/ONE

159 1 0
                                    

COLORS OF OUR LOVE by heynabanaba -- All Rights Reserved 2013

---

CHAPTER ONE

"NOOOOOO!!! STOP IT! AAAAAAAAHHHH!"

"AAAAAAAHHHH!" It was just a dream. A NIGHTMARE, again?! Pero parang totoo talaga ehh. Pinatay ako! Yes, I was gunshot. Ramdam ko yung pagbaon nung "mga" bala sa katawan ko. --Bang! Bang! Bang!-- Ughh! Lagi na lang yun ang panaginip ko. Laging nagsisimula ang araw ko sa isang matinding sigaw na katulad nito -- "AAAAAAAHHHH!" Waa! Sino ka ba? Bwisit na Shadow Man yun. Gustung-gusto akong dedbolin. Hmp!

Okayy. Parang mali ah. Climax agad? Hehe. Diba dapat magpapakilala muna ko? :) Well, ako si---

"COTTOOOOOOOONNNN!"

Ang daya! Di ba dapat ako magpapakilala sa sarili ko? Ano ba yan!

"Yes, yaya! Bababa na po!"

Oo. Yaya ko yung sumigaw. Si Yaya Minang. Maka-sigaw lang eh no? Pero no big deal naman na yun. Since bata kasi ako, siya na talaga nag-aalaga sakin kaya malapit na talaga loob ko sa kanya. Parang siya na nga yung mama ko eh.

Oh, back to business. Magpapakilala pa pala ko. Ako nga pala si Cotton. Ang cute ng name ko no? Hihi. But, ang true name ko ay Cornelia Antoniette Preston. Tunog Cornetto no? :D Si yaya lang nag bigay sakin nung nickname na Cotton. Eh, since yun na ung nakalakhan kong itawag sa'kin, hanggang sa paglaki ko, dala-dala ko na yung name na yun. Cotton. Cotton. Cotton. :))

I'm 16 years old. Freshmen sa Domus Academy, isang sub-branch dito sa Philippines ng Domus Academy-Milan. Fine Arts ang course ko. Swerte ako to be one of their students. Prestigious kasi ang school na'to. Actually, Daddy ko may-ari ng Preston Colleges, pero AYOKO DUN! Kahit anong pilit nila, di nila ako napapayag. Sigurado kasing pag doon ako nag-aral, nakatutok sa'kin ang limelight, at di ko na mae-enjoy tong college life ko.

"Oy, Cotton. Ano pa bang ginagawa mo jan?"

"Ehhh. 5 minutes, ya. 5 more minutes, please?"

"Hala naman! Bumangon ka na nga! First day of school. Wala ka man lang ka-excite-excitement sa katawan!"

"Ya, you already know why, right?"

"Oo na. Sige na, bumangon ka na at mag-ayos. Hinihintay ka na ng Dad mo sa baba."

"Huh? Hinihintay? For what?"

"Ewan ko ba, anong nakain non. Bilis na! Galaw-galaw!"

"Opo, yaya. Susunod na 'ko."

Hmm. Ano kayang naisip non ni Daddy? Sasabayan niya ko mag-breakfast? Eh, once in a blue moon lang mangyari yung mga ganung bagay sa family namin. --Do I have a familly?-- Ah! Darn Drama! Lagi kasi SILANG busy sa businesses nila. Only child pa'ko kaya walang kakulitan na mga kapatid. Buti na lang may Super Yaya ako. :) ♥♥

Bumangon na'ko at inayos yung kama ko. Kahit anak mayaman ako (hihi), mas nasanay ako sa pagpapalaki sa'kin ni yaya. I try to be as simple as possible, without considering that I'm a Preston. Ayoko kasing lumaki at tumanda na katulad ng mga parents ko. Walang kasiyahan sa buhay, puro pera, money, and all that.

Nag-ayos na'ko ng sarili and bumaba na sa dining area. Nakita ko don si Daddy, sipping his brewed coffee. Amoy na amoy ko yung aroma and parang pumasok sa ulo ko yung caffeine. Ang tapang! Wala si Mommy, as usual. Nasa Mexico, for a business venture. What's new?

Lumapit na ko then nag "Good Morning, Dad!" Hindi na'ko umaasa ng response. Nothing new if he wouldn't pay attention to me. "Good Morning, Eli."Eli tawag sakin ng dad ko. Para daw special. Eh, is there anything special about us? Ah-ah, wait. Did he say "Good Morning, Eli."? First time, dude! First time! :) WAHA! Osige, baka may kailangan si Daddy? Haha.

Umupo na'ko sa harap ni Daddy. Then, I was surprised when he opened a topic.

"Eli, be good at your first day, okay?"

"I will, Dad." Malamig kong sabi. Di talaga kami close ng father ko kaya ganito ako. Parang walang SPARK. Ooooh. >__< Well. that's the only thing he said. Wala din palang bago. Pero, basta, ewan! May kakaiba sa pakiramdam ko. May di sinasabi tong si Daddy sa'kin. Tsk!

We had breakfast together. Sobrang tahimik. Kahit yung mga plato, nahihiyang gumawa ng ingay. x__x (Crickets. Crickets. Crickets.)

"Oh, Hija. I'll go. Remember, be good, okay?"

"Yes, Dad." Ano bang be good-be good na yan? Ano bang meron dun sa school na yun? Lumayo na nga ko sa Preston tapos, mukhang puppet na naman ako doon sa Domus. Ano ba tong si Daddy?! Give me freedom, oh, please!

[ Yaya Minang's POV ]

"Oh, Hija. I'll go. Remember, be good, okay?"

"Yes, Dad."

Aba, may pagpapaalam pang nangyari. Ano bang nangyayari kay Senyor Marco? Kahit ako nagtaka nung hinintay niya si Cotton for breakfast. Parang ngayon lang yun nangyari. Hmm. Pero parang alam ko na. Wait. Wait. Puzzle piece. Puzzle piece. *TING!*

*FLASHBACK*

"Yes, kumpadre! Yes. I hope this will be the great start of our friendship! Domus-Preston! So pleasing to my ears!"

*END OF FLASHBACK*

--Businessman's Dictionary--

friendship-noun.business partnership

Domus-Preston. Domus? Yun nga pala yung academy na papasukan ni Cotton, diba? Ibig sabihin magkakilala na yung may-ari non at si Senyor Marco? Ganun ba yun? Hah? Hah? Ganun ba yun? Kawawa naman tong alaga ko. Di na pinalaya nitong tatay niya! Di na nga pumasok sa Preston, pinasundan naman hanggang sa Domus. Nung simula pa lang ng senior year ni Cotton sa high school, nagtatalo na sila ng daddy niya sa course na kukunin niya. Ang gusto ni Cotton, Multimedia arts. Pero yung daddy niya, Fine Arts ang gusto para sa kanya. Nasa dugo na kasi nila ang pagiging artist. May interest din naman don si Cotton, in fact may sarili siyang "art room" sa bahay nila. Pero, mas in love siya sa digital arts. Kaso, wala na siyang nagawa sa gusto ng daddy niya.

"Okay! Okay! Then, just give me the right to choose my school."

"Why bother thinking about it? You have your own school."

"Ayoko sa Preston, daddy."

"Why? What's wrong with you, Eli?"

"Dad, I let you choose my course. Please, just give this to me. Please. Let me decide, this time."

"Okay. So where do you want to study?"

"At Domus Academy."

Medyo kumunot lang yung noo ni Senyor Marco, then umalis na. "Ok" siguro ang ibig sabihin non.

Nilapitan ko na si Cotton then comforted her.

"Okay lang yan, Cotton."

"Yea. Simula po nung nagsink-in sakin na Preston ako, natutuhan ko nang turuan yung sarili ko na isiping okay lang ang lahat."

"Hayyyy. Wag ka nga magsalita ng ganyan, Cotton. Don't spoil your summer just for this reason."

"Okay, ya. Thanks for always being here."

Binigyan niya ko ng thank-you-so-much-and-i-love-you na look. I gave her a warm hug in response.

Colors Of Our LoveWhere stories live. Discover now