Chapter 22 - Assurance

47 3 1
                                    

Karinah’s POV

“Better plan?” I asked.

Ano ba yan! Kanina pa ako kinikilig ha! Kotang kota ka na Brenan! Haha! ^____________^v

“Yah! You are my better plan! Kaya you deserve to know everything.” He said. Bigla akong kinabahan.

Paano kaya kung may malaman akong iba. Drug dealer? Pusher? Ano ba talaga siya? Haha. Praning lang! :P

 “Are you ready to tell me? Kasi kung hindi ok lang din naman.” Yun na lang sinabi ko. Kasi, parang ako ang hindi ready sa sasabihin niya.

He held my hands then look into my beautiful eyes. Hahah. Bawal komontra guys, :P “ Alam kong deserve mong malaman ang lahat. Besides, kaylangan, walang secretes.”

I just smile. He really makes me feel better. Siguro, tama nga din na malaman ko lahat.

“4pm pa lang naman. We can still talk. Wanna go to the beach? Mas relax kasi mag usap don. Promise, I’ll take you home. Pagagalitan ako ni Kuya Erin pag ginabi ka eh.”

“Afraid much with Kuya Erin huh?” Pang aasar ko.

“I just value their trust.” Sabay wink. Hahaha. Ok. Ako na kinikilig.

Pumunta kami sa pinaka malapit na beach. Ang tahimik ang relaxing.

“Alam mo bang adapted ako?” HE started the conversation.

Nabigla ako. Nasa shore lang kami. I look at him. Nakikita kong may pain sa mga mata niya.

“Sorry Nan, hindi ko alam.” I said.

“haha. Ok lang no. Actually di ko naman yun nararamdaman. Kasi they never treated me differently.”

Nag pause siya. Then he continued.

“I was two years old back then. Sa ampunan na ako nagkaisip. Sabi nila, I never really speak before. Siguro daw may trauma ako. But I don’t know. Di ko na din kasi ma alala. Mom and Dad took me. Kasama nila si ate Cathy. Sabi nila, hindi naman talaga dapat ako ang kukunin nila, pero it just happens that ate wants me so much. She stretched my cheeks. Sabi niya kila dad, “Mommy. I want him to be my brother. He’s not smiling. I want to make him smile.” Di niya parin tinatanggal ang pag pisil sa cheeks ko kaya naiyak na ako. Tumawa silang lahat dahil nag panic si ate, she even gave me a candy para lang mapatahan ako.”

“Napahinto daw ako sa pag iyak. At first time in history na nag smile. After that, hindi na ako binitawan ni ate Cathy. She really always makes me smile. Kaya halos walang naka halata na ampon lang ako. Kasi wala naming nag paparamdam sakin non. After a while pumunta ng States si ate Cathy. Naiwan ako mag isa sa bahay. Nalungkot ako. Sobra. Kasi siya lang naman yung lagi kong kausap pag wala parents naming. Partners in crime kami kung baga.”

Nakikinig lang ako ng maigi sa kanya. Alam ko kasing nasasaktan talaga siya.

“Grade school, grade 2 to be exact. Medyo mailap ako sa mga tao. Pero there is this girl na kinausap ako. She asked me to be her friend. Sa una di ko siya pinansin. Kasi natatakot ako nab aka maiwan ulit.” He took a deep breath then continued. “Hindi niya ako tinigilan. Kaya in the end. Naging Mag best friends kami. Lagi kaming magkasama at pag nag uusap kami ni ate Cathy sa Skype, sinasabi ko lahat sa kanya, kaya hanggang ngayon, close kami ni ate. This girl. She’s Marjorie. Grade 3 kami, saka naming nagging kaibigan si Jay Ar. Nakita kasi ni MArj na binubully siya, kaya yun pinag tanggol niya. Kaya nagging mag bebest friend kami.”

“Kami laging magkakasama. Masaya kami. Masaya ako. Kung wala kami sa bahay, nasa bahay kami nila Marj, kung hindi naman, kila Jay Ar. Lahat alam naming sa bawat isa. Problema, nakaraan at ano pa. We treasured each other. Kami ni Marj. We promise to be forever. Alam namin na bata pa lang kami. Pero we planned to be together when we grow up. Growing up together. Yun yung plan.”

Sa totoo lang nag seselos ako kay Marj. Omo! I’m I jealous? Hala!

“Pero nung nag grade 5 kami. Everything has changed. Umalis si Marjorie ng hindi nag papaalam. Umalis siya at di na nagparamdam. Naguho ang mundo ko. Nasira ang tiwala ko. Nangako ako sa sarili ko na di na ako mag titiwala sa kahit kanino. I was devastated! Destroyed! Ang bata bata ko pa para maiwan ng paulit ulit. Parents ko, si ate, si Marj. Natakot akong magtiwala. Natakot ako sa lahat. Hanggang sa nakilala kita. It took me a while to realize na kaylangan ko na din mag tiwala. Ate Cathy told me na tanggalin ko ang galit sa puso ko at mag tiwala. So I did. Kaya yung takot ko na baka iwan mo din ako, tinanggal ko at nag reach out sayo.”

Grabe na ang kaba ko. Pumuputok na ang puso ko. Kinikilig ako pero, ewan. Hahah

“Karinah. You showed me that life is better than pain. Na dapat maging malakas tayo in any way. You showed me na may hope pa sa lahat ng pagkakataon. You open my eyes and colour my day. That made you my better day. Sabi ko okay na ako. Sabi ko handa na ako. Sabi ko kontento na ako. Pero Kari, bumalik si Marjorie.”

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Umiiyak siya. Naiiyak ako. Tapos na baa ng kami? Wala pa ngang Start may end na agad? Is this the end?

I took the courage to hold his hand. He looked at me then intertwined out hands. He grips my hands, firm but warm.

“Karinah. Sabi niya sinubukan niyang sabihin. Pero bakit di niya ginawa? Sabi niya bata lang daw kami, pero pucha! Bata parin naman ako pero tortured na ako! She explained everthing. Alam kong may mali din ako. Pero Kari, gusto niya akong bawiin sayo. Gusto niyang ibalik ang forever naming.”

At dun na. Tumulo na ang luha ko! Iiwan niya na talaga ako.

“Hey. Please. Wag kang umiyak!”

I gave him a weak smile then said, “Ok lang naman kung iiwan mo na ako Nan. Wala pa naman tayong sinisimulan.”

Totoo naman kasi. Kaysa naman sa huli, ako lang din ang iiwan. Kung Kaylan mahal na mahal ko na siya. Ayoko non! Di ko kaya yun!

“No!” he said then he hugged me.

“Nung nag usap kami. I told her about you. I told her about all the things you do.”

Then he let go of me at hinarap sa kanya.

“Dun ko na realize na mas mahal talaga kita!”

Bumibilis ang tibok ng puso ko. My heart is like a drum! It keeps on beating and beating so much.  

“Mahal kita Kari. Pero hindi kita pinipilit na mahalin ako ngayon. Ayokong mag madali o ano.”

“Brenan!” That’s all I manage to say. Di ko paarin ma absorb.

“Wag kang mag alala kay Marj. She maybe special, but she’s with my past. Ikaw ang present ko, ikaw ang future ko. Remember that. Ok?”

Then we hugged.

Ngayon ko lang na realize. Mahal ko na din si Nan. Pero takot parin akong mag risk. Lalo nang alam kong may Marjorie na bumalik.

Siguro pang hahawakan ko na lang to. Ito lang siguro kaylangan ko. Assurance galing sa kanya. Assurance ni Brenan Santiago.

After the talk umuwi na kami. Masaya sa feeling na ok lang kami at walang secretes. Magiging okay naman kami. Alam ko. Ramdam ko. ^_^

(Side's photo is Marjorie Castilian)

Just a Simple BeatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon