Morning Surprises

372 5 2
                                    

MATAPOS ng isang masayang halakhak ay biglang pumormal ang anyo ni Tita Salve. “Bweno, kung ganyan lang din ang kondisyon mo mas dapat itong makarating sa aking unico hijo,” akmang dadamputin ng ginang ang cordless phone sa side table ng pigilan niya ito.

                “H’wag na po!” The words escaped her lips as soon as their eyes met. Nakikiusap ang tinging ipinukol niya rito.

                “What seems to be the problem? Kung may lover’s quarrel nga kayo’y madali lang naman natin iyong maisasa-ayos.”

                “Tita, actually our reason got to do with your son’s career. Kasalukuyang nagpopromote ang banda nila Martin ng latest album nila and it wouldn’t give good publicity kung kakalat ang balitang buntis si Cleofe. So, we, Clay and I decided to hide the news for the meantime from the public and from Martin.” Maagap na nagpaliwanag si Vesta.

                Matagal na natahimik ang ginang. Nang magsalita ito’y nakahinga sila ng maluwag ng kaniyang sent from above Angel.

                “Well, I won’t persist anymore. You two are old enough to know what’s right from wrong,” bumaling ito sa kaniya. “Hija, halika’t sasamahan kita sa magiging kwarto mo.”

                Nang akayin siya ng ginang patungo sa guest room na diumano’y tutuluyan niya’y gusto na niyang isiwalat ang katotohonan dala ng kabaitang pinapakita sa kaniya ng matanda. Subalit, alam niyang kung gagawin niya iyon ay may posibilidad na ipagtabuyan siya ng mga ito dahil sa takot na madamay sa gulong kinasasangkutan niya. Kaya naman nanatiling tikom ang kaniyang bibig.

“VESTA, had you gone insane?” Halos pasigaw na sita niya sa dalaga ng pumasok ito sa guest room na kung tutuusin ay hindi naman talaga mukhang guest room. Dangan ksi’t maluwang iyon—kasing laki nga ng Princess room niya sa bahay nila sa White Plains. Bukod pa roon ay kumportable ang pakiramadam niya roon dahil centralized at well ventilated ang kwartong kulay krema ang wall paper with little flowers and butterflies designed at the lower portion, hindi tulad ng kwarto niya sa penthouse ng magpinsan na tanging isang stand fan lamang ang kaniyang gamit pampalamig sa sarili. Kaya madalas o sa hindi ay sa kwarto siya ni Vesta naglalagi.

                “Oh dear, that’s my only way para hindi sila mag-alangan na patuluyin ka rito.

                “Nadagdagan na naman ang kasinungalingan natin... ko!” Nakakaunawang tinapik-tapik siya nito sa balikat.

                “Kaya nga bukas makikipagkita tayo kay Attorney, eh. Ipinakontak ko na rin si Steven,” maang na napamata siya rito.

                “You did that?”

                “Yup! Kasi naman three months ng off the hook ‘yang pagtulong kuno ng bestfriend mo. Wala pa rin nangyayari dahil ang inaakusahan natin ay nataong asawa pa niya.”

                She sighed in exhaustion. Hindi niya na alam kung hanggang kailan pa niya magagawang magtago.

                “Sige, matutulog na ako. Doon lang ako sa katabing kwarto mo. If you need anything don’t hesitate to knock.” Kanina pa nga niya napapansin ang paghikab-hikab nito.

                “Good night, Vesta!” Bago tuluyang puminid pasara ang pinto ay narinig pa nito ang pahabol niyang Thank you.

ALA-SAIS ng umaga. Usually ay tulog pa siya ng ganoong oras lalo na kung wala rin silang naka-book na gig. Subalit kataka-takang ng araw na yun ay mistulang may sariling utak ang kaniyang katawan at saktong nagising quarter to 6AM palamang ng umaga.

The Rocker's Slave [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon