03 - Her Boyfriend

8 1 0
                                    

Alas nueve na ng gabi, unti-unti na ring nagsisidatingan ang mga customer sa bar. Isang gabi na naman ang kailangan niyang maitawid upang mairaos ang isang buong araw na pagta-trabaho. Suot ang itim na damit na hanggang tuhod lamang ang haba, bakas sa balinkinitan niyang katawan at ang hubog ng kanyang dibdib sa sobrang nipis at hapit ng tela nito. Iyon daw ang kailangan niyang suotin dahil na rin sa anibersaryo ng bar na iyon. Kailangan daw maengganyo ng mga customers sa mga tauhan nito. Labag man sa kagustuhan niyang hindi iyon ang suotin ay ginawa niya na lamang dahil parte iyon ng kanyang trabaho.

"Ariceli, bilisan mo na! Puro ka talaga kabagalan, e. Kailangan natin kumita ngayong gabi!" pasigaw na sambit sa kanya ng kanyang striktong amo.

"Opo! Susunod na po!" sagot naman nito. Muli niyang pinasadahan ng tingin ang kanyang sarili at napabuntong hininga na lamang ito bago ito lumabas at pumunta sa entablado.

Naging maayos naman ang lahat. Natapos niya ang set at handa ng magbihis para umuwi ngunit tinawag siyang muli ng kanyang amo. Pamula sa dressing room ay hinila siya muli nito sa bar at dinala sa table kung nasaan ang galanteng customer nito.

"Mr. Takashi, this is Ariceli... the one you are looking for," sambit ng kanyang amo. Halos mamilog ang mga mata nito nang ipinakilala siya sa lalaking iyon. Alam niyang may mga ganoong kaganapan sa bar na iyon pero nagkasundo na sila ng kanyang amo na hindi siya maaring isama sa kalakarang iyon dahil ang gusto lamang niya ay bilang isang singer ngunit mukhang hindi na iyon sinusunod ng kanyang amo—marahil ay nabulag sa ibinigay na offer sa kanyang pera ng lalaking iyon.

"Oh, she is a good singer! I like her! I like her!" natutuwang sabi ng lalaki. Hindi na siya mapakali sa kanyang kinatatayuan nung tagpong iyon. Gustong gusto na niyang umalis sa lugar na iyon ngunit hindi niya magawa.

"I'll leave her to you. Enjoy the night, Mr. Takashi!" nakangiting sabi ng kanyang amo. Bumaling naman ito sa kanya habang unti-unting nawala ang nakapintang ngiti mula sa mukha nito. "Ayusin mo, Ariceli. Malaki binigay niyan. Pakisamahan mo nang maayos 'yan," bulong nito bago umalis.

Hindi na talaga siya mapalagay. Walang salitang lumalabas sa kanyang bibig. Tahimik lamang siyang naka-upo sa tabi ng lalaking iyon. Ipinapaling-paling niya ang tingin sa paligid... umaasang mayroon siyang pwedeng lapitan para mahingan ng tulong man lang pero wala siyang mahagilap. Napawi ang atensyon niya sa paligid nang maramdaman niya ang unti-unting paglalakbay ng kamay ng lalaki sa kanyang kanang hita. Agad naman siyang umurong para maiwasan ito ngunit kahit anong urong niya ay nag-a-adjust din ito. Hanggang sa napunta na sila sa dulo ng sofa.

"Sir, I'm sorry but can you please do not touch me? If you want us to talk, we will talk." Pinilit niyang sabihin ang mga salitang iyon sa lalaki ngunit ngumiti lamang ito nang nakakaloko—na para bang isang biro ang mga salitang iyon sa kanya.

"Dear, I didn't pay thousand pesos tonight if I just want a talk. I. Want. To. Be. With. You. Tonight." Doon ay tumayo na siya at tumalikod sa lalaking iyon ngunit hinabol siya nito. Nahawakan sa kanang braso at marahas na dinadala sa VIP room. Nagpupumiglas si Ariceli ngunit lalo lamang humihigpit ang hawak nito. Maging ang kanyang damit ay halos mahubad na sa kanyang katawan ngunit hindi na niya ito pinansin kung maraming tao ang makakita. Ang nasa isip niya na lamang ay kung paano siya makakaalis sa lugar na iyon.

"Excuse me, Sir! Could you please remove your hands on my girl? I won't repeat it again because if I do, I will surely let you borrow a dog's face," kalmadong sabi ng isang pamilyar na boses ng lalaki—si Marco

"And who do you think you are?" sagot naman ni Mr. Takashi.

"Her boyfriend!" pagalit na sabi nito. Kahit na nangangatog na sa takot si Ariceli, nakita pa rin niya kung paano siya ipinagtanggol ni Marco—nanlalabo na ang paningin dahil sa luhang umaagos mula sa kanyang mga mata. Kung paano nito nilabas ang kanyang galit sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagsuntok sa mukha nito. Maraming customer ang umawat sa kanya ngunit hindi nila ito nagawang pigilan. Kahit na gustuhin man ni Ariceli ang umawat ay hindi na kanya ng kanyang lakas pa. Halos hindi na makabangon si Mr. Takashi sa sobrang suntok na kanyang natanggap mula sa mukha at sa iba't ibang bahagi ng kanyang katawan.

"Magtatagalog ako! Putangina mo! 'Wag na wag mong babastusin ang babaeng mahal ko," hinihingal na sabi nito. Kinuha niya ang kanyang wallet. "Wala akong pakialam kung maintindihan mo ako o hindi. Ito na 'yung binayad mong tatlong libo! Ipambayad mo na 'yan sa ospital para sa injury mo!" galit na sambit niya matapos ibato ang tatlong libong perang iyon.

Sa sobrang takot ni Ariceli ay napayakap na lamang siya kay Marco. Niyakap naman niya ito pabalik pagkatapos ay isinuot sa kanya ang suot nitong polo upang matakpan ang kahubdan ni Ariceli. Inalalayan niya ito palabas nang bar.

"Marco, salamat. Maraming salamat!" umiiyak pa ring sabi ni Ariceli. Pilit naman siya nitong pinapatahan ngunit hindi mapawi-pawi ang mga luhang iyon.

"Tama na. Tapos na. Iuuwi na kita sa inyo," pag-aalo ni Marco.

"H-hindi ako p-pwedeng umuwi ng ganito... ayaw ko mag-alala si Mama," humihikbing sabi nito. Ayaw na niyang magbigay pa ng alalahanin sa kanyang Mama kaya hangga't maari ay iniiwasan niya ang malaman nito ang mga bagay na katulad nito.

"Hay, matigas ang ulo mo. Sige, doon ka muna sa bahay." Dahan-dahan namang tumango si Ariceli sa kanya at muling yumakap. Ngumiti lamang ang binate at inihatid na ito sa kanyang bahay.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 09, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

3 C's of LifeWhere stories live. Discover now