1: New mission.

88 5 2
                                    

18 years ago

TP POV

Kasabay ng malakas na ulan, ay ang pighati ng isang ina. Yakap yakap ang munting sanggol niya ay matiyaga siyang naghihintay para sa isang tao.

"Sshh. Tahan na anak, magiging ayos din ang lahat." usal ng ina, habang pinapatahan ang munting anghel sa kanyang bisig. Humupa ang galit na panahon, ngunit ang puso niya ay patuloy sa pag-ulan.

"Anak para rin to sayo. Gusto kong mailigtas ka." aniya habang patuloy ang pag-agos ng luhang puno na ang alinglangan.

Matapos ng ilang minuto, may isang itim na sasakyan ang huminto. Bumaba ang isa pang ina hawak hawak ang isa pang munting anghel. Pumasok siya loob ng maliit na tahanan ng mag-inang naghihintay sa pag-dating nila.

"Pasensya na kung natagalan ako." panimula ng bisita.

"Wala yun." sagot niya sabay alis ng salamin niya sa kanyang mga mata.

"Ang ganda talaga ng mga mata mo. Ang ganda ng pagka-asul. Gaya ng mga mata niya" papuri ng bisita sa ina at sa hawak nitong bata na lalong nakapagpaiyak sa kaniya.

"Salamat." hinanghinang sagot nito.

"Tapusin na natin ito. Akin na ang anak mo." kalmadong wika ng bisita.

Kahit umiiyak ay iniabot nito sa kasamang lalaki ang anak niya.

"Eto na rin anak ko, pakiusap alagaan mo siya." pakiusap ng bisita.

"Oo. Sana ganun ka din sa anak ko. Mahal na mahal ko siya." sagot ng ina.

Sa palitan ng nangyari, iyak ng mga sanggol ang nangibabaw. Ngunit, hindi nito mapapantayan ang pighating nararamdaman ng dalawang ina.

"Hindi ba to malalaman ng asawa mo?" tanong ng bisita sa kanya.

"Hindi. Ni wala nga siyang emosyon ng malaman niyang buntis ako. Ni hindi niya alam na nanganak na pala ako. Ni hindi niya alam ang kasarian nito." maluhaluhang sagot niya. "Sayo alam na ba niya?" dagdag pa niya.

Ngumiti ang bisita, isang ngiti puno ng pighati. "Matutuwa pa nga siya kapag nalaman niya." sagot niya. "Sa tingin ko dapat mauna na kami."

"Sige, pwedeng pahalik muna sa kanya."

Pumayag naman ang bisita, at saka ibinigay ng ina ang huling halik sa kanyang anak.

Isang gabi ng palitan. Hindi lamang ng mga sanggol ngunit pati na rin ng mga tadhanang nakalaan sa kanila. Isang malaking pag-babago ang darating sa kanilang lahat.

[Present time ... ]

The bountykiller's POV

I was cleaning my Katana, when my phone rings. Pero dahil tinatamad ako hinayaan ko lang siyang tumunog. Ilang minuto na ang lumipas pero paulitulit lang ang pagriring.

With my lazy hand i picked up my phone and and see who the hell is disturbing me. "Michael. Tss"

"Buti naman sinagot mo na! Siraulo ka, nakailang tawag ako, bago mo sagutin. Wag mong idahilan na malayo ang cellphone at tinatamad kang abutin kaya hinayaan mo lang ako tumawag ng paulitulit. Wala kang kwenta! Mag-cellphone tapos hindi gagamitin? Anak ng- magtipid ka ng pera, hindi habang buhay may mapapatay tayo para kumita ng pera? Naiintindihan mo bako?" Michael.

"Spill it." I told him, just to cut his speech.

"Spill what?" -michael.

"Ge, baba ko na to." sagot ko sa kanya.

"Wait! Okay. Grabe ang iksi talaga ng pasensya mo."

"Ang dami mong dada. Sabihin mo na lang ng matapos na tong usapan na to. Nangangalay na kamay ko." I told her with a lazy tone.

Bounty Killer. [Ongoing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon