IV

4 0 0
                                    

Nakarating na kami sa bahay nila Ish at dumiretso sa garden ng bahay nila para doon tumambay. Sa may parang swing na upuan kami umupong magkakaibigan.

Makalipas ang ilang minuto dumating na din ang team nila Kyle at doon din tumambay kung nasaan kami pero nasa may pool side sila.

Malaki ang garden nila Ish kaya kasyang kasya kami doon. Nagkwekwentuhan kami nila Ish nung biglang nilapitan kami ni Kuya Tristan para itanong kung may gusto daw ba kami dahil oorder sila ng pagkain.

"May gusto ba kayo? Oorder kami ng pagkain."

At syempre dahil food is life nga ang bestfriend ko, ang dami niyang request na pagkain. Napatawa na lang si Kuya Tristan dahil sa mga request ni Ish! Hay best! San ba napupunta mga kinakain mo? Bakit hindi ka naman tumataba? 😏

After sabihin ni Ish ang mga gusto nya, si Toff naman ang tinanong at sinabi niya ang din ang gusto niya.

Busy akong nakatingin sa phone ko dahil nagtext si mommy nung magsalita si Kuya Tristan.

"Ikaw Shey? Wala ka bang gusto?"

Bigla namang sumabat si Ish ng,

"Meron kuya. Si Kyle daw gusto niya. Hahahaha!"

Siraulo talaga 'tong bestfriend ko! Staplerin ko kaya bibig neto?
Tinignan naman ako ng nakakaloko ni Kuya Tristan at biglang bumanat ng,

"Ikaw Shey ah? May gusto ka pa rin pala kay Kyle?"

Okay. Magkapatid nga sila -_____-

"Ano ba kuya? Hindi noh! Wag ka nga nagpapaniwala dyan kay Ish! Kahit anong food na lang. I'm not picky naman. Sige na go! Shooo!"

At natatawa siyang umalis sa pwesto namin. Bigla ko namang tinignan si Ish ng masama at tumawa lang siya at nag peace sign. Napa-irap na lang ako sa kawalan.

Ayaw nya ng mga crush-crush na yan pero kung makapang-asar!! Tskkk.

Nagpatuloy ang kwentuhan naming tatlo ng biglang mapunta ang topic namin sa nangyaring laro kanina.

"Nakita nyo ba yung ginawa nung Mike kay Kyle? Parang nang-aasar pa nung natapal yung bola."

Biglang sabi ni Toff. Umagree naman si Ish.

"Oo. Nakita ko nga yun. Grabe noh? Sobrang yabang. Akala mo naman kung sino! Buti nga hindi napikon si Kyle eh. Nako! Naiinis pa rin ako sa nangyari kanina."

Habang nagpapalitan sila ng mga salita, nilingon ko ulit si Kyle at ayun siya nakikipagkwentuhan sa teammates niya habang hawak hawak ang cellphone at paminsan-minsan ay nagtatype doon.
Siguro katext niya yung babaeng kasama niya noon sa restaurant kung saan nakita namin siya ni mommy.

Hayyy...bumigat na naman pakiramdam ko kaya chineck ko na lang phone ko.
Biglang nag pop ang isang message from Ryle.

"Heyy?"
✔️ Seen 7:13pm

Nilingon ko kung asan siya at nakita kong andun siya nakaupo malapit sa pool habang nakatingin sa akin na parang nag-aalala.

What is wrong with him? Why is he acting like a friend to me? I don't know pero everytime na nakikita ko siya, naiinis ako na ewan.
I know it's bad pero alam nyo ba yung feeling na kahit hindi nyo pa ganoon kakilala yung tao pero makita mo pa lang siya naiinis ka na?

Ganun! Ganun yung feeling. 😏

I ignored his chat and scrolled through my phone.

Then another message popped. It was from him again.

Missed ConnectionWhere stories live. Discover now