Chapter 2

8.9K 192 38
                                    


A/N: Basahing muli sa simula upang hindi malito. Maraming salamat.



HINDI napigilan ni Yna ang biglang paglakas nang kabog ng kanyang dibdib oras na dumampi ang labi ni Lourd sakanya. Hindi niya alam ang dapat na gawin kaya napapikit na lamang siya habang ninanamnam ang masuyong pag angkin nito sakanyang labi.

"Lourd Marcus.."

Mahinang tawag niya rito nang iwanan nito ang kanyang labi at simulang halikan ang kanyang leeg. Napahawak siya sa buhok nito nang maramdaman niya ang pagsagi ng matulis nitong ngipin sakanyang balat. Agad na namuo ang takot niya kaya napamulat siya at marahang nilayo ang kanyang sarili rito.

"T-teka.."

Hinawakan niya ang magkabilaang pisngi nito. Mapungay na mga mata ang sumalubong sakanya.

"Lourd Marcus.."

Bumalik sa normal na kulay ang mga mata nito na kanina lamang ay parang sobrang itim. Para naman itong natauhan at agad na inalis ang kamay nitong nakapaloob na pala sa suot niyang bestida. Hindi niya maiwasang pamulahaan ng mukha. Hindi niya na rin kasi namalayang nandoon na pala ang kamay nito dahil nakatuon lamang ang atensiyon niya sa labi nito kanina.

"Patawad mahal ko.." Sambit nito nang bigla siya nitong niyakap.

Hinalikan siya nito sa noo pagkatapos ay dahan dahan siya nitong inalis sa pagkaka-upo sa kandungan nito.

"Tara na sa baba para makapag paalam ka nang maayos sa iyong ina.."

Hindi niya maintindihan ang huli nitong sinabi. Nagpaubaya nalang siya dito nang hawakan nito ang kanyang kamay at inakay palabas ng kwarto.

Nang makababa sila ay agad niyang hinanap ang kanyang ina. Nakita niya itong nasa sala at kausap ang magulang ng kanyang mapapangasawa. Napalingon naman sa gawi nila ang ina ni Lourd Marcus at agad na sumilay ang malapad na ngiti sa labi nito nang makita silang dalawa.

"Narito na pala sila.." Nakangiting sabi nito.

Marahang pinisil niya ang kamay ni Lourd Marcus at tiningnan niya ito nang malamlam. Naintindihan naman nito ang nais niya kaya marahang binitawan naman siya nito kaya agad siyang tumabi sakanyang ina.

"Ina.."

"Anak. Ako'y aalis na.."

Napakunot naman ang noo niya sa narinig. Hindi niya maintindihan kung bakit sa tono nang pananalita nito ay parang hindi siya nito isasama pauwi.

"Uuwi na po ba tayo?"

Isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi nito.

"Gusto man kitang isama ay hindi maaari. Mas ligtas ka rito, mas mapoprotektahan ka nila.." Malumanay na sabi nito sakanya.

Namuo ang luha sakanyang mga mata. Hindi niya maintindihan. Ang tanging alam niya lang ay pumunta sila dito upang magkabisa ang una nilang pagkikita ng kanyang mapapangasawa. Hindi niya inaasahan na iiwan pala siya nito.

"Pero ina-"

Hinawakan nito ang kanyang kamay.

"Huwag kang mag alala. Mababait sila, hindi ka nila pababayaan.." Malumanay nitong sabi sakanya. Hinawakan nito ang kanyang kanang pisngi bago siya inayang tumayo.

"Victor, Katarina huwag niyo sanang pababayaan ang aking anak.." Nagsusumamong bilin ng kanyang ina sa mag asawang Ricafrente.

"Makaka asa ka sa amin Teresa. Hindi namin pababayaan ang iyong anak." Sagot naman ng ama ni Lourd Marcus na si Victor.

My Innocent WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon