Family Matters part 1

142 4 2
                                    

NASA kalagitnaan na siya ng pag-akyat sa hagdan nang marinig niya ang pamilyar na tinig na iyon. Napalunok siya ng sunod-sunod. Paanong nangyaring naroon ang lalaki gayung malinaw na sinabi ni Vesta na hindi ito tumutuntong sa bahay na iyon.

        “Nasaan na si Fe, mommy?” tanong nito. Marahil ay sinalubong ito ng ina.

        “Fe?” naguguluhang tanong ni Tita Salve. Ang alam nitong pangalan niya’y Cleofe.

        “H’wag na kayo magmaang-maangan, mommy, alam kong narito ang babaeng iyon!” bakas sa boses nito ang pinipigil na pangigigil.

        Hindi kaya… nahintakutan siya sa naisip. Subalit, hindi niya magawang gumalaw mula sa kinatatayuan. Tila itinulos na siya roon. Gayung dapat ay tumatalilis na siya.

        “Hijo, huwag kang magpadalos-dalos, maghunos-dili ka. Maselan ang kalagayan niya!” palapit ng palapit ang tinig ng mga ito.

        Mula nga sa bumukas na pinto ay lumabas ang pigura ng kunot-noong si Martin, kasunod ang ina nitong nag-aalala para sa maselan niya umanong kalagayan.

        Napapikit siya ng dumako ang tingin nito sa kaniyang kinatatayuan. Why can’t she just be invisible and get away from his anger?

        Napapitlag siya ng maramdaman niya ang paghaplos nito sa nakapusod niyang buhok. Hindi niya napigilan ang eratikong pagtibok ng kaniyang puso ng bumaba ang ulo nito upang samyuin ang kaniyang buhok.

        Gustong-gusto na niyang iyakap ang mga braso sa batok nito, kung hindi lamang inaalala ang galit nito.

        He firmly gripped her shoulders after he indulged himself from smelling her scent.

        “Sino ka ba talaga?” kung nakamamatay lang ang titig kanina pa siya tumumba mula sa mahigpit na pagkakahaw nito sa kaniyang mga balikat.

        “A-ano po bang ibig niyong palabasin, s-sir?” mahina niyang usal. Ayaw niyang marinig ng ina nito ang pagtawag niya rito ng sir, na noon ay paakyat na patungo sa kinatatayuan nila ng binata.

        “H’wag ka ng magmaang-maangan pa. I had a detective searching your whereabouts. You simply do not exist, Fe Castillo. Who are you?” humina rin ang tinig nito. Nahalata yatang ayaw niyang marinig ang usapan nila ng mommy nito.

        “I do exist. I am standing here in front of you!” napakurap siya matapos sabihin iyon. Nakagat niya ang labi. Lalong nagsalubong ang mga kilay nito.

        “See what I’m talking about? You’re coming with me!” hinatak nito ang kaniyang kamay at sapilitang hinila siya pababa ng hagdan.   

        “Martin! Ano bang ginagawa mo? Bitiwan mo siya!” nahihintakutang bulalas ni Tita Salve.

        “Bi-bitiwan mo ako. Ayoko sumama sa iyo!” nakipaghilahan siya rito. Kumapit siya sa handrail h’wag lamang nito tuluyang mahatak pababa.

        “You. Are. Coming. With. Me!” pagdiriin nito sa bawat katagang binitiwan.

        “Ayoko nga sabi, eh!”

        Si Tita Salve ay hindi malaman kung ano ang gagawin.

        “Bitiwan mo siya, Martin!” isang dumadagundong na tinig mula sa pinto ang nagpahinto sa gingawa ni Martin na paghila sa kaniya.     

        “D-dad!” tinakasan ng kulay ang binata. Halatang-halata ang takot sa mukha nito. Bahagyang lumuwang ang pagkakahawak nito kaya naman nagawa niyang makawala mula rito. Agad siyang niyakap ng mommy nito.

        “Salve, dalhin mo muna siya sa kwarto niya.” Agad na tumalima ang ginang. Inakay siya nito patungo sa guest room na inuukupa.

        “Ikaw lalaki, sumunod ka sa akin sa den.” Naulilangan pa niyang turan ng patriarka ng mga Stroem.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rocker's Slave [Slow Update]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon