Blackmail 2 (the other side of the door)

5.6K 97 17
                                    

Blackmail 2 (The other side of the door)

Monday

George's POV

      Pasukan na sa new school ko dito sa Maynila. Maaga akong pumasok para matulog sa classroom. At para makaiwas sa crowd. Sigurado kasi ako na pagkakaguluhan na naman ang beauty ko. 6 am ako pumasok samantalang  9am pa ang start ng class ko.

     Ang aga ba? wala naman kasi ako gagawin sa bahay. Kaya pumasok na lang at matulog doon ang maiging gawin. Buti na lang okay lang na naka-freestyle ako dito ngayon. Wag lang daw yung isang dangkal na short ang gagamitin ko. May uniform ang Hersburg Students kaya lang bagong transfer lang ako kaya pwede pa akong magfree style. Nasa akin na iyong uniform ko pero ayoko pa mag-uniform. 

Owkaaaay...... Hindi nakalock yung pinto ng classroom... Lucky me!

*iiccckk*

      Binuksan ko yung pinto ng classroom na nakatalaga para sa unang subject ko. Sa pagbukas ko may mumu sa madilim na parte nitong classroom. Sa may bandang pangalawang pinto nitong classroom. May parang nakaupong anino. Matatakot na sana ako kaya lang naalala kong matapang nga pala ako.

     "Sino yan?" Sabi ko pero hindi gumalaw yung imahe doon, baka nga multo. Hayaan ko na nga lang at itutulog ko na lang ito. Hindi naman ako aanuhin niyan.

*zzzzZZZZZ*

"Good morning class I'm Ms. Cheng. your Adviser for this whole school year."

       Naalimpungatan ako na may teacher na sa harapan ng klase, inayos ko ang sarili ko. Sinuklay ng konti ang buhok at kinapa kung may laway sa pisngi.

Good thing, walang laway.

"Hi miss, ahm you're the transferee right? can we be friends?!" tanong nang katabi kong babae, Maganda na sana siya sa paningin ko kaya lang ang hyper! psh.... Sa aura niya hindi ko sya gusto. Gusto ko ng tahimik na buhay sa Maynila kaya hindi ko kailangan ng clown.

     Masyado siyang mukhang annoying. Alam naman natin sa mga babae kung ano sila sa panlabas na anyo. Kasi ang mga babae ay expressive sa mga naiisip nila at showy ng personality. Hindi katulad ng mga lalaki na puzzled ka sa mga iniisip nila.

"Hey wag mo kong idamay kung gusto mong umuwi ng maaga..." Pagtataray ko sa kanya. Napasimangot naman siya feeling niya cute siya sa ginagawa niya?! (Wag kayo magulo High Blood siya, galit sa mundo yung leading woman ko. WAHAHAHA)

     Habang nagdidiscuss si Ma'am Cheng naisip ko wala ng dahilan para hindi ako mag-aral ng mabuti katulad ng ginagawa ko dati sa Cavite. Wala na akong aasarin na magulang kaya mukhang kailangan ko nang magseryoso sa pag-aaral.

"Okay define set... ahmm... Mr. Limongco" Sabi ni Ms. Cheng, yung teacher namin ngayon sa Math. 

"A set is a well defined collection of distinct objects. The objects that make up a set can be anything: numbers, people, letters of the alphabet, other sets, and so on." sabi ni  Mr. Limongco, hindi ko siya kitasa bandang likod ko siya nakaupo.

"Correct...now ikaw na nakacivillian, what is subset?" usal na naman ni Ms.Cheng na nakatingin sa akin. Base sa mga damit nila e ako lang ang nakacivillian clothes kaya siguro ako nga yun, isama pa natin na nakatingin siya sa akin. Nasa gitna nga pala ang pwesto ko ngayon. Ito ang pwestong napili ko nung bago ako matulog.

"The power set of a set S is the set of all subsets of S. Note that the power set contains S itself and the empty set because these are both subsets of S. For example, the power set of the set {1, 2, 3} is {{1, 2, 3}, {1, 2}, {1, 3}, {2, 3}, {1}, {2}, {3}, }." sagot ko sa tanong niya. Napatanga naman siya. Sa tingin ko hindi niya inaasahan na makakasagot ako. Hello? Psh! Simple Math

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon