Chapter 23

1.8K 43 0
                                    

Chapter 23

_______

Monday. Pumasok na ako sa school. Medyo okay na rin naman yung paglalakad ko. Wag lang masyadong bibiglain dahil baka bumuka ulit yung sugat. May benda pa rin sya kaya sa bahay ay lagi lang akong naka pajama para hindi makita ni Nay Linda.

Pagdating ko ng school, sinalubong agad ako ni Cath sa may gate palang. Okay. Namiss ko din naman sya. Nakwento ko na rin sa kanya yung mga nangyari and why I ended up in Ethan's house.

Dumiretso na kami sa room dahil ayaw ni Cath na maglakad pa ako. Usually kasi, sa cafeteria kami dumidiretso pagdating namin ng school.

Pagdating namin ng room nandon na ang Knights..

Tumayo agad si Blake nung nakita nya si Cath.

“Ashley, okay ka na ba?”

“Yep. Troy, pasensya pala kung hindi ako nakarating last last saturday pati tuloy ikaw walang grade..”

He smiled.

“Ano ka ba. Okay lang yun. What's important is you're okay.”

I don't know why, pero parang iba yung aura ni Troy ngayon eh.. Ngumiti na lang din ako sa kanya. Hindi ko na din alam kung ano pa ang sasabihin ko. Nahihiya talaga ako..

Maya-maya pa dumating na yung prof namin.

Bakit ang akward ng atmosphere? 1 week lang akong nagabsent pero parang isang buong semester akong nawala..

“Okay. Class dismiss. Ms. Mercado, see me in the faculty okay?”

For sure dahil 'to sa pag-aabsent ko ng 1 week. Malamang may ipapagawa yan sa akin..

“Yes, miss.”

Lumipas pa ang ilang subjects namin pero ganun pa rin yung atmosphere.. Weird ba talaga o OA lang ako? Tss.

Hanggang sa nasa Cafeteria na kami., Hindi na ako nakatiis kaya nagtanong na ako..

“Kamusta pala dito? One week din yun ah..”

“Ayos lang naman.. Wala pa ring pinagbago..”

“Magulo pa rin ba? Haha.”

Kami lang dalawa ni Cath yung naguusap hanggang sa pagtapos naming kumain.

Bago kami bumalik sa klase namin ay dumaan muna kami ng cr ni Cath.

“Cath, seryoso? Anong problema nila?”

“Huh? Sino?”

AshleyWhere stories live. Discover now