Page 03 - No monkey business, for now.

7.6K 254 49
                                    

Page 03 – No monkey business, for now.

SEAN

Magdamag lang kaming magkausap ni Roma. Baliw din pala siya at talagang masaya kakwentuhan. Kung ano-ano pinagsasabi eh. Pero yun, crush na crush daw niya si Khalil Ramos.

Sus.

Mas gwapo naman ako dun.

Ah teka, ba’t ko nasabi yun. Wala wala.

”Uy Sean, ayos ka lang?” Tanong ni Roma at nagsnap pa sa tapat ng mukha ko.

”Nako patay na, tinamaan na yung isa dyan.” Parinig ni Kenneth kaya binato ko ng pipino na sinerve kani-kanina lang.

”Tol, mahal bayad dyan! Wag ka nga nagsasayang ng pagkain.”Sigaw naman ni Luke na lamon ng lamon sa tabi ni Cheska.

”Umayos nga kayo.” Sita ko sa kanila.

”Ikaw kaya ang umayos dyan! Kanina ka pa titig kay Roma.” Singit ni Caloy habang kumakanta. Ang lakas tuloy, rinig sa mic.

”Aish. Two years na kong nawala pero walang pinagbago, ang kukulit pa rin.” Mahina kong reklamo na kinatawa ni Roma.

Grabe yung tawa nya, ang cute pakinggan eh. Parang anghel lang.

Teka, iba si anghel. Nung kumanta yun, grabe tibok ng puso ko eh. Si Roma, iba rin. Parang mas mabilis yung tibok ng puso ko ngayon eh.

Ah sht.

Ang korni ko.

“Huy Sean, kanina ka pa. Okay ka lang ba talaga?” Concern na tanong ni Roma.

“Oo, okay lang. Ikaw ba, okay ka lang ba dyan?” Tanong ko na kinatawa na naman niya. Ano bang nakakatawa sa sinabi ko? Wala naman ha.

”Para kang ewan. Oo, okay lang ako dito. Teka ha, sundan ko lang si Erin. Baka san na naman pumunta yun.” Pinanuod ko siyang lumabas ng kwarto ng bigla na naman akong binato ng onion ring ng kung sino man sa mga siraulong ’to.

”Wala na, pre. Ganyan din kami sa mga ’to nun.” Sabi ni Caloy at nginuso pa si Pat na nakikipagagawan ng mic kay Cheska.

”Tama. Nung tinamaan na, di na tinantanan.” Agree naman si Kenneth na sinubuan ni Dianne ng buong pipino. Takaw.

”Kapag nasapul na? Di na pinapakawalan.” Sabi ni Luke tapos nakiagaw siya ng mic kina Cheska at Pat. Ang kulit.

”Tama kayo dyan mga brad. Kaya nga ako, nung nainlove ako dito sa prinsesa, di ko na tinigilan eh. Mamahalin din ako nito ulit, tiwala lang.” Singit ni Dale na nagpapacute kay Kari na hindi naman siya pinapansin.

So ano ’to, kalimutan ko na si anghel? Okay lang naman.

Parang tama sila eh. Andito na si Roma, ba’t pa ko maghahanap ng iba.

ERIN

Naglalakad ako sa mall magisa kasi nga feeling loner ako dun sa Redbox. Duuuh. Ako lang mag-isa, lahat sila may kaholding hands. Kayakap. Kakulitan. Sino namang di mauumay dun.

Joke lang. Hindi naman umay. Ano lang, inggit lang. Hahaha.

Dito na nga lang ako sa Starbucks. Balita ko maraming pogi dito eh.

“Dude, kung kelan naman kelangan natin ng model tsaka pa magkakasakit girlfriend mo.” Rinig kong sabi nung lalaken nakataliko sa kasama niya.

Happy Never After. #KathNielReads (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon