~5th Rule~

62 3 2
                                    

Authors Note: Jhemmarie ayan na ang inaabangan mong UD...para kang si Glenda bagyo ang dating mo!

Nakalipas na ang isang linggo buhat ng nag report kami ni Ken at kung tatanungin nyo kung ano ang nangyari... Aba maayos naman na very good kami ni mam. At tungkol naman sa pag uwi ko ng gabi, ayun konting sermon lang, siguro kasi first time ko lang naman ginawa yun pag uwi ng gabi saka valid naman ang reason yun nga lang bakit daw di ako nag paalam sa kanila. Muntikan na nga silang mag report sa police kala siguro nila na kidnap na ako. Sa isang banda nasiyahan naman ako di dahil di ako napagalitan ng sobra kundi dahil na feel ko na mahalaga pa pala ako sa kanila kala ko puro trabaho lang ang iniisip nila... bahagi pa pala ako ng buhay nila.

Simula nun nag report kami ni Ken napapansin kong palagi na din sya pumapasok at lagi na din nya akong kinakausap. Niloloko nga ako ng mga ka tropa ko, ano daw pinakain ko kay Ken bakit malapit sa kin... Kung alam lang nila puro panlalait ang inaagwanta ko sa taong yun. Pero simula din nun araw na yun lalo na yun ninakawan nya ako ng halik parang gusto ko lagi syang nakikita at pagnakikita ko naman sya ang OA sa pagpintig ng puso ko minsan nga nakakaramdam na ako ng sobrang pagkirot...normal pa ba yun? May instance din na nag text sya sa kin, nag "Hi" lang sya pero yun epekto nun sa kin sobrang unexplainable two letters lang ang katumbas nun pero feeling ko 100 words yun binasa ko. Lately, talaga feeling ko may kakaiba na akong nararamdaman...ayoko mang isipin pero feeling ko na fall na ako sa kanya.

Dahil maaga akong nagising dapat maaga na din akong makapag ayos para maagang makapasok.

Naglalakad na ako papasok medyo madilim pa, napa sobrang aga ko naman ata okay na din kaysa naman ma late. Malapit na ako sa gate ng school ng may matanaw akong naka park na kotse parang pamilyar sa kin ang itsura nun kotse pero sobrang aga naman for sure di sya yun. Eto ba yun epekto pag feeling mo inlove ka na sa isang tao lahat ng nakikita mo feeling mo sya yun.

Malapit na ko sa kotse at nagulat ako bigla itong bumukas. Medyo madilim sa part kung saan naka park yun kotse pero nakita ko may lalaking lumabas naka cap pa sya.

"Kanina pa kita hinihintay, halika samahan mo ako!" sabi ng lalaking lumabas sa kotse sabay higit sa kaliwang kamay ko.

"Teka, sino ka ba at bigla bigla ka na lang nanghihila dyan?!" nagtataka kong tanong.

Di natinag yun lalaki at nagawa pa nya akong isakay sa may front seat bago sya lumigoy ng mabilis sa driver's seat.

"Ano naman feeling mo may ibang lalaking hihigit at magsasakay sayo sa kotse nya?!" tanong pa nya.

Tinitigan ko kung sino yun lalaki at muka ng impaktong si Ken ang nakita ko kung suswertehin ka nga naman early in the morning presensya ng isang mapang lait na tao ang bubulaga sayo.

"Di ka makasalita no?! Na starstruck ka na naman sa kagwapuhan ko! Sino ba sa tingin mo ang hihigit sayo? Sa pagkakaalam ko ako lang naman ang lalaking lumalapit at kumakausap sayo bukod sa mga classmates natin....Saka di ka pedeng hawakan ng iba..ako lang ang pede!" matigas nyang sabi.

"Eh kasi naman naka cap ka di naman ako sanay na makitang nakaganyan ka isa pa ang dilim dun sa place kung saan naka park ang car mo at isa pa malay ko ba na andun ka na sa school ng ganong kaaga." Paliwanag ko habang tumatakbo na ang kotse nya.

"Natulog ako ng maaga kagabi kaya nasa kondisyon ang katawan kong gumising ng maaga. Isa pa may gusto akong puntahan. Ang tagal ko na kaya dun sa harap ng school. Ang tagal mong dumating may ipapakita pa naman ako sayo.. Mas magandang tingnan yun pag nag aagaw dilim at liwanag." Mahaba nyang paliwanag.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

'Til the 12th of NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon