Midnight Drive (Short Story)

27 1 2
                                    

Masaya akong pinagmamasdan ang bawat ilaw sa daan, maging ang bawat tulay na nadadaanan namin. Gusto kong tandaan ang bawat pagkakataong 'to kasi alam kong maya-maya matatapos din 'to. Dinadama ko rin ang bawat hampas ng tambol sa pinakikinggan nating tugtog, napapa-ugong ang ulo ko sa sobrang indak.

Playing : The Day You Said Goodnight by Hale

Magandang pakinggan 'yung mga ganitong kanta 'pag nagmimidnight drive kasi nakaka relax. Though masarap din matulog habang nag-iimagine ng tila music video mo sa kantang 'to.

Tinabi muna ni Rye 'yung sasakyan at hindi ko alam kung bakit.

"Tara baba muna tayo dito. Panigurado masakit na 'yang pwet mo kakaupo." aniya at nagtawanan kami

Pagbaba ko ng sasakyan ay agad kong inunat ang katawan ko.

"Gusto mo ng coffee? Bibili ako." tanong niya

"Sige, nilalamig kasi 'yung puso ko eh --- este 'yung lalamunan ko hehe." napangisi siya sa sinabi ko

Lumakad na siya palayo sakin at pumasok do'n sa Coffee Shop na may Star sa pangalan. 'Yun pala 'yung mabangong naamoy ko. Iba talaga ang aroma ng coffee.

"Nakalimutan ko kung anong favorite flavor mo sa coffee, kaya parehong caramel flavor nalang 'yung binili ko. Sorry." paliwanag niya

"Ayos lang, sana nga ako rin makalimot na." ani ko sabay ngumiti ng mapait

Naglakad-lakad muna ako habang iniinom 'yung kape. Masarap naman 'yung caramel flavor sadyang chocolate flavor lang talaga 'yung favorite ko.

Nakita ko ang anino niya mula sa likuran ko. Sumunod siya.

"I'm really sorry." aniya

I know that he's not pertaining to the wrong flavored coffee that he buys rather from what happened to us before.

"Saan mo pala balak pumunta?" pag-iwas ko sa sinabi niya

"Secret. Its a surprise." aniya sabay ngiti sa 'kin. "Anyway pwede bang pumunta muna tayo sa grocery? I don't have stocks na kasi sa condo, para naman may ngangatain tayo habang nagmimidnight drive." litanya niya

"Sure." sabi ko sabay higop ng kape

Lumakad na kami papunta sa grocery store na malapit lang rin sa pinagbilhan niya ng coffee.

Kumuha agad siya ng cart mukhang marami kaming machichivogue ngayong gabi ha.

"Gusto mo bang sumakay dito sa cart?" tanong niya

Napatawa ako sa kawalan.

"Seryoso ka? Hindi pwede 'no, pagagalitan tayo."

"Akong bahala." aniya sabay ngisi

Nagulat ako sa susunod na ginawa niya. Binuhat niya ako at sinampa sa cart.

"Hoy loko ka!" singhal ko sakanya pero tinawanan niya lang ako. "Bababa na 'ko." akmang bababa na ako pero agad niya akong pinigilan

"Hey don't. I told you akong bahala sa 'yo." aniya kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang umupo

Habang nililibot namin 'yung grocery ay napapatakip ako ng mukha ko dahil makukuha namin 'yung mga attention nang iba pang mamimili.

"Hey look, they're so cute." sabi no'ng magkapatid ata 'yun

Napabuntong hininga ako sa kahihiyan.

"Babe what do you want? PIC A or Fishda?" nang-aasar na tanong ni Rye

Bilang loka-loka sinakyan ko na lang 'yung trip niya.

"I want Fishda babe, that's my favorite. Did you forget that? I hate you." kunwaring pagmamaktol ko

Midnight DriveWhere stories live. Discover now