Chapter 8

4.1K 156 6
                                    

"Kumusta ang baby ni Kuya Sandro?" tanong ni Aileen habang naghahanda na sila pauwi. Nasa powder room sila at nag-aayos.

Matapos nilang kumain ng agahan noong sabado ay kinailangan nilang umuwi sa Sariaya, dahil nakatanggap ng tawag ang ina niya mula sa panganay na kapatid. Papunta na raw ang mga ito sa ospital dahil nagsimula nang mag-labor ang hipag niya.

"Maayos naman. Ang cute. Kamukha ni Kuya Sandro," aniya.

"Kailan ka uuwi ulit? Sasama ako," halata ang excitement sa boses ng kaibigan.

"At bakit? Kamag-anak ka?" ani Cheryl.

"Bibisitahin ko lang ang baby," depensa ni Aileen sa sinabi ng kaibigan, "Sumama ka rin kung gusto mo."

"Bibisita? Kanino, sa baby, o dun sa Tito?" nakataas ang kilay ni Cheryl habang nakatingin sa kaibigan nila.

"Pareho," ani Aileen, ang ngiti nito sa mga labi ay magbabadya ng ibayong kalokohan. "Ano, Shaine, kailan ka uuwi ulit?"

"Sa sabado," aniya.

"Sabado kaagad? Kakauwi mo lang ah?" ani Cheryl. Sanay ang mga ito na madalang siyang umuwi sa kanila.

"Oo, nag-usap kami ni Nanay bago ako ihinatid ni Kuya Sherwin dito kahapon. Naisip ni Nanay na mas makabubuting umuwi muna akong madalas para sa tatay ko," pag-uumpisa niya ng kwento pero biglang nagsalita si Aileen.

"Wait! What? Ihinatid ka ng future hubby ko at hindi mo man lang sinabi sa akin? How could you!" anito sa tonong puno ng panunumbat, ang hawak na lip gloss ay ginamit na panturo sa kanya.

Pinaikot ni Cheryl ang mga mata, "Aileen, minsan nakakaloka ka. Seryoso ang topic, o," anito sa kaibigan. "At bilisan mo na r'yan. Baka mas matagalan tayo dahil sa traffic. Uwing-uwi na ako."

"Eto na nga po. Porke't tapos ka nang magkilay!" ani Aileen, dali-daling inilagay sa bag ang make-up kit. Sumunod na sila kay Cheryl na nauna nang lumabas. "Sabagay, kung lagi kang uuwi, ibig sabihin lagi ka ring susunduin at ihahatid ni Sherwin. Pabor pa rin sa akin."

"Pwedeng ang kuya Samuel ko ang maghatid sa akin," biro ni Shaine. Naikwento na sa kanya ni Cheryl ang kalokohang ginawa ni Aileen nang unang makita ang kuya Sherwin niya, at tuwing maaalala iyon ay hindi niya maiwasan ang mapailing.

"E, di ako ang sasama sayo sa Sariaya. Resourful kaya ako," ani Aileen. Dirediretso na silang lumabas ng bangko.

"Hindi mo sinabing hindi ka ulit sasabay sa amin ngayon. Akala ko pa naman malalaman na naming ang nagyari sa date n'yo," ani Cheryl na nauna nang lumabas sa bangko.

Si Euan ang naghatid kay Shaine sa trabaho kaninang umaga, pero ang alam niya ay nasa Makati pa ang binata ngayon. "Sa inyo naman talaga ako sasabay pauwi ngayon," sagot ni Shaine.

Umaga pa lang ay nakatanggap na siya ng tawag na dadaanan siya ni Euan, kaya nagpasabi na siya kay Aileen na hindi siya makakasabay sa mga ito papasok. Pero nagpadala ng text sa kanya kanina ang binata na namove ang lunch meeting nito kaya hindi sigurado kung masusundo siya. Nireplayan niya ang lalaki at sinabing kina Aileen at Cheryl na lang siya sasabay pauwi.

"E, sinong susunduin no'n? Alangan namang kami,"ani Cheryl na itinuro ang binatang naglalakad palapit sa kanila.

And just like that, Shaine's heart starts to beat like crazy. Magkasama lang sila kaninang umaga, pero sabik pa rin siyang makita ang binata. Ang totoo ay nalungkot nga siya nang malamang hindi siya nito masusundo. Pero ang lungkot na binabalewala niya mula pa kanina ay biglang napawi nang makita ang binata.

"Hi," ani Euan, iniabot sa kanya ang bouquet na dala. Inabutan din nito ng tig-isang box Amber's pichi-pichi ang dalawang kaibigan. "Nasa kotse ang para sa iyo, Sweetheart."

My Sweet Surrender (COMPLETED) Where stories live. Discover now