2 : School days

46 4 2
                                    

"HAHAHAHA!?"

Ilang minuto na rin simula ng lumabas ako sa loob ng apartment na inuupusahan ko. Pero hindi pa rin natatapos sa kakatawa etong si Mercury. Alam ko naman kung anong pinagtatawanan niya sa akin. Ano? Walang iba kung hindi ang ...

"Laughtrip ka pre! Biruin mo, bagay na bagay sayo yang uniform na yan. Mukha ka talagang highschool sa suot mo." Sabay tawa niya ulit na may kasamang pag-hampas at padyak.

Gusto ko rin sana tumawa, para kahit papano naman hindi siya mapahiya sa mga kapit-bahay kong nakatingin sa amin. Pero hindi ko talaga mahanap kung saan ba talaga yung nakakatawa.

"Hindi halatang napatay mo tatay mo." sabay tawa niya uli, pero nahinto siya ng masulyapan ang matalim kong tingin sa kanya. "Hindi halatang napapatay mo tatay mo sa kunsimisyon, mukha ka kasing mabait." palusot niya.

Hindi na lang ako nag-salita, pumunta at sumakay na ako sa motor ko. Pasuot na ako ng helmet ko ng biglang umangkas si Mercury.

"Baba." utos ko sa kanya.

"Kung bababa ako, di mo alam kung saang papuntang school. Maliligaw ka na naman." sabi niya.

At dahil tama rin naman siya na baka maligaw lang ako, pinaangkas ko na rin sya. Itinuro naman niya sa akin ang daan, at matiwasay kaming nakapunta sa eskwelahan. Pinark ko naman sa loob ng campus yung motor ko. Isang open university ito kaya pwede. Pag-kababa namin sa motor agad kaming pumunta sa highschool building upang hanapin si Ailyn Remualdez.

"Tingin mo anong hitsura ni Ailyn?" tanong niya sa akin.

"Malay ko." sagot ko sa kanya.

"Kamukha kaya siya ni Genesis?" tanong niya ulit.

"Malay ko." sagot ko uli.

"Nakakatakot din kaya siya, gaya ni Genesis?" tanong niya uli.

"Malay ko." muli kong sagot sa kanya na halata namang nakapagpainis sa kanya.

"Wag ka na ngang mag-salita dyan. Puro malay ko lang naman alam mo! Tss" sabay pormang nguso ng bibig niya.

"Pasalamat ka nga sinasagot ka pa." -ako

"Mabuti sana kung matino sago-" Nahinto si Mercury sa sasabihin niya sana sa akin ng may biglang bumangga sa kanya, mula sa likuran niya. "Ang kapa-" nahinto muki siya sa pag-sasalita ng makita niya na isang munting babae ang nakabangga sa kanya.

"Ss-orry po." sabay yuko niya ng ulo.

"Ay hindi ayos lang yun." biglang ayos ng tono ng pananalita niya.

"Ayun siya!" sigaw ng isang lalaking patakbo papunta sa kinaroroonan namin, kasama pa ng dalawang lalaki. Napansin ko naman na biglang nag-bago ang ekspresyon sa mata ni Mercury at nung babae. Gulat ang nabasa ko sa mukha ni Mercury, samantalang takot naman ang sa babae.

"May mga kasama. Tara na!" yaya ng isang lalaki.

Base sa suot nilang uniporme, taga-dito rin sila sa eskwelahang ito. Agad namang nawala ang takot ng babae ng makita niyang umalis na ang lalaking marahil nakasunod sa kanya.

"Salamat." wika niya.

"Salamat? Eh wala naman kaming nagawa para sayo." sabi ni Mercury.

"Kasi dahil sa inyo ay umalis na yung mga humahabol sa akin." malumanay na sagot niya.

"Ah yun ba? Wala lang yun. Baka umalis lang din yun dahil sa kasama ko." sabi ni Mercury. Lumapit din siya sa tainga ng babae at may binulong na nakapagpahagikgik sa babae. Nung nakita niyang nakatingin ako ng matalim sa kanya ay agad din siyang tumigil sa pag-tawa.

Bounty Killer. [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon