~2nd Rule~

298 9 5
                                    

Author's Note: bebe Cha this chapter is for you...wholesome ang image mo dito...ayokong dungisan ang busilak mong imahe...love mami Nering :-)

Dahil late ako nun first day ng pasukan mas inagahan ko pa ang pagkilos ko kinabukasan pano ba naman di ako sanay ng ganon lagi akong nauuna sa school. Napaaga naman akong masyado wala pang teacher at estudyante pero nakabukas na yun room namin kaya pumasok na ako at umupong parang prinsesa. Maka-idlip nga muna buti na lang di ko muna binuksan ang ilaw. Itutungo ko na un ulo ko sa desk ng may mahagip ang kaliwang mata ko na parang may tao dun sa may bandang sulok nakapatong ang ulo nya sa desk...susmeyo may momo ata sa room namin kumilos un momo feeling ko tatayo sya

"Huwag kang lalapit!" sigaw ko. Tinakpan ko ang mga mata ko pero bago ko nagawa un nakita kong tumayo sya at papalapit sa kin.."Parang awa mo na wag mo akong takutin dahil takot na takot na ako...gusto mo bang humingi ng tulong para maghiganti? Please wag ako duwag ako!" sabi ko pa. "Anong maghiganti pinagsasabi mo dyan?" narinig kong sabi nun momo pero bakit sya nagsasalita ibig sabihin di sya momo. Unti-unti kong inalis un kamay kong nakatakip sa mga mata ko.."Ay demonyo!" bigla kong naibubulalas pano ba naman ang lapit ng muka nya sa aking muka kaya nagulat ako. "You stupid girl! Why don't you look straight to my eyes and tell me...MUKA BA AKONG DEMONYO?!" sabi nya na medyo asar ang muka pero medyo nilayo na nya un muka nya. "Oo este ewan! Ay hindi ang gwapo mo kaya!" Ano raw un sinabi ko! Shet na malagket di ko na mababawi un sana di nya napansin un pinagsasabi ko. "Ah so you belong to my fan girls." Sabi nyang habang nakangiting aso. "Kahapon binuwisit mo na ako hanggan ngayon ba naman mambubwisit ka pa rin! So ibig sabihin one week akong mabubuwisit Ms. Stupid girl?" Sabi nyang medyo mataas ang tono at patanong ang intonation with matching dead glare at biglang umalis. No problema nun ang gwapo nga ang sama naman ng ugali hay sira na din ang umaga ko!

Buti na lang nagdatingan na mga tropa ko unang dumating si Marianne sya un pinaka close ko sa group pano sya ang nagpapatawa sa kin pag nalulungkot ako saka simula preparatory level hanggang ngayong high school magkasama kami nakakasuya na ang pagmumuka lately may napapansin ako d'yan puro porn ang laman ng phone. Sumunod naman si Loren close din kami nyan kalog din at laging ready ang malalapad nya balikat pag gusto mong umiyak. Isa pa yan kung gano ka greenminded si Marianne mas triple yan pede na nga syang bigyan ng title..."Dyosa ng Porn" ang dae nyang alam. Magkasabay namang dumating si Chelle and Kris, si Chelle ang nerd sa tropa parang ngumunguya lang sya ng kendi pag nag i-english. Si Kris naman ang manang sa tropa for sure pagtapos namin sa kumbento ang tuloy nyan. Kasunod nila si Wendy at Erica, si Wendy ang isip bata sa min napaka immature pero kahit ganyan yan chix yan! Medyo may pagka playgirl sya. Si Erica ang pinaka tahimik pangiti ngiti lang yan pag di nya gusto umiiling lang sya pero pinaka cute para kasing hiniwa lang un mga mata nya. Dumating na din ang ate ng tropa walang iba kundi si Charmaine pero mas type naming tawagin syang Cha, mahaba ang pang unawa at siguro sya ang pinakamatino sa min bukod sa kin. Tama nabasa nyo kasi ang buhay ko umiinog lang sa bahay at school.. gumagala din pero bihira. Naku may isa pa pala may parang kangkarot na babaeng padating sa hallway pa lang maririnig mo na un bibig nya. Un totoo pina tsek up na kaya to ng mga magulang nya.. baka nakalunok to ng amplifier at napakalakas ng boses at di lang un parang di nauubusan ng energy......tama hinala ko dumating na din si Silvia or Via mas bet nya daw Via itawag sa kanya para raw ang demure demure ng dating. Nakilala nyo na mga berks ko at take note sa maniwala kayo at hindi may name ang tropa namin...ang korni no?! And we are the "P-O-R-N Girls" Pure-Outstanding-Respectable-Naïve Girls! Wholesome kaya kami at medyo known sa school kaya di maiiwasan ang mga haters at nangunguna na dyan si Jhemarrie...number one hater namin. Syempre may galamay yan si Reylyn, Gloria, and Leah sila lang naman ang walang ginawa kundi manira ng maganda naming image ganon pa man wala kaming pakialam sa kanila ang PORN Girls ay may sariling mundo!

Dumating na din ang prof namin at duh second day of school mega lecture na si teacher. Ang dami nyang pinagsasabi pero walang pumapasok sa utak ko di ko alam bakit lutang si brain. Until I realized isang tao pala ang pilit nangungulit kay brain yun impaktong lalaking yun bakit ko ba sya naiisip. Teka nga bakit ngayon ko lang un nakita.

"Hoy Marianne, may bago ba tayong kaklase?" tanong ko sa kaibigan ko. "Sssshhhh nakikinig ako wag kang maingay marinig tayo ni Ms. Terror." Sabi nya na kala mo naman totoong nakikinig. Magtatanong pa sana ako kaya lang..."Girls on the back are you listening or you have your own lecture there? Care to share?" sabi ng masungit naming teacher. "You Ms. Gonzalez can you stand up and explain why E-Commerce nowadays becomes beneficial to some entrepreneur? And your explanation must similar to what I have explained earlier." Sabi ng teacher kong terorista. Shet bakit naman kasi may business subject kami at first time ko atang di makakasagot. "Uhm mam, I don't know the answer. Sorry." Sinabi ko yun with matching puppy eyes pa... sana tumalab. "Yan ang hirap sa inyong kabataan, daldalan kayo ng daldalan wala naman palang laman ang utak nyo!" mataray na sermon ni madam terrorist. Kriiiinnnnggg...kriiiinnng....kriiingggg. Yes, save by the bell! Pero may pahabol pa sya bago umalis "Ms. Gonzalez expect to be the first reporter in this subject. Pag-iisipan ko pa kung ano ang ipapareport ko but be ready!" sabi ni mam habang nakataas ang makapal nyang kilay.

Tiningnan lang ako ng mga kaibigan ko na parang naaawa alam naman nilang kaya kong mag report pero iba un pagkakasabi ni mam ang lakas ng pressure effect. Hay whatever this time na feel ko na naman na parang sinusuway ko na parents ko di naman ako bulakbol at walang alam na estudyante but now bakit ganon feeling ko walang laman ang utak ko! I feel like I failed my parent expectations...for the second time around feel ko madi-disappoint sila....I broke their second rule......Princess Gem Gonzalez mag-aral kang mabuti!

'Til the 12th of NeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon