Chapter 16

1K 32 2
                                    

Mga ilang araw na rin noong bumalik kami ng Manila dahil kailangan ko na rin ang bumalik. Ang dami na namang papeles nakatambak ngayon sa table ko dahil ilang araw akong hindi pumasok. Ilang araw na nga rin ako hindi nakauwi sa condo dahil kailangan tapusin lahat na trabaho ko, hindi na nga rin ako nagpapakita kay Nico kaya kailangan kong bumawi sa kanya lalo na sa mga bata. Hinilot ko na lang ang sentido ko sobrang stress at pagod ko na rito.

"Sir, coffee po?"

"Yes, please. Pakilagay na lang diyan yung coffee." Nilapag na ng sikretarya ko ang kape sa table ko pero hindi ko pa rin inaalis ang mga tingin ko sa papeles na hawak ko ngayon.

Sa bilis ng oras ay hindi ko namalayang gabi na pala kaya nag-unat ako ng likuran pero napatingin ako sa labas ng opisina ko dahil nandito pa pala ang sikretarya ko.

"Bakit hindi ka pa umuuwi?"

"Baka po kasi may ipapautos pa kayo sa akin, sir."

"No, you may go. Naisipan ko na rin ang umuwi na muna at pagpahinga. Ilang araw na rin ako hindi umuuwi."

"Sige po. Umuwi na rin kayo dahil mahirap kapag wala kayo. Sige kayo tambak na naman ang gagawin niyo, sir kapag absent kayo ulit."

"Oo nga, eh. Sige, uuwi na rin ako."

Nauna ng umalis ang sikretarya ko kaya inayos ko na muna ang mga gamit ko rito sa table bago umalis. Nang nasa elevator ako ay naisip kong bisitahin si Nico ngayon sa unit niya pero bago dumeretso sa kanila ay bibili na muna ako ng pizza and a bouquet of flowes, I guess.

Ang unang pinuntahan ko ay ang pizza parlor para umorder ng isang box ng hawaiian pizza at pagkatapos ko sa pizza parlor ay dumeretso na ako sa flower shop.

"Good evening." Lumapit na sa akin ang isang staff dito sa flower shop.

Inilibot ko na muna ang paningin ko sa mga bulaklak naka display.

"Pabili ako ng isang bouquet ng roses and tulips. Pag samahin mo na yung dalawang bulaklak."

Habang hinihintay na ayusin ang sinabi kong bulaklak sa florist ay nilabas ko na muna ang phone ko pero niisa ay wala akong natatanggap na text o tawag mula kay Nico.

Baka busy lang...

Susurpresahin ko na lang siya mamaya.

"Sir, heto na po." Inabot na niya sa akin ang bouquet.

"Thank you." Inabutan ko na rin ang bayad sa kanya at lumabas na ako sa flower shop.

Dahil rush hour ngayon kaya naipit ako sa traffic at hindi ko alam kung hanggang anong oras ako rito sa biyahe bago makarating sa condo ni Nico.

Nang nakarating na ako sa condo ni Nico ay binati ako ng guard dahil pinapayagan ako ni Nico pumunta sa unit niya para bisitahin ang kambal.

Nang bumukas na ang pinto ng elevator ay hindi ko inaasahan makikita ko si Luigi. Nga pala, dito rin ang unit niya.

"Oh, Theo..." Tawag niya sa akin pero hindi ko siya pinansin dahil pumasok na ako sa loob ng elevator. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa lalaking iyon. Basta pera ay ang bilis niya mapayag sa kagustuhan ni mommy kahit pagkaibigan namin ay pwedeng masira sa naging desisyon niya.

Noong nakarating na sa palapag ay sobrang saya ko dahil excited na ako makita ulit si Nico lalo na ang kambal kaya nga hindi ko sinabi sa kanya na pupunta ngayon para surprise–

Nabitawan ko na lang ang hawak kong pizza box sa aking nakita ngayon. Sabi ko para masupresa si Nico pero walang hiya ako ang nasurpresa sa mga nakita ko. Sa harap pa ng unit sila naghahalikan ng dalawa. Tama naman wala akong karapatang magselos at tumalikod na lang ako. Sayang lang pala ang pinunta ko rito. Tinapon ko na lang ang bouquet sa basurahan. Tsk. Sayang lang pala ang lahat... effort pati ang pagpunta ko rito.

"Theo?" Tawag niya sa akin pero hindi ko na siya pinakinggap. "Theo, teka lang!"

Hindi ko inabala gumamit ng elevator dahil gumamit na lang ako ng hagdan para bumaba na agad. Simula ngayong araw ay tinatapos ko na ang lahat na kabaliwan ko kay Nico. Kahit alam ko naman malabo at kasinungalingan lang naman ang sinasabi niya sa aking mahal pa rin niya ako hanggang ngayon.

"Damn it!" Hinampas ko ang manebela at nakita ko ang paglabas niya sa building pero pinatakbo ko ng mabilis ang sasakyan ko. I don't care about my speed limit.

Napaka tanga mo, Theo!

You made a worst decision again! Ang akala ko mababalik ang lahat na iyon.

"Damn you! Diyan ka magalimg sa maling akala! Kaya ang daming namamatay sa maling akala!" Sigaw ko habang nagmamaneho pero napansin ko na lang pagtulo ng luha ko. Hindi siya nararapatan iyakan.

Nagpasya na muna akong lumayo sa mga problema. Gusto ko na muna bumalik sa Italy.

Tinawagan ko ang kababata kong kaibigan para may matuluyan ako kahit may sarili naman kaming bahay pero gusto ko lumayo sa pamilya ko o kahit sino rito. Sobrang problema na ang binibigay nila sa akin.

"Hey, Rocco."

"Hey, dude. Laki ng gastos mo dahil tumawag ka from Philippines to Italy. So wazzup?"

"Sawi pa rin. Ang akala ko pa naman magiging okay ang lahat pero mali pala. Umasa ako kaya nasasaktan ako ngayon. Pero kaya naman ako tumawag sayo para sabihin sayo na babalik ako ng Italy."

"Kailan naman balik mo?"

"Sorry kung biglaan, baka bukas na ang flight ko."

"Alam kong gabi na diyan sa Pinas pero may oras ka pa ba asikasuhin lahat na kailangan? Passport pati ang visa mo."

"Don't worry, rush lahat. Tatawagan ko na lang ang sikretarya ko mamaya at sabihin ko sa kanya gawin asikasuhin niya ang alis ko bukas."

"Iba ka talaga, Theo. Sige, welcome ka dito sa bahay at miss ka ni kulit." Napangiti na lang ako nang binanggit ni Rocco tungkol sa makulit niyang anak. He's married pero namatay ang asawa niya pagkapanganak sa anak nila kaya ito ngayon ang kaibigan ko, a single daddy. At mukhang walang balak maghanap ulit ng babae para maging mommy ng anak niya.

"Wala ka bang balak maghanap ng girlfriend? 3 years na rin namatay ang asawa mo ah."

"Wala akong interesado maghanap. All I need is my little Daisy. Siya lang ang babae para sa akin."

"Tatanda ka na talaga na walang magaalaga sayo." Pang asar ko sa kanya. Ganoon ka rin naman, Theo.

"Heh! Look who's talking? Pero ayaw ko na dagdagan pa. Makulit nga itong anak ko, dadagdan ko pa ng isang babae na walang ginawa kundi problema at stress lang. One is enough, kung dalawa baka hindi ko na kakayanin."

"Sige, usap na lang tayo kapag nakarating na ako diyan."

"Tawag mo na lang ako kung nandito ka na para masundo kita sa airport."

10 Things To Take You BackWhere stories live. Discover now