Page 02 - Ang pusa at daga sa mga love birds.

7.7K 245 28
                                    


Page 02 – Ang pusa at daga sa mga love birds.



KENNETH

Nandito ako ngayon sa school at kakatapos lang ng class. Hinihintay ko lang text ni Deedee at susunduin ko na siya. Daming di makapaniwala na magkakagirlfriend ako. Ako pa. Ang gwapo ko kaya, kahit nakasalamin.


“Huy, nagdedaydream ka na naman. Mamaya mo nga pagpantasyahan si Dianne.” Binatukan ako ni Dale na tumabi sa akin. Dito lang kami sa kiosk malapit sa carpark.


”Gagu tol, pantasya ka dyan. Wag mo kong igaya sayo noh. Palibhasa ikaw lagi mong pinagpapantasyahan si Kari.” Binatukan na naman ako. Isa pa, papatulan ko ’to eh.


”Maka-batok ka naman! Ba’t ba andito ka sa school? Diba may OJT ka?” Takang tanong ko.


“Next week pa magstart yun, boy. May mga inayos pa kong papers. Ang strict kasi ni Papa. Kainis. Parang di ako anak.” Tinawanan ko lang siya. Kasi pagdating talaga sa trabaho, sobrang strict ni Tito Trick. Kung makita niyo lang gawa nun, ay sus. Wala pa sa kalingkingan itong si Dale.


”Ganun talaga, pre. Bakit kasi dun ka mag-OJT? Pwede naman sa ibang firm?” Tanong ko.


“Wag kang maingay, pre. Eh yun kasing pakulo ko nung paguwi nila Kari na karwahe, kay Papa ako nanghiram ng pera. Tsaka siya yung nakiusap dun sa airport, may connection siya dun eh. Kaya ayun. Kapalit, kay Papa ako mag-OJT tapos dapat makarami akong projects.” Mukhang ewan lang ’to. Rereklamo pa pero kelangan naman pala niya.

Tsaka, si Kari din pala ang dahilan bakit dun siya nag-OJT sa firm ni Tito Trick.


”Eh di mo naman siya napasakay ng karwahe.” Pang-asar ko.


”Okay lang, napasakay ko naman siya sa BMW ko. Nakatabi ko. Nakaholdinghands ko ng di niya alam. Oh ha.” Pagyayabang niya.


”Wow ha. So kilig ka na don?” Sarcastic kong sabi kaya binatukan na naman ako.


”Sino bang di kikiligin dun, brad. Yung mahal mo. Yung prinsesa ng buhay mo. Katabi mo tapos hawak hawak mo pa. Sumandal pa nga yung ulo niya sa balikat ko eh.” Habang nagsasalita si Dale eh nakatingin pa siya sa malayo. Alam niyo yung dreamy look?

Happy Never After. #KathNielReads (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon