/FIVE

131 1 0
                                    

COLORS OF OUR LOVE by heynabanaba -- All Rights Reserved 2013

---

CHAPTER FIVE

REALLY the first day of school... :)

"Lalalalala..."

Oha! May pa-'lalalalala' pa'ko. Haha! Surf lang. XD Good mood! Ewan ko ba kung bakit. Feeling ko may mangyayaring maganda. *_*

Naglakad ako sa hallway habang nag-lalalala pa rin. Ayos naman yung pakikitungo sa'kin ng mga tao. Parang wala namang epekto yung DMKS na 'yun. (Domus' Must-Know Students) Nagsa-smile din naman sila 'pag nginingitian ko sila. Oha! Ako na Miss Friendly! Ü

Tamang tama lang yung pag-ring ng bell sa pagkahanap ko ng room ko.

"SOFA Rm. 407"

Pumasok  na'ko sa loob then umupo doon sa may bandang gitnang upuan. Ayoko naman kasi sa harapan, mahuhuli ako 'pag natutulog. ^u^ Ayoko din sa likod, masyadong malayo. 

Medyo madami na yung dumating kong classmates. T-in-ry kong mag-approach sa kanila.

"Hi! I'm Cotton."

Ngumiti lang sila at tumungo. Arr! Epekto siguro nung MKS announcement.

Bumalik na lang ako sa upuan ko at tumungo. Napatingala na lang ako nung may dumating na. Teacher ata namin. Nalungkot ako bigla sa nakita ko. Kumpleto na pala kami, pero vacant seats pa rin yung nasa paligid ko. Sa harap, and sa dalawang gilid; walang umupo, walang gustong tumabi sa'kin. T_T Ahuhu. Talagang nilaktawan nila yung mga upuan sa tabi ko eh 'no? Ang samaaaaaaaaa! XC

Lumingon ako sa likod ko. Eh? MAY TAO! MAY TAO SA LIKOD! Yehey! Hindi ako leproso. Hoooo! Kahit papano may lumapit sa'kin. :D

Nginitian ko siya, tapos... ngumiti din siya.

"Hi! I'm Cotton."

Ngumiti lang ulit siya. Haynako! Katulad lang din ng iba. Ngingiti lang, 'di ka naman kakausapin. Tssss. Pero ayos na din yan kesa naman ituring nila 'kong invisible dito. At least.. Okay, the VERY LEAST, they smile back. :\

Wala pang pinagawa sa'min yung professor. In-explain niya lang yung tungkol dun sa gaganaping exhibit. Haynako! Alam ko na yan! Binalot ko na nga yung painting ko di'ba? ^_^ Nag-attendance rin lang siya. Then, nagbigay ng details... blah blah blah! Basta. Madami siyang sinasabi eh. Pero wala naman akong maintindihan. Busy ako sa kakaisip sa mangyayari sa'kin dito. Walang nakausap sa'kin oh! Mababaliw ako nito. >_<

Kinuha ko na lang yung notebook ko then nag-drawing. Nag-drawing ako ng malaking malaking sad emoticon. Hayyyy! Lonely. :'(

"Paglabas ko ng Domus, malamang ganito na itsura ko."

Nagulat ako nung may biglang nilapag na papel sa desk ko. Drawing yun ng happy emoticon tas may nakasulat na "SMILE! :)"

Shoot! Yung tao sa likod! Yung tao sa likod yung nagbigay. Buti naman may kumausap na sa'kin. Well, hindi naman talaga "kausap", pero diba? May nag-approach na sa'kin, sa wakas! :")

Pumilas ako ng paper sa notebook ko then nagsulat ng malaking "THANK YOU!" Inabot ko yun sa kanya ng 'di lumilingon. Syempre, nahiya naman ako. An'daming sinasabi nung prof  sa harapan, tas nakikinig lahat, tas bigla na lang kami magdadaldalan. Baka mapagalitan pa kami.

May inabot ulit siyang piraso ng papel tas may nakalagay na "REED". Oy-oy! Nakikipagkilala siya. May kaibigan na'ko. Lalalalala. Ü

Inabot ko ulit yung paper kung saan nakasulat naman yung name ko, "COTTON". Pagkatapos non, tumabi na siya sa'kin. Lumipat siya don sa upuan sa tabi ko. Nginitian niya ulit ako. Teka? Pipi ba 'to? :P Magkatabi naman na kami ah. Bakit di pa rin nagsasalita? 

Colors Of Our LoveWhere stories live. Discover now