biglang pagkaramdam nito ng hiya ng magkatitigan sila sa mata, matamang tinitigan niya ang kulay tsokolateng mga mata nito.

Kay sarap titigan ng mga mata nito dahil puro ang ka-inosentihan na makikita mo, ang aliwalas at parang oras na tumingin siya dito ay napapakalma nito ang sistema niya. Hindi niya napigilan ang kanyang sarili na haplusin ang pisngi nito, at parang mas nakaramdam siya ng pananabik nang awtomatikong magkulay rosas ito.

"Mahal ko.."

Mahinang tawag niya sa asawa, inosenteng nakatingin lamang ito sakanya at sa oras na iyon ay hindi na siya nakapagpigil. Hinawakan niya ang likod ng hita nito para kargahin, mga ilang segundo ay nakuha naman ng asawa niya ang nais niyang gawin kaya pinulupot nito ang kamay sakanyang batok. Wala pang isang segundo ay nasa kama na silang pareho.

"Lourd Marcus.."

Mahinang tawag sakanya ng kanyang asawa nang maingat na inihiga niya ito sa kama at dahan dahan na pumaibabaw siya dito.

"Lourd Marcus, ano bang gagawin natin?"

Nakakunot ang noo ng kanyang asawa habang nakatitig ito sa mga mata niya. Sa totoo lang ay natatawa siya sa inaasal ng babae ngunit hindi niya iyon magawa dahil mas lalo lamang nagpapadagdag sa kanyang pananabik ang inaasta ng kanyang asawa.

"Mamahalin kita Mahal ko.."

Sabi niya sa asawa habang mataman niya itong tinitingnan. Napangiti siya nang medyo kumalma ito, pero maya maya ay naaamoy niya ang biglang pagkabuo ng takot nito.

"Huwag kang matakot Mahal ko."

Umiiling na sabi niya sa asawa dahil ramdam niya ang biglang pag bilis ng tibok ng puso nito.

"Sabi ni Ina, masakit daw pag una at baka may dumugo daw. Kaso hindi niya pinaliwanag kung ano ang gagawin. Basta kung ano daw ang gagawin natin ngayon, kusa ko nalang daw yun matututunan."

Inosenteng sabi sakanya ng kanyang asawa. Halos maubusan siya ng mga salitang sasabihin dito.

"Ang hindi ko lang maintindihan ay bakit may dudugo? Kailangan ba natin ng punyal?"

Kunot noong sabi sakanya ng kanyang asawa. Halos masabunutan niya ang sarili, marahil iba ang iniisip nito.

"Hindi natin kailangan ang isang punyal mahal.."

Malumanay na sabi niya sa asawang walang ka alam alam sa gagawin nila.

"Bakit ano bang gagawin natin?"

Takang tanong nito sakanya. Huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Magsisiping tayo.."

Mahinahong sabi niya sa asawa. Halata sa mukha nito ang labis na pagtataka.

"Siping? Sige pero ano bang dapat kung gawin?"

Hindi siya makapaniwala sa naririnig sa asawa. Parang mas sumilab lamang ang init na nararamdaman niya sa katawan dahil sa mga sinabi nito. Mga ilang segundo pa siyang napatulala sa inosenteng mukha ng asawa niya. Hinalikan niya ito sa pisngi pababa sa panga, ibinaon niya pa ang kanyang mukha sa maputi at makinis nitong leeg.

"Anong ginagawa mo?"

Takang tanong ng kanyang asawa. Hindi niya ito sinagot bagkus ay pinagpatuloy niya ang pag amoy sa leeg nito. Nanginginig na binukas niya ang kanyang bibig, pero pinigilan niya ang sarili sa nais nitong gawin kaya imbes na pangil ay labi niya ang dumama sa makinis nitong balat. Napahigpit ang paghawak niya sa maliit nitong bewang nang marinig niya ang mahinang pag ungol nito dulot ng ginawa niya.

"Lourd Marcus.."

Mahinang tawag sakanya ng asawa. Mas nakadagdag sa kanyang pananabik na nadarama ang paraan ng pagtawag nito sakanyang pangalan. Mula sa leeg ay naglakbay ang labi niya sa namumula nitong pisngi, hanggang sa huminto ito sa gilid ng labi nito.

"Hayaan mo ako.."

Mahinahong sabi niya habang dinadama ng ilong niya ang malambot na pisngi ng kanyang asawa.

"Hayaan mong iparamdam ko ang pagmamahal ko sayo buong gabi Mahal ko.."

Sabi niya habang mataman na tinitingnan niya ang kanyang asawa. Unti unti niyang ibinaba ang mukha niya at kasabay nang paglapat ng mga labi nila, ay ang dahan dahan din niyang pagtanggal sa pagkakabuhol ng pulang robang suot nito.




© 2015 WP Technology Inc.

My Innocent WifeWhere stories live. Discover now