O.S #7 - Ng Dahil sa R.I.T.D

149 7 3
                                    

true happiness is not about a big laugh. It’s about a simple smile whenever you remember someone who made your life simple but completely happy” –

**********************

Heto na naman ako sa napakahabang biyahe. Hayyyy! Nakakasawa na, araw araw na lang ang heavy traffic dito pag ganitong oras. Laging napapasakto sa pag-uwi ko galing ng school.

Ako nga pala si Jessica Cortez, 17 and second year college na ako. well, yung school ko lang naman ay napakalayo sa bahay na tinitirhan ko, ayaw naman akong papag-board nina Mommy, nakakatakot na daw at baka maligaw ako sa maling landas. As if naman gagawin ko yon no. taas kaya ng pangarap ko. Hahahaha! Balik sa story na nga, so andito ako ngayon sa jeep, nakaupo(malamang) at dahil nga heavy ang traffic dito ay nakinig na lang ako ng sounds sa MP3 ko.

Pagka-play ko ng music ang tugtog lang naman ay yung “Marry Your Daughter” nung matapos ko na yung chorus, nilipat ko na. nakakainip kase baka makatulog pa ako sa jeep, nga pala. Di pa umamandar yung sasakyan dahil nga sa sobrang traffic. Ganyan talaga dito, sanay na nga ako eh. =_________=

Ang next song naman ay yung Rocketeer ng Far East Movement. Ayan, buti pa ito maganda. Parang ako lang. kaya naman pati yung kamay at paa ko e sumasabay na din sa beat. Kanya kanyang trip sa jeep na to. Hahaha!

Nung matapos na yung Rocketeer ang sumunod naman ay yung Rolling in The Deep ni Adelle, sino ba naman ang hindi mapapasabay sa kantang ito? Memorize ko pa naman to. Kaya ayun kanta lang ako ng kanta.

Huli na ng malaman kong lahat ng mga kasakay ko ay nakatingin sa akin.

NAHIHIYA AKOOOO! -____-“

At dahil nga sa sobrang hiya ko ay bumaba na lang ako. grabe lungsss! Na carried away kasi ako eh. -_______-

Pagbaba ko sa jeep, napansin ko nandito pala ako sa Barrio Masukal! Ay lintik naman oh, bat dito ako bumaba? Ganito kasi yan, ang sabi sabi marami daw MooMoo as in Mamaw as in Multo ang namamalagi dito. Arghhh! Tanga tanga ko! *sabay pukpok sa ulo*

“why are you hurting yourself?”

“ay baklang multo!” napatalon pa ako sa sobrang gulat. Tas ng tingnan ko siya nakangiti lang siya sa akin.

“aray! Ang sakit mo naman magsalita, bakla na nga multo pa?”

“ah eh, nagulat kasi ako eh. Teka, ano ginagawa mo dito?“ mga kaibigan siya nga po pala si Steven, varsity player ng school namin at kapitbahay ko. At Ultimate crush ko. ^___^ pero di niya alam . hahahaha!

“akala ko kasi nasa sa atin na tayo eh. Wala pa pala. Bat kasi dito ka pumara?“

“ah, eh, kasakay kita sa jeep?”

“Oo. Di mo ako napansin no?”

“ah hindi eh.” Narinig niya kaya yung pagtatahol ko sa jeep? Ay nakakahiya, baka sabihin niya yun kay Mama -___-a

“ay nako Jheck kahit kailan talaga, maghihintay pa tayo niyan ng 10mins bago makasakay ng jeep.” He used to call me Jheck, siya lang ang tumatawag sa akin niyan. Sa school di kami gaano nagpapansinan pero pag nasa bahay lang ayun parang ang close close namin. Ewan bat hindi ko siya magawang pansinin sa school, dahil na din siguro sa heart throb siya at ako ay isang wala lang. nakakapanliit kaya yon.

“ewan ko sayo, la naman akong sinabing bumaba ka na eh.” Tas naglakad na lang ako.

“oh san ka pupunta?”

“maglalakad-lakad habang naghihintay ng jeep.” Tapos naramdaman ko na lang na sumunod na siya.

“hay jheck, namiss kita.“ Tapos nasa side ko na siya. Ako naman daw ay kinilig. Hahahaha!

“ewan ko sayo Steve, mga kalokohan mo“

“totoo naman eh. Pag kasi nasa school di mo ako pinapansin, parang hindi tayo magkapitbahay at.....magkaibigan.“

“di mo rin naman ako pinapansin eh.“

“sabagay, sige bukas na bukas papansinin na kita sa school Jheck. I love you Jheck.”

“h-ha? Anong sabi mo?”

“walang ulitan sa taong bingi. Oh ayan na yung jeep tara sakay na tayo.” Tapos hinawakan na niya yung kamay ko hanggang sa makasakay na kami ng jeep. Pero sinabi niya ba na I love You? Hmm, baka bilang isang kaibigan lang. pero ang sarap kasi sa pakiramdam eh. Pwedeng paki-ulit?

===============

Pag-iisipan ko pa kung bibigyan ko ng POV si Steven. HAHAHA! :))

ForgetAboutMe Says: Sana Music na lang ang Life. Para, Play the Moments. Pause the Memories. Stop the Pain and Rewind the Happiness.

ONE SHOT STORIESWhere stories live. Discover now