Blackmail 24 ( Okay... I love you!)

1.6K 40 3
                                    

Blackmail 24 ( Okay... I love you!)

(RJ and Vickie Story ulit Nag-eenjoy na kasi ako sa story nila kaya lang common na kaya ayoko ng gawan ng sariling story)

after na sabihin ko sa kaniya na hindi ko siya gusto umalis na ako. Totoo naman ih. Hindi ko siya gusto kasi mahal ko siya. Nagulat ako kasi sa lahat ng class namin ngayong araw hindi siya pumasok.

Bakit siya hindi pumasok? umuwi ba siya?

Habang papunta ako sa bahay parang may nasunod sa akin. Pero paglingon ko wala naman. hala?? baka mamaya makidnap ulit ako katulad nung bata pa ako. Tumakbo na ako at sinarado ko agad ang gate namin. naramdaman ko na may tao sa kabila kaya binalak ko nang pumasok sa loob para masafe ko yung sarili ko. Pero may sumigaw.

"Vickie... tuloy pa ba iyong sinabi mo? makikipagdate ka pa rin sakin diba?'' sabi ni Edward sa labas. so? siya pala iyon? Yung nasunod sa akin, akala ko kasi si RJ na. ano bayan nag-aassume na naman kasi ako. Tama na Vickie. Mukha ka ng tanga.

"Yeah but not this day... I'm busy right now." sabi ko at pumasok na sa loob at tinanong ko si yaya kung nakarating na ba si RJ pero wala pa daw... Saan siya nagpunta? Naglalakwatsya ba siya?

Naisip ko na makipagdate na lang kay Edward para makapagmove on na sa kanya, lumabas na ako at hinabol si Edward.

Pinapasok ko siya sa house at ako naman ay pumunta sa kwarto ko at nag-ayos para sa date namin ni Edward.

"Saan ba tayo pupunta?" sabi ko ng makababa na sa hagdan.

"wow you look gorgeous... well sa Park sana matagal ko na kasi gusto makipagdate sa park, at ikaw lang ang naiisip kong magandang dalhin doon kasi ikaw lang naman ang babae  na kilala ko na ayaw sa bar." sabi niya. mas gusto ko sa park kaysa sa Bar.. ewww 

sigurado may nag-iismoke doon. ayoko pa naman ng nagyoyosi.(a/n: ako din ayaw ko... ikaw ba?)

Nagpunta naman kami sa park ng subdivision ng house namin. Nag-enjoy naman ako kasi may pagkakalog pala itong si Edward. Hindi pala siya basta playboy. May sense of humor pala rin siya. Maganda ang naging resulta ng date namin kasi wala talaga siyang maling nagawa. Perfect date pero wala ang utak ko sa date kasi ang nasa utak ko lang ngayon ay ang tao na hindi pumasok kanina.

*kring* *kring*

Nagulantang ako ng may tumatawag sa phone ko. Si RJ... sinagot ko agad ang call.

"Hello?" bungad ko pero wala akong maintindihan kasi choppy at maingay sa kabilang linya... bigla naman luminaw at

"Miss? ikaw ba iyong asawa ni Richard? nasa Chicks bar siya ngayon... lasing na po kasi kaya sana pasundo na"

Sabi ng lalaki. Dali dali akong nataranta sa narinig ko. Asawa daw.... hala dalian mo Vickie! Baka may umangkin pa sa loves mo....

He's A Blackmailer (COMPLETED) [Under MAJOR Revision]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon