Prologue

23 1 0
                                    


Choices. It is . May mga bagay tayong nagawa, ginagawa, o gagawin pa lang na sa huli maari nating pagsisihan. Mga bagay naakala natin minsan ay tama at 'yun ang dapat nating gawin. Sabi nga nila, "hindi mo malalaman kung hindi mo masusubukan." Oo nga naman. Pero paano ka magdedesisyon sa isang bagay na hindi mo kayang harapin o panindigan ang napili mo? Itutuloy mo pa ba ito?

Kadalasan, ang mga desisyong ating ginagawa ay batay sa nangyayari sa paligid natin. Lagi nating iniisip na paano kung ganito, paano kung ganyan. Sa totoo lang, ang pagpili ng sa tingin natin ay tama ang pinakamahirap na desisyon na pwede nating magawa. Dito nakasalalay ang mga mangyayari sa atin sa hinaharap, at ang ikakasaya natin.

Marami kang kailangan isa alang–alang sa pagpili ng desisyon. Mahalaga ba sa'yo ang mararamdaman ng ibang tao, sasabihin nila sa'yo, at kung paano sila makikitungo? Ano nga ba ang mas mahalaga, ang maging maging masaya sila? O ang maging masaya ka? O baka naman maging masaya lahat.

Pagmamahal ang isa sa pinakamadalas na isyu na kailangan pag–usapan at i-resolba. Lahat naman tayo dadaan sa proseso ng pagpili kung sino ang dapat mahalin o hindi dapat mahalin, kung sino dapat pagkatiwalaan sa hindi, pagkakaibigan o nararamdaman, kung ano ang kailangan natin gawin, kung ano ang dapat at hindi dapat para magtagal ang isang relasyon. Ang gulo. Ang hirap. Ang komplikado. Ganyan ang buhay at ang paulit – ulit na proseso.

Maari kang makasakit, masaktan, o may masirang buhay. Ano nga ba ang dapat lagi nating unahin? Ano ba ang mga bagay na dapat nating isipin? Saan ka nga ba dadalhin ng mga napili mong desisyon?

Changes. To become different or undergo alteration. Sabi nila, nagbabago ang tao kapag may isang tao, bagay, o pangyayari ang maaring nakapagimpluwensya dito. Masasabing ito ang magtutulak sa isang tao patungo sa pagbabago. Paano mo nga ba mapipigilan ito o maiiba ang kaisipan ng isang tao sa isang bagay na maaring nakasakit sa kanya? Paano mo mapapatunayan na lahat ng pinaniniwalaan niya ay mali lang pala at pawing walang katotohanan?

Minsan, hindi natin naiisip kung bakit nagawa ng isang tao ang ginawa niya. Maaring may malalim na dahilan o maaring trip niya lang. Dito tayo nagdadalawang isip at lumalabas ang mga tanong na 'bakit?' sa ating mga sarili.

Pagmamahal, na naman ang isa sa may pinakamalaking impluwensya sa pagbabago ng tao. Sa kahit saang aspeto; pamilya, kaibigan, kasintahan o bagong kakilala, isang masakit na pangyayari lamang ay maaring magbago ang pananaw ng isang tao sa isang bagay at paniniwala niya. Kung dumating a panahon na lumiwanag ang lahat ng bagay na nakakapagpagulo sayo, hahayaan mo bang lumiwanang ang iyong kaisipan o hahayaan na lang na manatili ka na lamang sa kung ano ang iyong nalalaman?

Chances. A possibility or probability of anything happening. Ang buhay ay nagbibigay ng napakaraming pagkakataon para sa atin. Pagkakataon na tayo ay magbago, magmahal, at pumili. Hindi tayo nawawalan ng ganyan. Siguro, 'yung iba ay nagsawa na lang at hindi na umasa dahil hindi na nga daw nila kaya at suko na sila sa mga problemang kinahaharap nila.

Ang pangatlong aspeto na ito ay dulot ng mga iba pang nauna. Choices, kapag nagkamali tayo ng pagpali kailangan natin dumaan sa isang proseso ng paghanap ng paraan kung paano ito itatama. Ito ang makakapagpatuloy sa ating pangalawang aspeto na Changes. Kung paano natin tatanggapin ang mga pangyayaring ito ay nakasalalay sa ating malawak pang - unawa sa mga bagay – bagay. At ang huli, Chances. Ang panahon ng pagtanggap at pagsisimula muli.

Pero, hanggang saan ka ng ba dadalhin ng tatlong letra na sumisimbolo sa buhay natin? Iaapply mo ba ang mga ito sa sarili mo o gagawa ka ng sarili mong desisyon na naayon sa iyong nararamdaman? Handa ka ba sa mga bagay na pwede mong maranasan? Ang mga bagay ba na nakasakit sa'yo ang magtutulak patungo sa pagpili mo ng tamang gawin? Magiging masaya ka ba? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na kailangan ng kasagutan.

Ako si Ariceli Fernandez, at ito ang aking kwento.

3 C's of LifeWhere stories live. Discover now